Chapter 1

3.1K 101 15
                                    

Chapter 1

Nakaraang isang buwan...

Hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon si Catherine na sa araw na 'yon ihahatid nila sa huling hantunganang kanyang matalik na kaibigan na si Amber. Naroon din ang mga kasamahan nila sa bahay-ampunan na mga bata at ilang madreng nagpalaki sa kanila. Hindi niya matanggap ang biglang pangyayari sa kanyang tinuring na kapatid sa bahay ampunan.

Tumutulo ang luha niya at nakatitig sa puting kabaong na pinagtutulungan na ibaba ng anim na lalaki. Kakatapos lang ng misa at basbasan ang kabaong.

'Hindi kita makakalimutan at kong na saan ka man sana ayos ka lang dyan,' bulong ni Catherine sa kanyang isipan.

Halos lahat silang naroon ay nakaputing damit. Muli niyang inalala ang nakalipas na tatlong araw na bigla na lang nanghina ang katawan nito sa ospital at nang tignan ito ng mga doctor. Isang masamang balita sa kanila na patay na ang dalaga, hindi na nito kinaya at bigla na lang bumigay.

Ginawa ng mga doctor ang makakaya nila ngunit hindi na talaga kinaya.

Nagtataka pa rin sila noong nakita niya ang kaibigan na nasa loob ng silid nila sa dormitoryo na wala nang malay at may mahinang pulso.

Bumalik muli siya sa realidad nang maramdaman niya ang madre sa kanyang tabi at himasin ang kanyang likod para patahanin.

"Magiging ayos din ang lahat." Bulong ng madre sa kanya.

Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha gamit ang asul na panyo.

"Paalam, Amber." Bulong ni Catherine ng makitang isa-isa nang hinihulog ang mga bulaklak na kulay asul sa libingan nito.

***

"Binibini?"

Napasinghap si Amber at namimilog ang kanyang mga mata nang magising siya. Bumungad sa kanya ang makulimlim na kalangitan na para bang may nagbabadyang masamang panahon. Napapalibutan ng mga asul at maliliit na bulaklak ang buong paligid. Nanaginip siya na nagising na raw siya sa isang silid sa loob ng ospital at nakita niyang tuwang-tuwa si Amber.

Agad siyang napaupo dahil nang maalala ang mga 'yon. Napansin niyang nakasuot siya ng isang itim na bistida na napapalibutan ng desinyong mga bulaklak, mahaba ang manggas at hanggang tuhod na haba ng palda.

Napakunot-noo siya ng makita ang kanyang paligid, naririnig niya ang agos ng itim na tubig sa tabing ilog malapit sa may kanan niya, may mga puno sa paligid ngunit kulay itim ang mga dahon nito, malimig sa paligid at may mga nakikita siyang naglalakad-lakad. Mapa-babae man o lalaki'y nakasyot ng itim na kasuotan katulad niya.

'Na saan ako?' Tanong niya sa kanyang sarili ngunit parang nakita na niya ang lugar na 'to dati.

"Binibini," napasulyap siya sa gawi ng babaeng tumatawag sa kanya.

Napakunot-noo siya nang masilayan ang mukha nito at nakangiti sa kanya. May katandaan na ito ngunit maganda pa rin ang mukha. Kulot ang dulo ng mahabang buhok at napansin niyang magkakulay sila ng mata ng babae, itim. Iniisip niya kong saan niya nakita ang gano'ng mukha dahil parang pamilyar sa kanya.

Nakasuot din ito ng bistidang itim ngunit mas mahaba ang suot nito kesa kanya. Katulad niya wala ring saplot ang mga paa nito. Walang tali ang mahaba nitong buhok na abot hanggang siko ngunit hindi naman gulo.

"Sino ka at na saan ako?"

Nalungkot ang babaeng kaharap niya dahil sa tanong.

"Kawawang nilalang hindi mo pa ba alam na patay ka na?"

Namilog ang mga mata niya sa gulat at bigla na lang sumagi ang nangyari. Napapikit siya ng muling maalala ang masilimoot na pagkamatay niya sa kamay ni Aero. Bumilis ang pintig ng puso niya at muling idinilat ang mga mata.

"Nasa purgatoryo ka ng Surtar, ang Halon. Dito lahat napupunta ang mga kaluluwang namamatay sa mundo ng Erebus, mga nilalang na hindi pa tanggap ang pagkamatay niya, mga kaluluwang may hindi pa tapos na misyon sa ibabaw ng Erebus at ditto rin napupunta ang mga kaluluwa ng mga nilalang na hindi malaman kong saan sila nang galing." Paliwanag ng babae.

Nilibot niyang muli ang tingin sa mga nilalang naroon, may ilang nakatingala sa kalangitan at may ilang nakatulala sa itim na ilog. May sumagi na naman sa kanyang alaala.

"Habang tumatagal ang diwa mo rito sa mundong 'to nanghihina naman ang naiwan mong katawan sa ginagisnan mong mundo, darating sa punto na mamamatay ang katawan mo ro'n at habang buhay ng masasara ang diwa mo rito binibini."

Naalala niya ang bilin sa kanya ni nanang, 'ibig sabihin hindi ako tuluyang nakabalik sa amin?' Tanong niya sa kanyang isipan.

"Ayos ka lang ba binibini?"

Muli siyang napasulyap sa gawi ng babaeng nasa tabi niya at para bang naawa sa kanya dahil sa mga titig nito.

"Ako nga pala si Alisha, anong pangalan mo?"

Hindi siya sumagot sa tanong na 'yon dahil marami siyang katanungan sa kanyang isipan na gumugulo sa kanya.

"Siguro'y nabigla ka sa nangyayari, maiintindihan mo rin ang lahat at matatangap."

Magsasalita pa sana siya nang makarinig sila ng ingay mula sa malayo ngunit papalapit ito ng papalapit sa kanilang gawi. Hinawakan siya ng babae para tulungang makatayo at hinayaan niya ito dahil ang atensyon niya'y nasa paparating na tatlong itim na kabayo. May mga nakasakay ditong nakasuot ng baluti.

Ngunit habang papalapit ito unti-unting namilog ang mga mata niya ng makitang kalansay ang sakay habang nakasuot ng baluti. Napakapit siya ng mahigpit sa kamay ni Alisha na nakahawak sa kanyang braso. Nakuha rin ng atensyon ng mga nilalang naroon dahil sa pag-dating ng mga ito.

Huminto mismo ang tatlong kabayo sa mismong harapan nila Amber, hindi pa rin mawala ang takot at pagkamanghang sa tatlong kalansay.

Mas lalo niyang kinagulat nang magsalita ito at may boses na nang gagaling sa kanila lalo na ang nasa gitna.

"Lahat ng bagong dating na kaluluwa sa Halon ay kailangan sumama sa amin para maitala ang pangalan ninyo!" Anunsyo nito sa lahat.

Katulad ni Amber natatakot din ang ilan at bago lang sa kanila ang lugar na 'to. Nakarinig siya ng mga bulong-bulungan sa paligid at nagtatanong din ang ilan kong anong nangyayari.

"Anong ibig niyang sabihin?" Tanong niya sa babaeng katabi kahit na nakatutok pa rin sa tatlong kalansay sa unahan.

"Huwag kang mag-alala mababait sila at hindi nanakit. Kailangan lang nating sumunod sa kanila." Maamong sagot ni Alisha.

"Sumunod na lang kayo sa amin," sabi naman nong kalansay na nasa kanan.

Walang nagawa ang mga bagong dating sa Halon katulad ni Amber na sumunod sa tatlong kalansay kong saan man ito papunta. Nag-umpisa nang maglakad ang ilan at hindi pa rin kumikilos si Amber.

Naramdamn niyang hinihila siya ni Alisha, "halika na sasamahan kita," ngiti nitong alok.

Wala siyang nagawa lalo na't tuluyan siyang nahila nito.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon