CHAPTER 46 (The Feud)

92 4 0
                                    

Warning:
This chapter contains another disturbing scene that may somehow affect or disrupt your moral view. Again, it was all part of my fabricated imagination with a criminal mind (char). No living soul is harmed, Read at your own risk.

*Jett*

Makulimlim at tila nagbabadya ang isang ulan.

Napatanaw ako sa langit habang sumisimsim ng alak mula sa kopitang hawak ko.

Napabuntong hininga na lang ako at humithit ng sigarilyong nasa kabilang kamay ko.

Sabay buga ng maputing usok, kumalat ang aso sa ibabaw ng ulo ko at nanatiling sa ere, payapa ang paligid. Wala akong naririnig kundi ang sariling tibok ng puso at ilang mahinang ugong mula sa centralized air conditioner na may air filtering function.

Nanatiling tahimik ang buong range ng kinaroroonan ko bago ko narinig ang pag-akyat ng elevator car, huminto at tumunog sa pagbukas nito, saka lumakad ang mga lulan nito.

Tatlo sila, mga pamilyar na awra at neutral ang rhythm ng wavelength nila. Napapikit ako at inilubog ang sarili ko sa armchair na kinauupuan ko.

Pinagmasdan ko rin ang usok na nagmumula sa sigarilyo bago bumukas ang pinto ng opisina ko.

"Boss, narito na yung pina—"

"Salamat Ike," putol ko habang nilalaro ang usok sa kamay ko, nilapag naman niya yung mga hawak na dokumento sa ibabaw ng desk ko.

"Boss, nasalubong ko sina Jake at Rex—"

"Inutusan ko sila, may personal na errand ako sa kanila."

Napaamang si Ike. Mistulang nagulat dahil sa mga sinabi ko.

"Ito na bang lahat yun?" tumikhim ako at umayos na ng upo, tinapunan ko ng tingin ang mga folders at envelope na nasa ibabaw ng mesa ko.

"Oo, Boss. Yan yung mga nakalap ko sa loob, yung iba, pinatrabaho ko, hindi kasi ako pwedeng pakalat-kalat sa hospital eh kilala—"

"Good work, Ike." usal ko at sumenyas na ako na tapos na ang trabaho niya.

"Siya nga pala, iwas-iwasan mo ang pagsasama ng mga hindi miyembro sa opisina ko, baka pag-initan sila ng bata ko, mas maganda kung sa labas mo na lang sila paghintayin."

Alam kong nagulat siya pero di na pinahalata.

Tumalikod na siya pero agad humarap pabalik sa akin. "Boss, may itatanong lang ako,"

"Ano yun?"

"Psychic ka ba?"

Kasalukuyang nakatuon ang tingin ko sa mga binubuklat kong papeles nang itanong niya yun kaya napaangat ang ulo ko para pukulin siya ng tingin.

"Sabi ko nga eh," agad siyang kumambyo at naglakad na palayo.

Binalik ko sa binabasa ko ang tingin ko.

"Baka may hidden cam siyang pinalagay," narinig kong bulong niya.

Napangiti na lang ako.

Hindi ko na kailangan yun, para malaman kung may ibang tao sa paligid ko.

Dahil nararamdam ko yun. Kahit pa sa 10 kilometro ang layo.

"Bibigyan kita ng bonus, hatian mo na rin yung mga alagad mo." dumukot ako ng brown envelope mula sa drawer ko at inilapag sa ibabaw ng mesa.

Papalabas na sana siya nung binanggit ko yun kaya napahinto siya sa paghakbang at bumaling ulit sa akin.

Yung mukha niya, parang nagpapatawa. "Di ka nagbibiro, Boss?"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon