Chapter 3
Umalingawngaw ang sigaw ni Amber nang magbukas ang liwanag at bumagsak siya sa malamig na sahig padapa ngunit hindi naman siya nasaktan. Para bang papel na bumagsak lang sa lupa. Hingal na hingal siya at para bang binabayo ang kanyang dibdib sa sobrang kaba. Pakiramdam niya sumakay siya ng flying carpet na rides sa star city dahil sa nangyari.
Agad siyang tumayo at nakita ang sariling nakatapak na naman siya sa parang salamin na kalangitan. Gumagalaw ang mga ulap at muli naman siyang tumingala sa itaas. Nakikita na naman niya ang madilim na kalangitan na kabaliktaran ng tinatapakan niya.
Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid ngunit wala siyang makitang kong sino man doon.
"Na saan ako?" Bulong ni Amber sa kanyang sarili habang nakakunot-noo.
Kahit siya lang ang mag-isa hindi naman siya nakakaramdam ng takot na siyang pinagtataka rin.
"Kamusta ka na dyan?"
Namilog ang mga mata niya ng dahan-dahan ng makarinig siya ng pamilyar na boses mula sa likuran at biglang bumilis ang pintig ng puso. Kahit na hindi niya nakikita kong sino 'yon alam ng puso niya.
Dahan-dahan kumilos ang mga paa niya paharap sa direksyon ng boses. Napaawang ang mga labi niya sa gulat at agad na lumapit sa direksyon ng binata kahit na hindi siya sigurado ngunit sa paglapit niya lumagpas lamang siya. Natigilan siya at muling humarap. Nakatalikod ito sa kanya nakikita niya ang binata ngunit parang usok at lumalabo minsan.
Nakaupo ito at para bang may kinakausap.
"Aero?"
"Gusto ko ng makita sana magparamdam ka man lang kahit sa panaginip at kamustahin ako. Gusto kitang makausap at sabihin sa 'kin na ayos lang ang lahat."
Hindi siya makapaniwala ngunit nararamdaman niyang siya ang kinakausap nito. Dahan-dahan siyang naglakad at pumunta sa harapan ng binata. Ngayon na lang niya ito nasilayan at ramdam niya ang pangungulila kay Aero. Para bang ang daming nagbago sa binata. Gusto niyang hawakan ang mukha nito ngunit sa tuwing gagawin niya ito tumatagos lamang siya sa binata kaya tinigil na niya.
Huminga ng malalim si Aero at napansin parang may pinaglalaruan ang binata sa may paanan, "napagod ka na siguro sa 'kin dahil marami kang sinakripisyo. 'Yong sinabi mong tutulungan mo kong ibalik sa 'kin ang trono, nagtagumpay ka ro'n pero ikaw naman ang nawala. Aanhin ko ang trono at korono kong wala ka naman."
Napailing si Amber at nalungkot nang makitang lumuluha ang binata. "Wag kang umiyak, wala ako dyan para punasahan ang mga luha mo." Wika niya na animoy maririnig ng binata kahit hindi naman.
Dahan-dahan pumikit ang binata, tinitigan ng mabuti ni Amber ang wangis nito at natatakot nab aka makalimutan niya kong anong itsura ng binata. Dahan-dahan siyang lumapit at kahit alam niya ang mangyayari nagbakasakali pa rin siya. Nang mailapit niya ang mukha sa binata tinatapat niyang ang labi nito sa labi ni Aero at pinikit din ang mga mata kahit na wala siyang maramdaman.
Saka siya lumayo at muling pinagmasdan ang mukha nito. Dumilat ang mga mata nito at animoy nakatitig sa kanya. Nagtataka siya dahil sa pagkunot-noo nito ngunit ilang sandali lang nang bigla itong ngumiti kaya napangiti rin siya.
"Magkikita rin tayo sa kabilang buhay, hintayin mo lang ako, Amber." Bulong ng binata.
"Oo, Aero, oo."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng unti-unting nawawala ang usok sa harapan niya at bigla na lang nagbago ang anyo ng lugar. Para bang ilusyon na unti-unting nalulusaw at napapansin niyang nagbabago ito bilang isang silid. Nakaharap siya sa itim, mataas at malaking pintuang nakasara.
Pinalibot niya ang tingin sa buong silid, wala na ang kalmadong kalangitan sa sahig, ang makulimlim na kalangitan sa itaas at napalitan ito ng puros itim na kulay ng silid. Sa sahig na may puti at itim na kulay na para bang chess board. May tig-talong pillars sa magkabilang gilid na gumagabay sa mataas na kisame. Sa tapat nito ang tatlong patungan at may apoy ngunit kulay puti.
Nakarinig siya ng mga yapak mula sa likuran kaya lumingon siya ro'n. Nakita niya ang isang tronong upuan, kulay itim at pula ang desinyo. May nakaupo ro'n na ilang binatang may matamlay na mukha. Nakasuot ng itim na kasuotan at kapa habang may suot na korona sa ulo na may itim na diyamante sa palibot. Nakatingin ang kulay puti nitong mata sa kanya at nakapatong ang kanan nitong pisngi sa kanang kamao na nakatungod sa arm rest ng trono. Kulutan ang itim nitong buhok, may matangos na ilong at mapupulang labi.
Nakatitig pa rin ang matamlay nitong mga mata kay Amber.
Napalunok siya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya ng binata. May pumasok na tatlong itim na aso galing sa kanang pasilyo sa tabi ng trono. Nang magdikit-dikit ito biglang naging iisang katawan ngunit may tatlong ulo. Lumapit ito sa paanan ng binata animoy maamong hayop na nagpapahinga. Bigla naman sumunod ang binatang si Kairos nang magtama ang mga mata nila sinamaan siya nito ng tingin.
"Kamahalan, pasensya na po sa ilang bagay na hindi talaga natin inaasahan dahil sa mga makukulit na kaluluwa---"
Natigilan si Kairos nang umayos ng upo ang binata at itaas ang kanang kamay nito na para bang pinapatigil ito sa pananalita.
Hindi alam ni Amber kong anong gagawin niya dahil hindi siya makakatakas kong sakaling gumawa siya ng hakbang.
"Paumanhin, master Lucian," sabay yuko ni Kairos.
"Hindi ko inaasahan na may makakapasok na namang pasaway ditto sa Surtar."
Hindi inaasahan ni Amber na sa matamlay na mukha ng binata may kalmado itong boses na siyang kinamangha. "Ano na naman ang ginawa ng isang taga-kabilang mundong katulad niya?"
Pekeng umubo si Kairos at muling pinasadahan ng tingin si Amber bago nagsalita.
"Ayaw niyang lumagda sa libro natin kamahalan."
"Isa siya sa mga bagong dating na kaluluwa rito."
"Siyang tunay---"
"Ngunit wala kang nagawa para ayusin ang simple mong trabaho, Kairos. Palagi ka na lang natatakasan ng mga pasaway na kaluluwa." Bumuntong-hininga si Lucian.
Napangiwi si Kairos sa pagpapahiya sa kanya ni Lucian at napakamot sa kanyang batok.
"Anong pangalan niya?" Tanong ni Lucian.
Sasagot na sana si Kairos nang pangunahan na siya ng dalaga.
"Amber Lee ang pangalan ko," lakas loob niyang sagot. Kinakabahan pa rin siya sa pwedeng mangyari sa kanya sa silid na 'yon kasama ang mga estranghero. "Sa tingin ko nagkakamali kayo ng pagkuha sa 'kin dahil hindi ako nababagay ditto."
Napangiwi si Kairos, "ano?" Habang nakataas ang isang kilay.
Habang si nakatitig ang matamlay na mata ni Lucian sa dalaga.
"At paano mo naman nasabi 'yon binibining, Amber?"
"Dahil..." Hindi maituloy ni Amber ang kanyang sagot lalo na nang mapansin niyang muling naghiwalay ng katawan ang itim na aso at dahan-dahan lumalapit sa kanyang direksyon na nakaangil sa kanya. Pinagmamalaki ang mga matutulis na pangil.
'Ito na ata ang katapusan ko,' bulong muli ni Amber napalunok sa takot na anumang oras pwede siyang lapain ng tatlong aso.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...