Chapter 31
AGAD na sumunod si Amber kay Aero para habulin sa bigla nitong pagtalikod at pag-iwan sa kanya sa silid na 'yon. Matangkad si Aero at mahahaba ang binti kaya mas mabilis itong maglakad kumpara sa kanya. Hinatak niya ang kamay nito pabalik para humarap sa kanya nang mahabol niya. Wala pa ring emosyon ang binata at nanatili silang nakatayo sa pasilyo. Tahimik at walang gustong magsalita.
Nasasaktan si Amber sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Aero. Hindi niya gustong ma-disappoint ang binata ngunit hindi niya hawak ang buhay at tadhana kung ano man ang mangyari sa kanya. Hinila ng binata ang kamay nito para mapabitaw siya sa pagkakahawak. May kung anong pagkurot sa dibdib niya nang bitawan siya nito.
"Aero," pagtawag niya sa binata na puno ng pagsusumamo.
"Hindi na natin kailangan mag-usap." Walang emosyong wika ni Aero.
"Pakinggan mo ko, may dahilan ako kung bakit ko 'to nagawa, anuman ang mangyari sa 'kin at least naipaliwanag ko sa 'yo ng husto, dahil hindi ko rin gusto kung ano ang nangyayari sa atin ngayon. Hindi ko gustong saktan ka." Sabi ni Amber.
Napakunot-noo si Aero at hindi maipaliwanag ang nararamdaman ng binata sa mga oras na 'yon habang kaharap ang dalaga. Gusto niya itong yakapin ngunit pinipigilan niya ang sarili, "pero, bakit?" 'Yon ang tanging lumabas sa bibig ni Aero.
"Ikaw na lang ang meron ako, Aero. Malungkot ako nang iwan kita. Hanggang sa makarating ako sa kabilang buhay ikaw pa rin ang inaalala ko, natatakot ako na baka hindi mo ko makalimutan, kasi ako hindi ko kaya at hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hindi ko matanggap na andoon ako at nandito ka." Hindi napansin ni Amber ang pagtulo ng mga luha niya, inalala niya ang mga panahon at paghihirap para lang makaalis sa Holon. "Sumugal ako, para lang makita kita, pero tadhana mismo ang nagsasabing hindi tayo para sa isa't isa. May misyon akong kailangan matapos bago kita tuluyang mahawakan at kailangan kong magpanggap. Hindi kita pwedeng kausapin o mas madaling salita na kailangan kung iparamdam na dapat hindi tayo magkakilala."
"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa 'kin na gawin 'yon. Na talikuran ka sa oras na lalapit sa 'kin. Sobrang tagal kong hinintay na makaharap kita ng ganito." Napailing si Amber, "pero sa tingin ko hanggang dito na lang talaga, anumang oras maari akong ipatapon sa Surtar dahil sa paglabag---" hindi natapos ni Amber ang paliwanag niya nang sakupin ni Aero ang labi nito.
Lahat ng gusto niyang sabihin ay nawala at nakatuon na lamang siya sa malambot na labi ng binata. Dahan-dahan siya nitong hinalikan at maingat na para bang anumang oras maari siyang mabasag. Unti-unting ipinikit ni Amber ang mga mata at sumunod sa bawat kilos ng binata. Humawak ang isang kamay ng binata sa batok niya para itulak pa siya papalapit lalo sa binata, habang ang isa nito'y nakahawak sa pisngi niya. Napahawak siya sa balikat ng binata para suportahan ang sarili.
Napaabante ang binata na siyang pag-atras ni Amber. Walang tumitigil sa kanila. Naging garalgal at mapangahas ang pamamaraan ng paghalik ni Aero sa dalaga. Punong-puno ng pagkaulila at gustong punuin ang mga panahon na hindi niya ito nakasama sa mga oras na 'yon. Sa mga oras na 'yon hindi niya inisip na isa siyang hari at isang mortal na naligaw sa mundo niya. Kahit ilang beses pa silang magkita sa iba't ibang paraan at panahon, gagawin at gagawin pa rin niya ito sa dalaga, ang mahalin.
Tuluyang napasandal si Amber sa pader, dahan-dahan bumaba ang isang kamay ni Aero sa braso patungo sa likod niya. Bahagyang kinagat ni Aero ang pang ibabang labi ni Amber. Napasinghap si Amber, nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon sa katawan niya ng mga oras na 'yon at kakaibang init.
"Ae..." Halingling ng dalaga.
Bumaba ang halik ng binata sa baba patungo sa leeg nito. Napakapit lalo si Amber sa balikat ng binata nang makailang beses nitong kinagat-kagat ang sinsetibong balat ni Amber sa leeg. Tumatama ang mainit na hininga nito at pagtama ng dulo ng ilong ng binata. Saka muling bumalik si Aero sa labi ni Amber at ipinatong ang noon ito sa dalaga. Parehas silang hingal na hingal.
"Patawad, mahal ko, sana mapatawad mo ko," bulong ni Aero, "hindi ko alam."
Binasa ni Amber ang labi niya bago siya magsalita, umiling siya, "wala kang kasalanan, naiintindihan ko naman ang lahat, pero hindi ko maipapangako kung magtatagal ako rito, kaya ako ang dapat humingi ng tawad sa 'yo."
Bumitaw si Aero at tinignan ang mukha ng dalaga saka hinawakan ang kamay nito, "ilang beses mo nang binuwis ang buhay mo para sa 'kin, napakalaking bagay na 'yon, hindi 'yon matatawaran, Amber."
Hinila ni Aero si Amber pabalik sa silid at sinara ang pinto sa likod niya. Huminga ng malalim si Amber, alam niya kung anong gustong mangyari ng binata, dahil 'yon din ang gusto niya, lalo na't nararamdaman niyang malalayo na naman siya sa piling nito, habang buhay at hindi na maaring magkita pa.
Muli siyang nilapitan ni Aero at inangkin uli ang labi niya. Hindi siya magsasawa sa binatang 'to at anu man ang gawin sa kanya. Unti-unting gumapang ang kamay nito sa likod niya at kinapa ang zipper ng damit at dahan-dahan binaba para lumantad ang likod nito. Bumaba ang halik ng binata sa balikat niya nang hilahin nito ng dahan-dahan pababa ang damit para makita ang dibdib niya.
Napapikit siya at napakagat labi ng maramdaman ang malambot na labi nito sa sinsetibong balat niya. Pababa nang pababa ang labi nito hanggang sa mahalikan siya nito sa itaas ng dibdib niya at tuluyan siyang napasubunot sa kulot na buhok ng binata. Tuluyan na ring naalis ng binata ang itaas na damit ni Amber. Sinunggaban nito ang isang dibdib ng binata habang pinaglalaruan ng isang kamay nito ang isa.
Napabulong ng mura si Amber, "...Aero," sabay halinghing nito. Parang gelatin na nanghihina ang tuhod niya sa mga oras na 'yon at kakaibang sensasyon na ngayon lamang niya naramdaman.
Muling bumalik si Aero sa mga labi ng dalaga, dahan-dahan na tinulak ito hanggang sa mapahiga niya ito sa kama at nasa ibabaw siya nito. Naramdaman niyang isa-isa nang tinatanggal ni Amber ang butones ng damit niya. Patuloy pa rin siya sa paghalik nang makiliti at maramdaman ang mainit na kamay na lumapat sa katawan niya.
Tumigil siya at lumuhod sa pagitan ni Amber. Siya na mismo ang nag-alis ng pang itaas na damit. Nagkatitigan sila ni Amber at napangisi siya nang makitang namumula ang pisngi ni Amber sa hiya saka siya muling pumaibabaw.
"Mahal kita, Amber," sabay halik nito sa noo ng dalaga.
NAGISING si Amber ngunit ayaw pa rin niyang idilat ang mga mata. Sumuway siya sa usapan nila ni Lucian at alam niyang kinuha na siya nito sa piling ni Aero. Nang gabing 'yon, mainit nilang pinagsaluhan ang pagmamahalan nila ni Aero at ilang beses siyang inangkin ng binata. Ramdam niya ang pananakit ng buong katawan niya. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata nang maramdaman niyang may nakasuksok sa balikat niya at nakayakap sa kanya mula sa likod.
Sumalubong sa kanya pamilyar na silid kung saan nangyari ang lahat. Sobrang nagtataka siya dahil wala pa rin siya sa Holon o Surtar sa mga oras na 'yon. Agad siyang napabalikwas ng bangon. Nasa iisang kumot siya kasama ni Aero na tulog na tulog pa rin sa tabi niya.
"Totoo ba 'to?" Tanong niya sa kanyang sarili habang tinititigan ang binatang tulog pa rin at bahagyang nakabuka ang labi nito. Walang nangyaring kakaiba at walang Lucian na nagpakita.
---
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
P.S. Baka gabi na po ng Thursday ng next update. Thank you.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...