Chapter 16

1.4K 57 14
                                    

Chapter 16

Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Amber habang tumatayo, mahigpit na hawak-hawak sa kanyang kamay ang bilog na kristal at nakakuyom sa kanyang mga palad. Napatitig siya kay Santino na nag-aalala sa kanya. Nanuyo na ang mga luha sa kanyang pisngi.

"Ayos ka lang, 'wag mo nang isipin 'yon, kong gusto mo pa rin ituloy ang plano mo 'wag mong isipin si Edward..." Natigil si Santino at bahagyang napasinghap sa gulat nang ipakita ni Amber ang kanyang tinatago sa kanyang palad.

"Itutuloy ko pa rin," bulong ni Amber sa binata saka niya muling tinago sa kanyang palad.

Hinawakan ni Santino ang kamay niyang nakahawak din sa kristal.

"Boto ako sa plano mo, pero sana sigurado ka ba talaga?" Muling tanong ni Santino.

Tumango si Amber at pursigedo siya sa kanyang plano bago nagsalita, "oo."

"Kahit ano man ang kalalabasan ng plano mo?"

"Oo."

Tumango-tango si Santino, "kaya mo 'to, alam ko namang matapang ka at walang inuurungan. Mag-iingat ka."

Nagiging emosyunal na naman si Amber at yinakap muna sa huling pagkakataon si Santino. Ramdam niya ang gulat ng binata.

"Hindi kita makakalimutan, Santino. Patawad kong iiwan kitang mag-isa rito."

Yumakap pabalik si Santino at napangiti habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Walang ano man, binibini. Alam mong kapatid na ang turing ko sa 'yo at kaibigan diba. Ipagdadasal kong maging matagumpay ang plano mo. Hindi mo man ako makasama sa bago mong paglalakbay nandito pa rin ako. Ayos lang kong maiiwan ako rito, makakasama ko pa rin si Edward sungit..."

Natawa naman si Amber dahil sa pagbibro ni Santino.

"...kahit nandito 'yong nakakainis na mukha ni Kairos." Saka sila lumayo sa isa't isa, "sige na, umalis ka bago pa nila malaman ang plano mo," bulong ni Santino.

"Paalam."

"Paalam," ngiti ni Santino ngunit may lungkot sa mga mata ng binata.

Saka bumalik si Amber at nagtago sa punong pinang galingan nila kanina. Huminga siya ng malalim at saka inalala kong ano nga ba ang sinabi ni Irene sa kanya kong paano nga ba gamitin 'yon.

"Itapon mo lang ang itim na kristal sa lupa saka dadalhin ng usok sa sinasabi kong lugar, ang buhay na tubig sa palasyo ni Lucian..."

"Kaya ko 'to," saka niya tinapon sa lupa ang kristal katulad ng turo nito. Tinitigan ang kristal nang mabasag ito ngunit nagtataka siya nang makitang wala namang nangyayari hanggang sa unti-unting lumabas ang usok doon. Pumikit siya at iniisip ang lugar na kailangan niyang puntahan.

"Tubig ng buhay, dalhin mo ko sa tubig ng buhay," pikit na pikit ang mga mata niya saka binulong sa hangin. Unti-unti siyang nilapitan at binalot ng itim na usok.

Namilog ang mga mata niya at naubo nang makasingkot ng kakaibang amoy ng usok. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil parang pinipiga nang malanghap ang usok. Hanggang sa tuluyan siyang nilamon nito, mawala at dalhin siya sa destinasyon na pupuntahan niya.

Walang naramdaman si Amber maliban sa hindi siya nakahinga ng maayos. Hindi niya namalayan na nasa ibang lugar na siya. Saka lang umayos ang pagtibok ng puso niya at paghinga ng maayos. Ngayon lang niya napansin na para bang nasa ibang lugar siya.

Dahan-dahan niyang nilibot ang tingin sa paligid, ibang-iba ang lugar na 'to sa lahat, kong wala siya sa Halon baka hindi niya iisipin na nasa mundo pa siya ng mga namayapa sa ganda nito. Para siyang nasa paraiso, mas makulay dahil sa mga bulaklak nito sa paligid at parang mundo ng mga buhay. Napasulyap siya sa isang nag-iisang isang bilog na fountain na kulay puti na gawa sa semento. May maaliwalas na kalangitan na para bang naramdaman niyang malapit na siya sa gusto niyang marating.

Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad papalapit sa fountain na may dalisay na daloy ng tubig. Sa gitna ng tubig may nakatayong isang estatwang babae na may hawak na vase kong saan lumalabas ang tubig.

"Ito na 'yon," bulong niya.

Muli niya uling inalala ang mga sinabi ni Irene sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba at tuwa.

"Sa oras na makarating ka sa nag iisang fountain sa gitna ng kagubatan na nasa loob din ng palasyo ni Lucian, ilublob mo ang sarili mo at sa oras na magbago ang kulay nito saka mo ilublob ang sarili mo. Hayaan mong dalhin ka ng tubig palabas at papunta sa mundong ibabaw."

"Wala bang mangyayaring masama sa 'kin do'n."

Tumigil si Irene, "hindi natin sigurado pero 'wag kang matakot at magtiwala ka lang."

Muli niyang pinagmasdan ang paligid bago siya tuluyang nakalapit at dumungaw sa tubig. Kitang-kita niya ang sariling repleksyon sa tubig.

Natigilan siya nang may maramdaman siyang umaangil sa likuran niya at agad siyang hinarap kong ano 'yon. Mas nagulat siya nang makita ang tatlong asong itim na alaga ni Lucian at nagtataka kong paano napunta ro'n ang mga aso nito. Hindi alam kong saan nang galing. Galit itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras pwede siyang lapain.

"Itigil mo kong ano ang pinaplano mo binibini," agad siyang napasulyap sa di kalayuan, si Kairos.

Nakatitig sa kanya at may takot sa mukha ng binata habang tinitigan siyang nakatayo malapit sa fountain.

"Huwag kang kikilos o lalapit sa tubig kong ayaw mong may mangyaring masama sa 'yo." Banta ni Kairos habang naglalakad ito ng dahan-dahan sa kanyang direksyon.

"Hindi mo ko matatakot, gagawin ko kong ano..." agad na hinakbang ni Amber ang sarili sa pasamano ng fountain at agad na nilublob ang isang paa. Dumungaw siya ngunit wala pa ring nagbago, "gusto ko at wala kang magagawa ro'n."

Napangiti siya nang agad na nagbago ang kulay ng tubig mula sa tubig hanggang maging itim ang kulay nito.

"Mga arka hulihin siya!" Sigaw ni Kairos sa mga aso.

Bago pa man malapa si Amber agad niyang nilublob ang sarili hanggang sa maramdaman ng buong katawan niya ng malamig na tubig. Mabilis na nagbago, ang akala niyang simpleng fountain ito hanggang sa para bang may bagyo sa mismong tubig at bigla na lang siyang dinala ng malakas na agos sa kong saan. Nakabuka ang bibig niya ngunit walang lumalabas na tunog sa kanyang pagsigaw, mas bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at kinukumpas ang mga kamay pinipilit na inaabot ang pwede niyang mahawakan ngunit wala.

Wala siyang halos makita sa tubig at pakiramdam niya para siyang nasa malalim na tubig ng dagat. Mas lalo siyang nakaramdam ng takot na hindi niya alam kong saan siya papunta.

'Tulungan ninyo ako,' bulong niya sa kanyang isipan. Sa lakas ng agos ng tubig na uubusan na siya ng hininga na hindi niya alam kong aahon pa ba siya. Hanggang sa tuluyan na siyang kapusin ng hininga at nakakainom na siya ng tubig.

Sa pagpigil niya ng hininga ay wala rin siyang nagawa hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay at patuloy pa rin dinala ng malakas na agos ng tubig ang katawan kong saan.

Isang malakas na kulog mula sa kalangitan at mga patak ng malakas na ulan ang nagpagising kay Amber. Pinikit-pikit niya dahil sa mga patak sa kanyang mukha. May naramdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan na para bang masusuka kaya agad siyang napaupo. Umubo at isinuka ang tubig mula sa kanyang bibig. Halos mahirapan at para bang pakiramdam niya isusuka niya ang lamang loob niya sa sobrang sakit ng dibdib niya.

Muli siyang napahiga sa putikan, napatingala sa madilim na kalangitan at hinang-hina.

"Na...na saan ba 'ko?" Tanong niya sa kanyang sarili saka muling nawalan ng malay.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon