Chapter 20

1.6K 56 9
                                    

Chapter 20

"Amber," pag-uulit ni Grant sa kanyang pangalan na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito.

"Mas maganda kong ilabas na lang natin ang pulubing 'yan sa palasyo," komento ng tagapagsilbi sa likuran ng binata. Humarap si Grant sa binata.

"Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Grant.

"Ano, nahihibang ka na ba?"

"Prinsipe ako at wala kang pakialam kong ano ang gusto ko. Itong babaeng ito'y sa 'king pangangalaga na kaya wala ka nang kailangan problemahin kong 'yon ang iniisip mo." Sagot ni Grant.

Nagulat ang binatang tagapagsilbi at mas lalong kinagulat 'yon ni Amber. Hindi naman niya kilala ang binatang prinsipe.

Napahilamos ang binatang tagapagsilbi, "bahala ka kong anong gusto mo mahal na prinsipe ngunit 'pag ikaw ang napatalsik sa patimpalak dahil dito wala na akong magagawa ro'n at baka mapatawag ang mga magulang mo sa mangyayari." Huminga ng malalim ang binata bago ito naglakad palabas ng silid.

Muling humarap si Grant kay Amber, "huwag mo na lang siguro pansinin, masyadong kabado si Ben dahil baguhan siya sa kanyang trabaho bilang tagapagsilbi. Kamusta ka, may kailangan ka ba o pagkain, baka nagugutom ka?"

Hindi niya akalain na may ganito siyang makikila sa pagbabalik niya.

Muli niyang naramdaman ang panghihina at namilog ang mga mata nong tumunog ang tyan niya. Natigilan si Grant at naikagat niya ang pang ibabang labi niya.

"Hindi naman na siguro kailangang sagutin ang tanong ko, maiiwan mo na kita sandali at pagbalik ko rito dala ko na ang kailangan mo. Walang mangyayaring masama sa 'yo rito." Saka tumalikod at iwan si Amber sa silid na 'yon.

Hanggang sa tuluyang naiwan si Amber sa silid.

"Sobrang bait naman ng prinsipeng 'yon."

Agad siyang napasulyap sa kanan niya nang makitang nakaupo si Kairos sa dulo ng kama at si Lucian na nakatayo sa may bintana.

Muli na naman niyang naalala ang sinabi ni Lucian kanina, "anong misyong ang pinapagawa ninyo sa 'kin?" Tanong ni Amber.

"Wow, mukhang gusto niya talagang gawin para lang sa pagmamahal." Umakto na parang kinikilig si Kairos na siyang kinainis ni Amber.

"Simple lang naman ang kailangan mong gawin, hanapin mo si Florence." Walang emosyong wika ng binatang si Lucian.

Napangiwi si Amber, "sinong Florence?"

"Si Florence ang binatang pinakamamahal ni Irene na siyang nagtatago rito, hindi namin siya mahanap hanggang ngayon at gumagamit ng itim na kapangyarihan. Hindi namin siya maramdaman ngayon kong tutulungan mo kami na mahanap siya baka ibigay namin sa 'yo ang kahilingan mo. May isang kondisyon na kailangan mong tandaan, hindi ka pwedeng makipag-usap sa mga taong nakakakilala sa 'yo at hindi ka pwedeng lumapit sa kanila." Paliwanag ni Lucian.

Bigla siyang kinabahan sa misyon na binigay sa kanya at napaisip kong magagawa nga ba niya 'yon.

"Paano ko mahahanap si Florence kong hindi ko siya kilala o namumukhaan?"

"Si Kairos ang bahala sa 'yo."

"Ako...ano?" Nagulat ang binatang si Kairos at agad na tumayo sa kama.

"Si Kairos ang magsisilbing tagapagbantay mo at gagabay sa 'yo sa misyon. Babalikan ko kayo kong sakaling hindi kayanin ni Kairos ang lahat at hindi siya basta makakabalik sa Halon hangga't hindi natatapos ang misyon mo..."

"Teka, amo tinanong mo ba ako kong gusto ko?" Gulat na gulat pa rin si Kairos ngunit hindi siya pinapansin ni Lucian.

"Inuulit ko binibini hindi ka pwedeng makipag-usap sa mga taong nakakakilala sa 'yo, hindi ka pwedeng lumapit sa kanila at sana hindi ka matulad sa mga magulang mo."

Mas kinabigla ni Amber ang sinabi ni Lucian, "anong tungkol sa mga magulang ko?"

"Paalam."

"Hindi!" Sigaw ni Kairos papunta sa direksyon ni Lucian ngunit bigla itong nawala.

"A-anong ibig sabihin niya sa mga magulang ko?"

Humarap naman si Kairos sa kanya na para bang nagmamaktol na bata, "hindi ko alam, kasalanan mo 'to, nanahimik ako sa Halon eh, kong hindi ka lang nandito 'di sana wala ako rito para bantayan ka," reklamo ni Kairos ngunit nawala rin bigla ang binata.

Muli siyang napasulyap sa pintuan nang makitang papasok ang dalawang dalagang tagapagsilbi na may dalang pagkain, damit at ilang kagamitan. Nasa likod si Grant na nakasunod lang. Isa-isa nilapag ang pagkain na nasa tray at bagong damit sa kama bago umalis ang dalawa at magpaalam sa prinsipe.

"Pwede ka nang kumain at binigyan ka rin nila ng bagong damit na masusuot." Wika ng binata nang tuluyang sila na ang maiwan muli sa silid.

"Bakit masyado kang mabait sa 'kin?" Pagtataka ni Amber.

"Dahil ugali na naming taga-Walton ang mapagbigay at pagiging mabait sa kapwa namin. Alam kong nakakapagtaka ngunit hindi ko pwedeng pabayaan ang katulad mo. Na ka pala nakatira? Ay oo nga pala hindi mo alam, paano nga ka nga pala nakarating dito?"

Hindi niya akalain na may gano'n kadaldal na lalaki sa katauhan ng prinsipeng kaharap niya.

"Hindi ko rin alam."

Napakunot-noo ang binata sa kanya, "may gano'n ba? Ah sige, mas maganda kong kumain ka muna baka makapag-isip ka ng maayos kong sakaling may laman ang tyan mo."

Hindi na siya sumagot, agad na nilantakan ang tinapay na nakapatong sa babasaging kulay puting plato at halos mabulunan sa pagmamadali na inumin ang gatas sa baso. Pinapanood at namamangha lang ang binata sa kanya.

Nang matapos si Amber sa kanyang pagkain saka naman siya nakapaglinis at nakapagbihis ng bagong bistida. Asul na bistida na abot hanggang ilalim ng tuhod niya ang haba na may itim na kurset at maigsing manggas.

Muli na naman niyang narinig ang mga bulong at iyak sa paligid niya. Nagtaasan ang balahibo niya sa kanyang batok at braso na para nag nanonood sa kanya. Napalunok siya ng laway bago siya napaatras at pinagmasdan ang paligid. Hindi niya gusto ang pakiramdam kaya agad siyang lumabas ng silid at agad niya ring nakita si Grant sa labas.

"Sasama ka sa 'kin?" Tanong nito sa kanya.

Nawala bigla ang mga nararamdaman at ingay sa paligid. Tumango na lamang siya, "oo."

Tinitigan siya ng binata bago tuluyang naglakad na siya naman niyang sinundan. Habang naglalakad sila sa pasilyo patuloy lang sa pagkwento ang binata.

"Maraming kalahok sa piesta at patimpalak ng Nurlin baka dumating ang lahat ng mga hari galing sa iba't ibang kaharian, malayo man o malapit dahil isa ito sa pinakahihintay ng lahat. Lumipad ang balitang ito sa ibang kaharian na hindi gaanong sumasali sa kanila." Kwento ng binata sa tabi niya.

Napasulyap siya sa durungawan kong saan nakikita niya ang mga tao sa baba, nagkakatuwaan, nagsasayawan at nagdiriwang. Maingay sa buong palasyo lalo na sa gitnang bahagi nito sa malawag na hardin na may fountain sa gitna at makukulay na palamuti na nadadagdagan pa ng iba't ibang kasuotan ng lahat. Malawak ang palasyo na may apat pang parte ang palasyo at para bang may maliit na bayan sa mismong loob nito.

Tuluyan silang nakarating sa hagdan at bumaba. Lalo niyang narinig ang ingay mula sa labas at labas-masok ang mga bisita na lahat ay nakangiti.

Hindi niya maiwasang mapangiti dahil nakakahawa ang galak ng mga naroon.

"Halika doon tayo," sabay turo ni Grant sa labas kaya agad din siyang sumunod.

May mga bagong dating karwahe sa mismong gate ng palasyo na kakapasok pa lamang dumiretso at pumarada sa mismong harapan ng palasyo. Patuloy lang sila sa paglalakad at ilang mga kalalakihang nagtutugtog ng mga tambol. Maglalakad pa sana sila nang magulat siya nang may humatak sa kanyang braso at mapaharap kong sino ang humila sa kanya.

Halos bumungo pa siya sa dibdib ng humila sa kanya ngunit mas kinagulat niya kong sino 'yon. Para bang nabuhayan ang puso niya na sobrang bilis ng tibok ng puso niya, ilang segundong huminto sa paghinga dahil sa may hawak at kaharap niya ngayon.

Nakaawang ang labi niya at namimilog pa rin ang mga mata niya.

"Amber," tawag nito sa kanya.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon