Chapter 12

6.3K 246 15
                                    

Chapter 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12

Katatapos lamang ng leksyon ni Naneth kay Amber, kanina pa s'ya nabuburyo sa mga pinagsasabi ng ginang kanina sa kanya, marami s'yang kailangan tandaan.

Napansin din n'yang kanina pa nakasunod ang dalawang tagasilbi, huminto s'ya at hinarap ang dalawa na yumuko naman sa harapan n'ya.

"Kanina pa kayo nakasunod sa'kin," wika ni Amber, "wala ba kayong balak magpahinga o bumalik sa iba ninyong trabaho?"

"Kayo po ang bago naming amo." Sagot ng dalagang tagasilbi.

"Ah ga'nun ba, o sige maari na kayong magpahinga." Utos ni Amber.

Nagkatinginan ang dalawang tagasilbi bago binalik ang tingin kay Amber.

"Hindi po kami pwedeng magpahinga kong hindi pa po kayo nagpapahinga." Muling sagot ng isa.

Napabuntong-hininga sa inis si Amber, "ga'nun ba?" Bulong n'ya saka s'ya ngumisi.

Hinanda n'ya ang sarili at tinalikuran ang dalawa, saka n'ya hinakbang ang isa at patakbong iniwan ang dalawang tagasilbi.

Nagulat ang dalawang dalaga sa kanyang ginawa at agad na sumunod para humabol.

Paliko-liko s'ya sa mga pasilyo habang ang dalawa ay pilit na humahabol sa kanya at tinatawag.

"Binibini! Binibini!"

Nang makalapit s'ya sa hagdan, umupo s'ya sa hawakan sa hagdan at nagpadaosdos pababa ro'n.

Nagulat ang ilang tagasilbing nakakita at mga kawal sa kanyang ginawa.

Muli s'yang tumakbo, palabas sa pintuan, sinalubong s'ya ng masarap na simoy ng hangin sa hardin, napansin n'ya si Aero na nag-eensayo na naman sa paggamit ng palaso't pana ngunit hindi man s'ya tinignan, ang dalawang kawal nito ang nakakakita sa kanya.

"Binibini!"

Narinig n'ya ang dalawang tagasilbing tinatawag s'ya, akala n'ya hindi na s'ya mahahabol.

Patakbo s'yang umatras para makita ang dalawang hingal na hingal na, "habol!"

Muli s'yang humarap sa dinadaraanan n'yang, laking gulat n'ya na malapit na s'yang bumungon sa puno, inilagan n'ya ang puno ngunit dahil do'n nawalan ng balanse ang mga paa n'ya, natumba at nagpagulong-gulong s'ya sa damuhan bago s'ya napahiga.

Hingal na hingal s'yang nakatitig sa bughaw na kalangitan.

Ngunit nawala ang ngiti sa kanyang labi nang maramdaman n'yang parang naulit ang pangyayari na 'yon, habang nakahiga binaling n'ya ang ulo para makita ang paligid, napansin n'ya ang mga pamilyar na bulaklak, mga bulaklak na kulay lilac na nakita n'ya sa kanyang panaginip.

Agad s'yang napatayo, binalot ng takot ang puso n'ya sa di malaman na dahilan, ang suot n'yang bistida, ang bughaw na langit, ang mga bulaklak sa paligid n'ya ay parehong pareho sa panaginip n'ya.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon