Chapter 17
Nagpadaosdos si Aero para makalapit sa butas na malapit muling tumigas ang tubig dahil sa lamig ng paligid, agad n'yang kinuha ang espada at malakas n'ya 'tong sinaksak sa butas.
"AHHHHHH!" Singhal n'ya sa paulit-ulit n'yang ginagawa, kahit din s'ya ay nahihirapan kumilos dahil sa klima.
Tumulong din ang ilang kawal, sila Sebastian, Santino at pati na rin si Edward.
Hanggang sa mag-crack uli at mas nakagawa sila ng mas malaking butas, binitawan ni Aero ang espada at nilublob ang kamay n'ya para maabot si Amber, ngunit wala s'yang makapa sa ilalim ng malamig na tubig at pakiramdam n'ya tumitigas din ang kamay at buong braso n'ya.
Lumalabas ang mga usok mula sa bibig nila sa tuwing sila'y hihinga.
"Ano na!?" Sigaw ni Edward.
"Wala akong makapa," nag-aalalang sagot ni Aero, "hawakan ninyo ako!" Utos n'ya sa kambal na kawal na agad din s'yang sinunod.
Huminga ng malalim si Aero bago n'ya nilublob ang kalahati ng katawan habang hawak s'ya ng dalawang kawal, nanlaki ang mga mata n'ya sa ilalim ng tubig buti at hindi pa ganoong papalubog ang dalaga, agad na kinuha ni Aero ang kamay ng dalaga na wala nag malay, ginamit ng buong lakas, hinila n'ya 'to papalapit sa kanya, hinila rin s'ya ng kambal para umangat s'ya sa tubig hanggang sa mahila rin n'ya paalis ng tubig ang dalaga.
Hingal na hingal s'ya nang makaahon s'ya sa tubig, parehas silang basang-basa ni Amber, ngunit namumutla na ang dalaga at wala nang kulay ang mga labi nito.
Agad na pinangkumot ni Edward ang suot n'yang makapal na kapa para sa dalaga.
"Amber! Amber!" Ginigising ni Aero ang dalaga.
Tinapat n'ya ang dalari n'ya sa butas ng ilong nito, wala s'yang maramdamang lumalabas na hanging do'n. Pinakiramdam din n'ya ang pulso nito ngunit mabagal, inayos n'ya ang ulo ng dalaga.
Hindi n'ya ganoong kakilala ang dalaga ngunit sobra-sobra ang pag-aalala n'ya sa mga oras na 'yon, gusto n'yang iligtas si Amber, binaba n'ya ang mukha n'ya sa tapat ng dalaga, hudyat nang magkadikit ang kanilang mga labi binugahan n'ya ng hangin ang loob nito, dalawang beses.
Bahagyang nagulat si Edward at ang kambal na pinapanood sa ginawa n'ya.
"Amber?"
Wala s'yang makitang pagbabago, hindi na rin s'ya makahinga ng maayos, nahihirapan na s'ya sa klima at dahil nabasa s'ya ng malamig na tubig sa ilog na 'yon.
Muli n'yang pinagdikit ang malambot nilang labi at binugahan ng hangin.
Dahan-dahan s'yang lumayo, nagulat s'ya nang biglang ibuga ni Amber ang tubig galing sa bibig n'ya, nagising na ang dalaga ngunit sobra itong nanginginig sa lamig.
"Tulong, kailangan s'yang dalhin sa pagamutan!" Sigaw n'ya sa mga kawal nang mga taga Dathelyn.
Tinulunga naman sila ng mga 'yon, sumakay sila karwahe pabalik sa palasyo, dala ang mga biktimang dalagang naligtas pabalik ngunit hindi na nila nakita pa ang bandedong may kagagawan ng lahat.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...