Chapter 35

3K 111 11
                                    

Chapter 35

"Mahal na hari."

Bumitaw si Aero kay Amber at napaatras naman ng bahagya ang dalaga sa hiya nang may lumapit sa kanilang kawal. Hindi na nasabi pa ni Amber ang gusto n'yang sabihin ng binata sa sinabi nito kanina dahil sa hiya at ramdam n'ya ang pamumula ng pisngi n'ya ng mga oras na 'yon.

"Kailangan po kayo sa maliit na pagpupulong kasi nagkaroon daw po ng problema sa patubigan," wika ng kawal.

Nagtaka si Amber at gusto n'yang magtanong sa kanyang narinig kong tungkol saan ito. Napansin din n'ya ang pagseseryoso ng mukha ng binata.

"Sige susunod ako," sabi ni Aero saka naman umalis ang kawal. Muli s'yang humarap kay Amber at muling naging maamo ang mukha nito. Hinawakan n'ya ang pisngi nito para punasan ang luha. "Babalikan kita mamaya, may kailangan lang akong asikasuhin at may itatanong ako kong bakit ka nandito."

"A-ano..." Hindi na natuloy pa ang sasabihin ng dalaga nang biglang yumuko ang binata para pantayan ang mukha n'ya. Kahit na parehas silang may takip sa kanilang mga bibig nagawa pa ring mahalakina ni Aero ang labi n'ya. Kahit na may takip, ramdam pa rin n'ya ang labi ng isa't isa.

Nang laki ang mata ni Amber sa gulat at biglang paglundag ng puso n'ya.

"Babalikan kita, mag-iingat ka, alis na ako." Saka ito umalis para iwan ang dalaga.

Hindi naman naitago ni Amber ang kakaibang nararamdaman n'ya at napangiti sa ilalim ng takip ng kanyang mukha. Pakiramdam n'ya sa maigsing pagpapahinga na 'yon parang bumalik ang lakas n'ya dahil kay Aero. Bumalik naman s'ya sa loob para makakuha ng pagkain at makabalik sa trabaho.

Parang hindi naramdaman ni Amber ang pagod sa maghapong kakatrabaho dahil alam n'yang babalikan s'ya ng binata at alam n'yang makakausap n'ya ito pagkatapos ng nakakapagod na trabaho. Hingal kabayo s'yang huminto sa kanyang ginagawa at lumabas ng tolda. Pagkalabas n'ya agad naman n'yang nakita si Edward na kakalabas lang din sa katapat ka tolda. Ngayon na lamang n'ya nakita ang binata at may kaba pa rin sa kanyang puso. Sa tuwing nakikita n'ya ang prinsipe naalala n'ya ang lihim na kailangan n'yang itago. Hindi n'ya alam kong anong kailangan sabihin o ikilos 'pag kaharap ang binata.

Madilim na ang kalangitan at napapalibutan na ng mga bituin na para bang palamuti. Lumapit ang binata sa kanya at kahit may takip din ito sa kalahati ng mukha makikita naman sa mga mata nitong mapanghusga kong paano 'to tumitig sa kanya.

"Nakita kong nagkausap na pala kayo ng mahal na hari," wika nito nang makalapit sa kanya.

"Oo," mahina n'yang sagot.

Hindi n'ya alam pero simula nang malaman ng binata ang sikreto n'ya para bang iba na ito makitungo sa kanya.

"Mabuti naman kong gano'n, siguro kailangan mo ng magpahinga at kumain."

Tumango naman si Amber, "oo, maraming salamat."

Hindi na nagpaalam pa ang prinsipe at lumabas iniwan na s'ya. Saka lang s'ya nakahinga ng maluwag. Napansin n'ya ang paghinto nang bagong dating na karawahe sa di kalayuan at lumabas doon si Aero. Hindi na s'ya nag-atubili pang hintayin ito at s'ya na mismo ang lumapit.

May sumilay na ngiti sa mga mata ng binata nang mapansin s'ya.

"Kamusta na?" Tanong ng dalaga.

Hinawakan naman ng binata ang kanan n'yang kamay, "kailangan ko nang magpahinga kasama ka." Sabay hatak nito sa kanya. May ilan silang nadaananng tolda at mga kawal na binibigyan silang galang bago sila tuluyang nakapasok sa mismong tolda na kulay asul na para sa hari.

May nagbabantay na dalawang kawal sa labas at nang makapasok sila sinalubong sila ng simpleng ayos nito. Higaan, lamesa, upuan at ilang pagkain na nakalagay. May ilang mga papel na nagkalat at mga kagamitan sa pagpa-plano sa kabilang mahabang lamesa.

"Dito ka nagpapahinga?" Tanong ni Amber saka naman s'ya binitawan ng binata para hubarin ang suot nitong balabal.

Humarap ang binata sa kanya at s'ya naman ay tinaggal na ang takip na tela sa mukha.

"Hindi ko naman gaanong nagagamit ito dahil mas madalas na nasa patubigan kami para magbantay at ayusin ang mga kailangan. Pwede bang wag mo natin pag-usapan ang mga nangyari ngayong araw, gusto ko lang magpahinga."

Nakaramdam ng awa ang dalaga kay Aero.

Pumunta naman ang binata sa kama nito at naupo. Sumunod naman si Amber ngunit hindi n'ya inaasahan na hihilahin s'ya ng binata dahilan para mapaupo s'ya sa binti nito. Nabitawan n'ya ang telang pangtakip sa sahig at napakapit naman ang mga kamay n'ya sa magkabilang balikat ng binata. Unti-unti namang yumakap ang braso ng binata sa bewang n'ya at pinatong ng binata ang ulo n'ya sa balikat n'ya. Napansin n'yang madalas 'yon ng binata sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito? Sinong nagpapunta sa 'yo rito?"

Hindi n'ya alam kong sasabihin ba n'ya ang totoo na ang inang reyna ang dahilan kong bakit s'ya na ro'n.

"Gusto ko lang, para makatulong," pagdadahilan n'ya.

"O baka para makita ako," biro ng binata.

Napataas ang isang kilay ni Amber at napakunot-noo.

"Ang kapal naman ata ng mukha mo," aalis na sana s'ya sa pagkakakandong sa binata ngunit hindi s'ya nito binitawan.

Sumilay ang mukha ng binata at binigyan s'ya ng nakakalokong ngiti, "bakit hindi ba? Kong wala ka rito, hindi ko iisiping ako ang pinili mo kesa sa tunay mong mundo."

Lalong nadagdagan ang pamumula ng pisngi ng dalaga sa kanyang narinig. Gusto n'yang bawiin ang sinabi ng binata ngunit tama naman ito at wala naman s'yang kailangan itago.

"Ano naman ngayon?" Inalis n'ya ang pagkakahawak ng mga kamay n'ya sa balikat ng binata at hinalukipkip ang mga braso sa dibdib.

Narinig n'ya ang mapang asar ngunit mahinang tawa ng binata.

"Halikan mo nga ako."

Nanglaki ang mga mata ni Amber at napasulyap sa binata.

"Ayoko nga."

Ngumiti si Aero sa kanya, "sige ako na lang gagawa."

Ngunit bago pa man nailapit ng binata ang mukha nito sa kanya biglang may nagsalita sa labas. Dahila sa gulat nilang dalawa, agad s'yang nabitawan ng binata at napatayo.

"Mahal na hari at reyna, narito na po ang hapunan ninyo," sabi ng boses babae sa labas.

Nakahinga naman ng maluwag si Amber at napahawak sa dibdib, "kamuntik na 'yon," bulong n'ya.

"Maari na kayong pumasok," utos ni Aero.

Pumasok naman ang tatlong tapagsilbi at saka yumuko sa dalawa. May mga dala itong tray na may mga iba't ibang pagkain. Dahil sa amoy at katakam-takam nitong itsura naramdaman na ni Amber ang gutom n'ya. Nilagay ng tatlong katulong ang mga tray sa lamesa at lumapit naman ang dalawa ro'n nang makapagpaalam ang mga tagapagsilbi.

Muling natahimik ang buong tolda at naiwan silang dalawa. Naupo naman sa kabisera si Aero at dinaluhan ni Amber na upo sa may kanang.

"Magpagkabusog ka, mahal na reyna at may iba pa tayong gagawin mamaya." Habang nakangiti ng nakakaloko kay Amber.

Hindi alam kong bakit gano'n ang binata at kong dahil lang ba 'to sa pagod ni Aero o sadyang may mapagbirong ugali ang binata na ngayon pa lang n'ya nakita.

"Siraulo ka," wika n'ya.

Napakunot-noo ang binata, "anong sabihin mo?" Seryoso nitong tanong.

"Sabi ko kumain na po tayo mahal na hari at kailangan na nating magpahinga."

"Walang magpapahinga ngayong gabi, mahal na reyna."

Nanglaki ang mata ni Amber na nakatitig sa binata at hindi pa rin ito tumitigil.

"Umayos ka nga."

Ngunit tumawa lang ang binata at hinayaan na lamang ito habang naglalagay s'ya ng pagkain sa kanyang plato.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon