*Miles*
Mataman akong nakatingin sa labas. Nag-aabang, tahimik na nakaupo sa loob ng cafe. Sinilip ko yung phone ko at ch-in-ecked kong may bagong text.
Wala, nganga.
Humugot ako ng malalim na hininga at marahang inilabas. Hindi ko alam kung tutuloy pa siya matapos kagabi.
Pinaiyak ko si Bebe ko nang grabe.
Nanahimik na siya at hindi na ako kinausap, ni hindi man lang nagcha-chat o nagti-text. Pagkatapos nung kagabi, wala na. Parang bumalik na naman kami sa dati.
Hindi ko inaasahang mararamdaman ko yun. Ang tindi pala, hindi ko kayang kontrolin.
Hindi pa kami pero grabe na akong magselos, paano pa kaya kung...
As if naman.
Naisandal ko na lang ang ulo ko sa backrest ng kinauupuan. Maaga pa, pumunta na ako. Ayoko kasing siya ang maghintay. Hindi ko rin alam, hindi ko maintindihan kung bakit pa ba ako umaasa.
Paasa.
Hindi ko alam kung tama pa ba 'to.
Dapat na ba akong sumuko? Bumitaw? Tumalikod? Iwan na siya?Isang malalim na buntong hininga ulit at kanina pa ako ganito. Ang depressive na nga ng kinaroroonan ko. Lumamig na rin yung kape ko. Dapat pala iced coffee na lang ang in-order ko.
Saglit na napabalik ang tingin ko sa phone ko. 15 minutes na akong naghihintay. Pinakamatagal na kinse minutos ng buhay ko.
Kapag hindi siya dumating, hahayaan ko na. Hindi na ako maghihintay, di na ako mag-aasam, di na ako aasa.
Kakalimutan ko na lang kahit mahirap. Kasi ang hirap na. Ang hirap nang hanapan ng dahilan.
Pinasyalan ko yung FB ko, not available na yung mga pictures niya sa page. Ni mismong page, wala na yata. Pinatanggal na niya.
Buti naman. Ang dami kasing nagko-comment na mga lalaki. Ang sarap pagsasagutin eh.
Ayan, nagagalit na naman ako.
Huminga ako nang malalim.
Ang hirap magmahal ng babaeng masyadong maganda.
Ang daming gustong lumigaw, ang daming gustong mauna. Ang dami kong kaagaw.
Napasilip ako sa gallery. Pinasadahan ko yung mga pictures niya sa phone ko. Ang dami na nga eh, halos puro mukha na niya. Mapagkakamalan na ngang sa kanya itong phone ko. Inisa-isa ko at napapabuntong hininga na lang.
Itigil ko na nga, nalulungkot lang ako.
Mga fifteen seconds din mula nung tingnan ko ang phone ko, nag-notif.
New message.
"Malapit na 'ko."
Three words lang pero kinumpleto na nun ang araw ko. Ayokong bigyan ng pag-asa ang puso ko pero, napangiti ako.
Maya-maya, nakita ko na siyang pumasok sa cafe. Naka-black mini polka dotted dress siya na puffed sleeves pa. Ang cute ng suot niya tapos naka-sandals na flat.
Ngayon ko lang siyang nakitang nagsuot ng ganun. Well, palaging shirt at pants, kundi shirt at shorts or skirt tapos sneakers.
Naiilang pa siyang naglakad papunta sa akin. "K-kanina ka pa?"
Natulala ako ng ilang segundo bago ko kusang ibinalik ang ulirat ko. "Oo, I mean...mga fifteen minutes lang naman," saka ako tumayo para ipaghila siya ng upuan.
"Alis na tayo?"
Napatanga ulit ako ng ilang segundo ulit bago tumango. Buti bayad na yung kape ko. Sabay kaming naglakad pero mas dumikit siya sa akin, kumapit siya sa braso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/246189691-288-k184770.jpg)
BINABASA MO ANG
Queen Of Damn
General FictionMisunderstood, mistreated and always in trouble, Reina is no ordinary girl from the bunch of foolish and rebellious kids trying to find her true self and the right place for her existence. She kept her armor of arrogance and belligerence knowing tha...