Chapter 27
NATIGILAN si Amber nang marinig sa likuran niya ang pamilyar na boses na 'yon. Bumalik ang pamilyar na pakiramdam sa tuwing nasa malapit siya nito. Kumakalabog ang puso niya at nagwawala sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung anong gagawin niya ng mga oras na 'yon at hindi man lang niya magawang mapakalma ang sarili. Wala sa sariling humarap siya sa binatang 'yon at agad na tinago sa tagiliran nang isuksok niya ang card na hawak.
Napatingala siya sa binatang si Aero. Napakaaliwalas ng mukha nito dahil sa pagkakaayos ng buhok nitong naka-pushback. Hindi mapigilan ni Amber na mapatitig kay Aero sa mga oras na 'yon.
"Ayos ka lang ba, binibini?" Tanong ni Aero sa kanya.
Saka lang bumalik sa realidad ang dalaga, "ah?"
Hindi nagsalita ang binata, napakunot-noo ito at pinagmasdan ang mukha niya na may pagtataka. Hindi niya maiwasang bumaba ang tingin niya sa labi ng binata. Bigla na lang namula ang pisngi niya nang maalala niya ang mga panahon na nahalikan siya ng binata gamit ang malalambot na labi na 'yon.
"May sakit ka ba?" Bigla na lang dinampi ni Aero ang palad nito sa noo ni Amber.
Napaigda sa gulat si Amber sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Pakiramdam niya hindi siya makahinga ng maluwag at mas lalong nagwawala ang puso niya sa loob. Napakalaki pa rin ng epekto ng binata sa sistema ng dalaga.
"Alis na ako," tatalikod na sana siya nang biglang hablutin ng binata ang kamay niya kaya muli siyang napaharap. Napatitig siya sa kamay nitong nakahawak sa mismong kamay niya at napasulyap sa mukha nito na nag-aalala sa kanya.
Napansin niya si Kairos sa di kalayuan na para bang may hinahanap din. Ayaw niyang mapagsabihan na naman siya o mapagdudahan. Ayaw pa niyang bumalik sa Holon o ipatapon sa Surtar na hindi man lang niya natatapos ang misyon na binigay sa kanya. Agad niyang binalik ang tingin kay Aero. May sasabihin pa sana ang binata nang hablutin niya ang kanyang kamay pabalik.
"Paumanhin po kailangan ko nang umalis, kamahalan," saka siya tumalikod kahit pa ayaw niyang umalis ngunit kailangan niyang umiwas.
Hindi na siya lumingon pa kay Aero pabalik kahit na alam niyang nakasunod pa rin sa kanya ito ng tingin. Agad siyang lumapit kay Kairos nang makita niya ito. Bahagyang nabigla si Kairos sa kanyang pagdating at napahawak sa pa sa dibdib nito na para bang gulat na gulat. Pinaningkitan naman ni Amber si Kairos.
"Ang oa mo naman," inis nitong komento at nagkunwaring walang nangyari sa pagitan nila ni Aero kanina lang bago dumating si Kairos.
Umayos ng tayo si Kairos at huminga ng maluwag, "bigla ka na lang kasing dumadating, ano kumusta? Nahanap mo ba si Irene?"
Saka lang naalala ni Amber ang nangyari kanina, "kanina, nakasalubong ko ang grupo nila Aero---" Natigilan siya nang mapansing pinanliitan siya ng tingin ni Kairos nang bangitin niya si Aero, "bakit? Para kang ewan, alam mo 'yon?"
"Nag-usap ba kayo ni Aero?" Makahulugang tanong ng binata sa kanya.
Huminga siya ng malalim at nagtanong sa sarili kung malalaman ba nila. "Hindi, nagkasalubong lang, pakinggan mo muna ako."
"Sige," sabi ni Kairos at hinintay na ituloy ang sasabihin niya.
"Nagliwanag ang mahiwagang card nang makalapit sila sa card, pero hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang sinapian ni Florence." Paliwanag niya.
Natigilan si Kairos sa kinatatayuan nito at napaisip, "talaga? Kabisado mo 'yung mga mukha nong magliwanag 'yan?" Sabay turo sa card.
"Yung mga hari at ilang mahahalagang tao sa selebrasyon na 'to. Mga hari, reyna, prinsesa, prinsipe, mga duke at ilang mga heneral ng kawal ng bawat kaharian." Sagot ni Amber at inaalala isa-isa ang mga mukha kanina.
"Kailangan natin silang isa-isahin, para makasigurado ako."
"Ngayon na ba?" Bigla na lang kinabahan si Amber.
Umiling si Kairos, "hindi pa, pero kailangan makatyempo tayo."
GINUGUL pa ng dalawa ang pagplano sa natitira nilang oras bago kumagat ang gabi. Maaga pa ang susunod na laro kaya kailangan nilang magpahinga agad. Hindi alam ni Amber ngunit parang napagod siya buong maghapon kaya agad siyang dumiretso sa kama at makapagpahinga. Hinayaan na lang din si Kairos na makapagpahinga rin.
Ilang segundo lang ang nakalipas simula nang humiga siya nang makaramdam siya ng sobrang lamig sa silid. Agad siyang napabangon nang wala sa oras, napalingon siya kay Kairos na umuungol sa higaan nito, kaya agad itong napabangon at lumapit kay Kairos. Tumitirik ang mata nito at para bang naninigas sa kinahihigaan. Muling nagising ang buong diwa ni Amber at naalerto ang buong sistema ng katawan niya.
"Kairos!" Paggigising niya sa binata.
"Na saan na ang mahiwagang card?"
Natigilan si Amber nang marinig ang boses babae sa silid. Agad siyang humarap sa gilid ng silid, mula sa dilim at lumabas doon si Irene. Nabigla siya nang makita ang dalaga. Suot ang itim na cloak at hindi niya makita ang mala-paru-parong pakpak nito.
"Anong kailangan mo?" Nagwawala ang puso niya sa kaba sa mga oras na 'to.
Hindi niya magising si Kairos para tulungan siya at naisip niyang si Irene rin ang may gawa nu'n sa binata. Sa isang iglap nawala ang pinto at bintana. Para na silang nakakulong sa silid na 'yon at hindi alam kung saan sila lalabas.
"Alam mo kung anong kailangan ko." Inis na wika ni Irene.
Pasimple siyang napatingin sa unan dahil sa ilalim nu'n nakatago ang mahiwagang card para mahanap si Florence. Ngunit nakuha agad ni Irene ang simple niyang pagtingin. Bago pa man siya makalapit do'n. Tumilapon na siya sa gilid ng silid para mapalayo sa kama niya dahil sa simpleng pagkumpas ng kamay ni Irene. Tumama ang likod niya sa pader at bumagsak sa sahig. Gusto man niyang tumayo ngunit masyado siyang nasaktan.
Wala siyang nagawa kundi ang pagmasdan ang paglapit ni Irene sa kama niya at kunin ang card sa ilalim ng unan niya. Napangisi si Irene habang pinaglalaruan ito sa kamay niya at nakatingin sa kanya.
"Alam mo, Amber, gusto rin sana kita dahil halos parehas tayo ng pinagdadaanan, pinaglayo tayo sa mga mahal natin dahil sa mga sagabal sa buhay natin," sabi niya.
Hindi na makapagsalita si Amber dahil nahihirapan pa rin siya at pilit na tumatayo kahit hindi pa rin niya kaya.
"Ngunit mas pinili mong kumampi at magpauto sa kanila. Maraming salam dito," saka nito pinakita ang card sa kanya na parang magpapayabang na nakuha niya nito. "Paalam," saka itong mabilis na naglaho sa silid sa isang iglap. Bumalik sa dati ang temperature ng silid, bumalik ang binata at pinto.
Bumalikwas ng bango si Kairos sa kama at napamura nang makita si Amber na nahihirapan sa sahig. Agad itong bumangon at binuhat ito para dahil sa infirmary dahil nawalan na ito ng malay.
---
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...