Chapter 4

9.2K 299 11
                                    

Chapter 4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 4

Nagmadaling kumilos ang kambal na kawal para lapitan ang walang malay na si Amber sa lupa, ngunit pinigilan sila ni Edward.

"Wag ninyo s'yang hahawakan o lalapitan kong ayaw ninyong gamitan ko rin kayo nang kapangyarihan ko," pagbabanta ng binata sa dalawang kawal.

Huminto ang dalawa at sumulyap sa kanya.

S'ya ang may sala kong bakit biglang bumagsak si Amber sa lupa, pinatulog n'ya ang dalaga.

"Pero---" Hindi natuloy ang sasabihin ni Santino nang magsalita ang prinsipe.

"Konektado ba ang babaeng 'yan sa kapatid ko?" Tanong ni Edward.

Nagkatinginan ang dalawang kawal at saka binalik ang tingin sa prinsipe.

"Wala po, isa po s'yang---"

"Alipin?" Si Edward na ang nagpatuloy sa sasabihin ni Sebastian. "Nakausap ko s'ya kanina."

"Patay," bulong ni Santino sa tabi ng kambal.

"May humahabol daw sa kanya at gustong patayin, kayo ba ang tinutukoy n'ya?" Pag-uusisa ni Edward.

Umiling si Sebastian, "hindi po, gumagawa lang po ng kwento ang alipin, kailangan po naming s'yang dalhin sa bayan ng Pathalion para ibigay sa mga nangangalakal ng alipin, taka Erosso s'ya mahal na prinsipe ngunit may malaki s'yang ginawa, nagnakaw s'ya ng karne at tinapay, pero dahil naawa ang prinsipe Aero sa kanya at binigyan ng dalawang pagkakataon ang buhay n'ya, minabuti na lang pong ipagbili s'ya bilang alipin."

Hindi kumbinsido si Edward sa paliwanag ng kawal, nilabas n'ya ang isang supot ng baryang pilak at binato ito sa paanan ng dalawang kawal na s'yang pinagtaka ng dalawa.

"Ako na ang bibili sa alipin na 'to."

Nagulat ang dalawang kawal sa desisyon ng prinsipe, sinundan nila ito na papalapit sa natutulog na si Amber.

Inayos ni Edward ang kakahiga nito, pinagmasdan n'ya ang maamong mukha ng dalaga na may bahid ng putik, dahan-dahan n'yang tinanggal ang tali nito at kinarga na animoy bagong kasal.

"Pero mahal na prinsipe---"

"Walang aangal, nagbayad na ako ng pilak para sa alipin na 'to," wika ni Edward.

***

Ramdam ni Amber ang malambot na kinahihigaan n'ya at malambot na kumot na nakapatong sa kanyang katawan.

"Salamat naman at nasa dormitoryo na ako," hinihimas-himas pa n'ya ang makinis na kumot.

"Hindi ko alam na nagsasalita ang tulad mo kahit tulog."

Isang boses lalaki ang narinig ni Amber ang s'yang nagpagising sa kanya.

Napadilat s'ya at napabalikwas ng upo sa kama.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon