Chapter 52

982 43 3
                                    

Chapter 52

ISANG linggo na ang nakakaraan ng mabuo ang plano at nasa kamay lahat ni Amber kung paano masusunod sa lahat ang plano. Wala man siya sa mundo ng mga mortal hinahatid naman ni Kairos ang balita galing kila Minerva sa kanya. Kailangan niyang mag-ingat sa gagawin niya dahil hindi siya pwedeng magkamali rito.

"...hawak mo ang lahat at kaya mong kontrolin ito kung makontrol mo rin maayos ang kapangyarihan mo, kailangan mo lang isapuso na para bang dati na 'tong nasa sa 'yo," paalala ni Kairos sa kanya ng matapos iulat sa kanya ang pinakamabigat na gagawin niya, "tutulong naman ang lahat kaya wala kang dapat ipag-alala, pagkatapos nito makakapagpahinga na ang lahat."

Tumango-tango si Amber at pumayag sa plano. Pagkatapos ng plano na 'yon agad na siyang iniwan ng binata ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo sa trono sa bulwagan. Pinikit niya ang mga mata at nakalagay ang magkabilang kamay niya sa patungang upuan. Tinatawag niya sa kanyang isipan si Aero.

'Aero...'

Sa pagdilat ng kanyang mga mata wala na siya sa bulwagan at nakatayo siya sa mundo ng panaginip, sa loob ng panaginip ni Aero at kaharap ang binata sa gitna ng mala-paraisong bundok sa Atohollo. Nakapahangin sa lugar kasabay ng mabangong simoy ng hangin.

"Panaginip ba 'to?" Tanong ng binata sa kanya.

Naglakad siya papalapit kay Aero at hindi sinagot ang tanong nito, halos isang linggo na rin na hindi nakikita ang binata, "galit ka pa ba?"

Umiling ang binata at inabot ng isang kamay ng binata ang pisngi niya para haplusin ito, "hindi, bakit naman?" Para bang alam na ng binata kung na saan sila ngayon, parang totoo na hindi ang lahat kaya hinayaan na lamang niya kung anong nangyayari.

"Pinapalayo mo na naman ako sa 'yo?"

Gumuhit ang lungkot at sakit sa mukha ng binata, umiling ito, "hindi 'yon ganu'n, hindi ko lang alam kung paano kita ililigtas sa ngayon...gusto ko lang mapabuti ka, ayokong isusugal mo ang buhay mo sa 'kin dahil ilang beses mo ng ginawa 'yon sa 'kin, pwede bang ako naman ang gagawa nito sa 'yo?"

Napapikit ang dalaga at dahan-dahan lumapit ang binata sa kanya para yakapin siya.

"Huwag kang mag-aalala, matatapos din ang lahat..." Bulong ni Aero kay Amber.

~*~

Sumugod si Minerva kay Helena ngunit mas mabilis si Helena kaya nagawa niyang makailag, ngunit desidedong matamaan kahit na isang beses ni Minerva si Helena, winasiwas niya ang hawak na espada ngunit pinang ilag ni Helena ang braso niya para hindi matamaan ang mukha niya, nabigla si Minerva na hindi man lang niya nagalusan o nasugatan man lang si Minerva.

Ngumisi si Helena at hinawakan ang talim nito at dahan-dahan nalusaw sa paghawak niya. Napaatras si Minerva at binitawan ang hawakan ng sandata. Tinapon ni Helena ang hawakan nito sa paanan niya. Handang makipaglaban ng manu-manu si Minerva. Ngunit nakita na lamang niya si Helena sa tapat niya at agad na kiniwelyuhan siya.

"Ang akala ba ninyo mauutakan ninyo ako?" Tanong ni Helena kay Minerva.

"Bakit hindi mo naramdamang napasok ka na namin?" Mapang-asar na tanong ni Minerva kay Helena.

"Aghhhh!" Isang malakas na sampal ang iginawad ni Helena sa kanya.

Para bang nabingi si Minerva sa ginawa ni Helena sa kanya at napasubsob siya sa sahig ng bitawan siya ngunit wala pang kasing saya na napasok nila ng ganu'n kadali ang palasyo sa tulong ni Amber. Nagawa ng dalaga na bigyan sila ng proteksyon kasabay ng kapangyarihan niya'y pinagsama para hindi sila mapansin sa kanilang pagpasok sa loob ng isang linggo bago pa man malaman ni Helena ang lahat.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon