CHAPTER 28 (Broken Promise)

83 3 0
                                    

*Miles*

Hindi pa ako nakakabuwelo nung marinig ko yung iyak ni Bebe ko.

Ang rupok ko talaga. Basta pagdating sa kanya, nakakalimutan ko nang mag-isip.

Nagmadali akong umalis, kahit wala akong dalang kotse, sige lang. Basta masamahan ko siya.

Mabilis ko naman natunton yung lugar, isang kilalang residential area kasi sa Blumentritt. Di pa ako nakakababa sa taxi, hinahagilap ko na siya. Iba kasi yung tono ng boses niya. Parang ang bigat ng dala niyang sakit.

"Salamat po," dali-dali akong bumaba pagkabayad ko at inisa-isa yung kotse sa parking lot.

Ang sabi niya kasi, nandun lang daw siya. Nung hindi ko makita, dinukot ko na yung phone ko at tatawagan na sana kaso pagkadikit ko pa lang ng phone sa tenga ko, natanaw ko na siya. Sa may sidewalk, nakaupo sa gutter, nakayuko na naman.

Agad akong lumapit, humihingal pa ako tapos napabuntong hininga.

Kusang umangat yung ulo niya at nakita kong mugto na ang mga mata niya kakaiyak tapos humihikbi pa siya.

Sino ba naman ang hindi matutunaw ang puso sa hitsura niya?

"Spidey,"

"It's okay, nandito na 'ko," lumapit ako at inabot yung kamay ko at naupo sa tabi niya.

"Samahan mo lang muna ako, ayokong mag-isa."

Hindi ako umimik pero ramdam ko, takot na takot siya. Sa di malamang dahilan. Pansin ko, ang laki ng pagbabago niya mula nung huli naming kita, nanginginig pa siya.

"Nilalamig ka ba?" agad kong hinubad yung jacket ko at ipinatong sa balikat niya.

Tumingin siya sa akin bago niya ako niyakap. "I'm glad you're here, Spidey..."

Saka ko lang maramdaman yung panginginig ng buong katawan niya. "Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"

Hindi siya sumagot kundi umiyak lang ulit. "Sorry," naiusal ko habang tinatapik yung likod niya.

Lalo lang humigpit yung yakap niya. "I'm so scared, please don't leave me."

Huminga ako nang malalim at niyakap na lang din siya. "Hindi ako aalis, pangako. Dito lang ako sa tabi mo hanggang sa maging okay ka na."

Yung iyak niya kanina, nagiging hagulgol na. I feel so bad, nasasaktan siya pero di ko alam kung bakit. Saka ko na aalamin, mas kailangan niya ng karamay.

Ilang minuto pa kaming nanatiling magkayakap bago siya tumigil na sa pag-iyak at humihikbi na lang. Sinilip ko saglit ang mukha niyang itinatago niya sa akin.

"Okay ka na ba? Gusto mo na bang umuwi? Ihahatid na kita."

Nakayuko lang siya nang kumalas siya sa pagkakayakap. Hinila ko na siya patayo at inakay na papunta sa kotse niya.

"Sa'n dito yung—"

Tumunog yung kotse, yung pulang magarang kotse. Napatulala ako ng ilang segundo pero agad namang nakabawi.

"Pwede bang, ikaw ang mag-drive? Wala akong gana."

"Ha?"

Tinitigan lang niya ako. Saka ko tinanaw ulit yung magarang kotse. "Sige, try kong hindi ibangga."

Mukhang mamahalin pa naman, baka mas mahal pa sa buhay ko ang halaga nun.

Nasa biyahe na kami nung muli ko siyang sinilip. Nakatingin lang sa labas ng bintana. Kaya di ko na lang kinausap, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagmamaneho. Pero paminsan-minsan, di ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon