Chapter 52

2.6K 100 10
                                    

Chapter 52

"Sino si Aero?"

Nakahawak pa rin si Brennon kay Amber at nanatiiling nakatitig sa isa't isa. Kahit din si Santino na nasa likod ay nagulat sa tanong ni Brennon. Walang nagsasalita sa kanila sobrang tahimik ang ingay mula sa malakas na hangin at naghahampasan na dahon sa puno ang maririnig.

"Brennon, halika na."

Napasulyap sila sa gawi ni Minerva na seryosong nakatingin sa kanila. Hinila ni Amber ang kamay n'ya kay Brennon ng lumuwag ang hawak nito sa kanya. Muling napasulyap ang binata sa kanya saka sumunod kay Minerva si Brennon. Hindi man lang na sagot ni Amber ang tanong ni Brennon. Sinundan na lang ni Amber at Santino ang papalayong si Brennon.

Napabuntong-hininga si Santino sa likod ng dalaga, "paano nga kong s'ya si Aero? Wala namang imposible diba, paano kong pineke ang pagkamatay n'ya?"

Namilog ang mata ni Amber nang mapasulyap kay Santino. Tinitigan ang madungis na mukha ng binata at ang maliit na hiwa nito sa gilid ng mukha sa kanan.

"Anong ibig mong sabihin?"

Umiling si Santino, "hindi ako sigurado pero pwedeng hindi si Aero ang bangkay na dinala sa atin diba?"

Napaisip din si Amber sa tanong na 'yon, may punto ang binata at muli s'yang napasulyap kay Brennon na halos malayo na sa kanila.

Nang makabalik sila sa mga kubo nakitulong sila sa mga pag-aayos para maibalik ang lahat kahit papaano. Nanghihinayang si Amber sa mga nasirang kubo dahil may ilang pamilya ang nawalan ng bahay, may ilang taga-tribo ang nasugatan, napilayan at ang malala may ilang taga-tribo ang nasawi sa biglaang pagsugod nila Edward. Muli na namang nadagdagan ang galit n'ya sa binata at nagtatanong kong bakit kailangan pa n'ya itong manggulo.

Napasulyap sila sa isang gilid ng marinig ang balahaw ng isang babae at ang kanyang mga anak habang yakap-yakap ang asawa n'yang walang malay. Pinapatahan sila ng ilang taga-tribo, ang babaeng matanda at si Minerva. Napansin n'ya ang ilang nanlilisik na mga mata na nakatitig sa kanya at kay Santino. Nararamdaman n'ya ang mga lihim nitong galit sa kanila at iniisip na sila ang dahilan kong bakit 'to ng nangyari.

Binuhat ni Amber ang mga tambak na kahoy at saka naglakad palayo. Kailangan nila ilagay sa iisang lugar ang ilang nasirang bagay para magamit pa sa susunod. Pumunta s'ya sa tambakan malapit sa kulungan ng makita n'yang nakayuko si Edward sa loob ng silda at nakaupo. Wala na ang baluti nito at mga sandata. Nakatulala at hindi n'ya alam kong ano ang iniisip nito.

Binaba n'ya ang mga kahoy na malapit sa silda at napasulyap ang binata nang makita s'ya. Tumayo ito at naglakad para masilayan pa s'ya ng maayos. Nakikita n'ya ang pag-aalala sa mga mata nito na nakatitig sa kanya. Dahan-dahan din s'yang naglakad papalapit sa silda.

"Anong ginawa mo, mahal na hari, bakit ka nandito?"

"Hindi mo ba nakikita, nandito ako para iligtas ka."

"Hindi mo ba nakikita kong ano ginawa mo sa kanila?"

Napahawak si Edward sa harang na silda, "mga bandido sila, kailan ka ba naawa sa kanila?"

Umiling si Amber, "hindi sila bandido, tribo sila na nangangalaga sa kalikasan."

"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil nandito si Aero, kaya ba parang ayaw mo ng bumalik sa palasyo?"

Natigilan si Amber napaisip bago sumagot, "hindi s'ya si Aero, kahawig s'ya ni Aero pero hindi s'ya ang namayapa mong kapatid."

"Ano?" Napakunot-noo si Edward.

"Si Brennon s'ya at alam natin na...na patay na s'ya diba."

"Pero---"

"Manahimik ka na lang kamahalan kong gustong makalaya tayo mula sa kanila."

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon