Chapter 33
HINDI basta nakalabas sila Amber sa kumpulan ng naroon. Hindi na sila basta pinapapasok sa mga nasirang gusali dahil sa mga nagbabantay na mga kawal at para na rin sa kaligtasan ng lahat. Kahit na anong pilit nila'y hindi sila pinapapasok.
"Kailangan naming pumasok sa loob!" Sigaw ni Aero sa mga kawal.
"Pero mahigpit po na pinag-uuto na bawal pong pumasok ng sa loob, kailangan pong maubos ang nasa loob!" Sigaw pabalik ng kawal sa kanila.
"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Kairos.
Napasulyap sa kanya ang mga kasama niya at napapalibutan pa rin sila ng kaguluhan.
"Hindi mo ba pwedeng gamitin ang kakayahan mo?" Tanong ni Amber sa binata.
Huminga ng malalim si Kairos at saka umiling, "simula nang biglang mawala si Lucian, nanghihina na ang kapangyarihan ko at nararamdaman kong humihina na rin ang pinto ng Holon."
"Baka may iba pang paraan?" Tanong muli ni Amber.
"Amo!" Tawag ni Sebastian kay Aero, "sa likod tayo dumaan, walang bantay," sabi nito. Una ito naglakad at agad na sumunod ang mga kasama nito sa kanila. Wala nga gaanong nagbabantay doon, sobrang luwag at halos nakaalis na ang mga nagtatambay doon ngunit may mga bitak na ang daanan. May ilang nakaangat na lupa at nasirang pananim sa paligid.
Agad silang pumasok sa hallway nang tumigil ang mumunting pagyanig sa lupa, hindi nila inaasahan na makakasalubong nila doon sila Helena at ilang kawal. Pare-parehas silang napatigil. Isa-isang tinitigan ni Helena ang mga kasama ni Aero at huli siyang napatitig sa dalagang si Amber. Nagkatitigan ang dalawang dalaga bago niya binalik ang tingin kay Aero.
Nakakaramdam siya ng kakaibang galit ngunit hinayaan lamang niya ito at hindi siya pwedeng magpakita ng anumang emosyon. Dalawang araw nawala ang binata, ang kanyang magiging asawa at malalaman niyang may kasama pala itong iba.
Nanatiling nakatayo si Amber sa tabi ni Aero habang napapagitnaan, nasa kabila naman niya si Kairos at nasa likod nila si Sebastian. May kung anong kaba siyang nararamdaman sa mga oras na 'yon lalo na kung paano makatitig ang walang emosyong mga mata ng dalagang si Helena sa kanya. May kakaiba sa dalaga at hindi lang niya mapagtanto kung ano.
"Na saan nang galing ang magiging kabiyak ko at ngayon ko ka lang nagpakita?" Tanong ni Helena kay Aero.
Huminga ng malalim ang binata at binasa ang labi bago nagsalita, "wala akong panahon para magpaliwanag pero kailangan namin ng tulong mo, Helena, magpapaliwanag ako nito pagkatapos."
Para bang gumaan ang pakiramdam ni Helena dahil sa pakiusap ni Aero sa kanya at sa isang iglap para bang nawala ang lahat ng inis nito sa binata.
"Nakalabas na ba ang lahat ng naririto sa palasyo?" Tanong muli ni Aero kay Helena.
"Hindi ako sigurado pero marami sa kanila ang nasa taas---" hindi natuloy ang sasabihin ni Helena na isang malakas na pagsabog na naman ang naganap at nang galing ito sa itaas na bahagi ng pangatlong tore.
"Kailangan na nating magmadali!" Sigaw ni Kairos na para bang nauubusan na ito ng oras.
"Paumanhin ngunit kailangan naming umakyat," sabi ni Aero at agad na tumakbo ngunit muli silang napahinto.
"Teka lang!" Sa sigaw ni Helena at muli silang napabaling sa dalaga. "Kung ano man ang kailangan ninyo, tutulong ako."
Tumango na lamang si Aero at tumakbong muli sila paakyat at sumunod sila Helena kasama ang mga kawal nito. Paikot-ikot ang staircase patungong tore at ilang beses na tumingala si Amber sa itaas nang mapansin niyang may liwanag na nang gagaling doon. Halos napaatras sila sa gulat nang may kawal na nalaglag galing sa pinakataas na tore, isang malakas at mabilis na sigaw bago bumagsak ang kawal na 'yon sa pinakapalapag.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...