Chapter 10
Karga-karga pa rin ni Aero si Helena nang makababa sila sa karwahe nang makabalik sa palasyo. Ramdam ni Helena ang pag-aalala ng binata sa kanya at hiya dahil hindi siya makaimik sa mg kilos ng binata.
Pumasok sila sa palasyo at diniretso siya nito sa loob ng sala na ngayon lang niya napuntahan. Binaba siya ng binata sa upuan na malapit sa bintana. Nanatili siyang tahimik at umupo ang binata sa harapan niya para bang tinitignan ang namamaga niyang bukong-bukong dahil sa maling pagkakabagsak niya kanina.
Hindi naman siya naiinis sa binata dahil sa ginawa nito kanina dahil alam niyang tinulungan siya nito para makalayo sa aksidente.
"Masakit pa ba?" Nag-aalalang tanong ng binata.
Nang himasin at pindutin ng bahagya ang namamaga niyang bukong-bukong sa kanang paa niya, napangiwi siya at hindi agad nakapagsalita.
Ngayon lang niya napansin na may nakasunod pa lang kawal sa kanila ngunit mas walang emosyong pinapakita ito at para bang palaging seryoso sa lahat ng bagay. Nakatayo ito sa likod ng binata at para bang naghihintay ng utos ng binatang hari.
"Sebastian, kong pwede magtawag ng manggagamot at magdala na rin ng ilang halamang gamot para sa kanya." Utos ni Aero habang hawak pa rin ang paa niya.
"Masusunod po mahal na hari," saka tumalikod at umalis ang binatang kawal.
Silang dalawa na lang ni Aero ang naiwan sa silid at hindi rin niya alam kong saan nagpunta ang kapatid niyang hari.
'Sino nga ba ako para alalahanin niya,' bulong ni Helena sa kanyang isipan nang maalala ang kapatid na si Cristobal.
"Maghintay lang tayo ng ilang sandali at darating ang gagamot sa 'yo." Saka tumingala ang binata sa kanya.
Hindi pa rin maalis ang hiya sa kanyang sarili.
Tumango siya at napakagat sa kanyang pang ibabang labi.
Nong makaharap niya ang binata hindi niya akalain na iba ang makikita niya rito kesa sa madalas niyang marinig noong nasa palasyo niya ng Nurlin. Maraming balita na nakakarating sa kanila noon pa man, matapang daw ang binata, magaling ngunit maliban sa nangyari noong nakaraang buwan at ilang kontrobersyal na balita.
Naisip niyang hindi naman lahat ng pamumuno ng isang hari sa kanyang kaharian ay perpekto at biglang naalala na mas marami pang sangkot na kontrobersyal ang kanyang kapatid na si Cristobal.
Gustong-gusto niyang makaalis sa palasyo kong saan namumuno ang kanyang kapatid sa maraming dahilan, masyadong mapagmataas ang hari, makasarili, kahit kailan hindi ito iniisip ang mga pamilya nito lalo na ang mga kapatid niya pang iba at siya.
Simula nang mamamatay ang amang hari nila, isa-isa silang pinakasal sa mga haring kaibigan ng kanyang kapatid at siya na ang susunod. Ayaw ni Cristobal na may papalit sa kanyang pamumuno kaya isa-isa silang hinayaan na lumipat sa mga iba't ibang palasyo na namumuno sa kanilang naging asawa.
Gusto niyang maikasal sa binata dahil minsan sa kanyang buhay hindi niya pinangarap na maikasal sa matatandang hari at maging kabit. Ayaw niyang maging miserable ang buhay niya katulad sa mga nangyari sa kapatid, dahil halos babae sila at si Cristobal na panganay ang nag-iisang babae sa anim na magkakapatid.
Ang binatang hari na si Aero lang ang sa tingin niyang makakapagsalba sa kanya sa bagay na 'yon. Kailangan niyang gumawa ng paraan para matuloy ang kasal kahit pa ikababa ng pagkatao niya at mukhang hindi naman siya papabayaan ng binata, 'yon ang nakikita niya sa mangyayari.
Iniisip niyang kailangan niyang mapaibig ang binata sa kanya.
Tumayo na rin si Aero sa tapat na upuan, sinundan niya ng tingin ito, may matapang at seryosong mukha ang binata ngunit may lungkot sa mga mata nito. Nararamdaman niyang may kakaiba sa binata na hindi niya malaman kong ano ngunit gusto niyang malaman dahil sa kuryosidad. Para bang may nagtutulak sa kanya na pag-aralan ang binata.
Atomatikong napasulyap siya sa pader na puti at nakita ang ilang mga litrato hanggang sa makita ang isang mas malaking litrato sa gitna. Litrato ito ng isang babae, naningkit ang kanyang mga mata dahil pamilyar ang mga mata nito sa kanya hindi nga lang niya masabi kong saan at kailan niya nakita ang gano'ng itsura.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita, "sino siya?"
Napukaw niya ang atensyon ng binata, napasulyap sa litratong pinagmamasdan niya. Napatingin siya sa binata at napansin ang pagbabago ng emosyon nito. Kitang-kita niya ang lungkot sa mukha nito kahit na may ngiti sa labi.
"Ang swerte ata nong araw na nagkita kami, kahit na isang pagkakamali 'yon, siya ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko..."
Nabigla si Helena sa sinabi ni Aero tungkol sa babaeng nasa litrato.
"Siya ang pinakamagandang naging reyna ng Atohollo..."
"Siya ang pinakamagandang babae na kilala ko. Hindi ko alam sa kaunting panahon na 'yon mapapasaya niya ako. Natutunan niya akong mahalin, siya ang nakakaintindi sa 'kin nong mga panahon na walang gustong makinig sa 'kin at siya ang taong nandyan nong kailangan ko ng makakapitan. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa 'kin at inisip ang kapakanan ko. Hindi ko man lang naibalik ang mga bagay na paulit-ulit na tulong niya sa 'kin."
Habang tumatagal mas lalong nagiging malungkot ang boses ng binata. Nakatitig siya sa litrato sa nakangiting si Amber.
Napalunok si Helena at napaisip. Maraming tanong ang tumakbo sa kanyang isipan. Halata si Aero ang pagmamahal nito sa babaeng nasa litrato.
"Na saan na siya?"
"Wala na siya... ako ang may kasalanan kong bakit siya namatay, kasalanan ko." Unti-unting naging mahina ang boses nito.
Magtatanong pa sana siya nang dumating na ang manggagamot at ang kawal na si Sebastian. Tumayo na si Aero at humarap sa kanya.
"Aalis na ako, prinsesa, sila na ang tutulong sa 'yo at may ilan pa akong aasikasuhin. Magkita na lang uli tayo mamayang hapunan."
"Ah, oo, maraming salamat," sabi ni Helena pabalik.
"Kayo na ang bahala sa kanya," sabi ni Aero sa matandang babaeng manggagamot.
Bahagyang yumuko ito, "opo, kamahalan," saka hinarap si Helena para tignan ang maga sa kanyang paa.
Naglakad na palayo si Aero at pinanood lang ni Helena ang binata hanggang sa makalabas ng silid. Muli siyang napasulyap sa litrato ni Amber at hindi niya napansin na dahan-dahan niyang naikuyom ang palad.
Nahinto siya sa malalim na pag-iisip sa mga bagay-bagay ng maramdaman niya ang mahapding paghilot sa kanya ng matanda.
"Aray," ngiwi niyang wika.
"Paumanhin po, prinsesa."
Hindi siya nagsalita sinamaan ng tingin ang matandang babae.
Ngayong nalaman niyang parang sobrang nasaktan ang binata sa pagkamatay kay Amber, paano niya ito mapapa-ibig sa kanya para matuloy ang kanyang plano?
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...