Chapter 51

901 38 9
                                    

Chapter 51

TAAS noong suot ni Helena ang kanyang korona, ang itim at kulay pulang bistida na abot hanggang sahig, wala siyang pakialam kung sumasayad ang kulay maroon niyang cloak, masaya siya kung ano ang ayos niya ngayon at kung paano niya na kontrol ang lahat sa plano niya, nagawa literal na patulugin ang buong Atohollo at lahat ng sasalungat sa kanya'y pinapatay niya para walang makasagabal. Wala na siyang pakialam kung ano man ang magiging resulta ng kanyang ginawa.

'Saan ka pupunta?' Tanong ni Viktoria sa kanyang isipan nang mapansing hawak niya ang itim na punyal na bigay pa sa kanya ng ama niya noong kaarawan niya.

"May kailangan lang akong tapusin na dapat ginawa ko na nong una pa," sagot niya. Wala siyang pakialam kung anong mararamdaman ng ilan lalo na sa plano niya.

Nakarating sa ibang kaharian ang nangyari sa Atohollo sa pamumuno niya, lalo na sa pamilya mula sa Nurlin at walang gustong kumalaban sa kanya dahil sa kapangyarihang taglay niya.

'Pero alam mong paparating na sila,' dagdag pa ni Viktoria na hindi gusto ang kanyang gagawin dahil ang alam ng dating reyna nag-uubos lang siya ng oras sa balak nito.

Ngumisi si Helena, "alam ko, ngunit sandali lang 'to, sobrang bilis na hindi nila mamalayan na nasakop ko na sila," dire-diretsong naglakad si Helena sa bulwagan patungo sa pinto nito na hindi man lang binubuksan, tumagos siya ro'n at nakita na lamang niyang nakatayo siya sa loob ng bulwagan sa Nurlin.

Agad ay naalerto sa bigla niyang pagpapakita, agad na tinutok ng mga kawal ang sandata nila sa kanya ngunit hindi siya natatakot, nanlaki ang mata ng ama niyang napatayo mula sa pagkakaupo sa trono at kasama nito ang ina niya. Parehas itong takot na takot na nakatingin sa kanya.

"Protektahan ang hari at reyna!" Sigaw ng heneral nang isa-isa sumugod ang mga kawal.

Tinaas lang ni Helena ang isa niyang kamay nang isa-isa matunaw ang mga sandatang hawak nila, kinumpas lang ng dalaga ang kamay niya sa magkabila ng isang malakas na hangin ang nagpalipad sa mga kawal para bigyan siya ng daanan patungo sa hari, lalong natakot ang mga naroon sa bulwagan, humilera ang isa pang grupo ng mga kawal para harangan mag-asawa ngunit bigla na lamang itong naging bato at sumabog ng pira-piraso. Nagtalsikan ang mga bato sa hari at reyna kaya napaatras sila sa gulat. Walang natira sa kawal kaya silang tatlo na lamang ang naroon.

Humarang ang ina niya para protektahan ang kanyang ina, nanginginig at takot na takot, "huwag mong sasaktan ang ama mo, anak," pagmamakaawa nito na may tumutulong luha.

Wala siyang nararamdaman kundi ang paghihigante at hinagpis na dinanas niya sa pamilya niya. Mas lalong wala siyang nararamdamang takot para sa ama niya kung ano man ang gagawin niya rito. Pumitik lang siya sa hangin at parang may humila sa kanyang ina palayo sa kanyang ama. Tumalsik ito sa isang gilid ng poste sa bulwagan at napadapa. Hindi ito agad nakatayo dahil tumama ang likod nito sa batong sahig bago nagpagulong-gulong.

"Hu-wag," bulong ng kanyang ina.

"A-anong kailangan mo?" Takot na tanong sa kanyang ama sa kanya.

"Binibisita ko lang kayo."

"Tigilan mo na 'to, Helena," pagmamakaawa ng kanyang ama.

Napataas ang isang kilay niya, "bakit may nagawa ba akong mali?" Dahan-dahan siyang naglakad na siya namang pag-aatras ng ama niya sa kanya. Lalo siyang natutuwa sa nararamdamang takot ng kanyang ama, mas ramdam niyang makapangyarihan siya ngayon.

"Helena---" hindi na tapos ang sasabihin nito nito nang mapatid ang isang ama niya sa hagdan para mapaupo ito. Hindi na ito agad nakatayo sa takot at nanatiling nakatingala sa kanya.

"Natatakot ka ba sa 'kin?"

Hindi nakasagot ang ama niya, nakasunod lang ang mga mata nito sa bawat kilos niya, pumantay siya sa kanyang ama nang lumuhod siya sa harapan nito.

"Natatakot ka, samantalang ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito, natatakot ka sa sarili mong gawa?" Napangisi si Helena, "hindi mo ko tinuring na anak, hindi mo lang pinakita, pinaramdam mo pa sa 'kin na parang wala akong kwentang---"

"Makinig ka sa 'kin---"

"Ikaw ang makinig sa 'kin, amang hari, hindi na ako natatakot sa inyo at alam muna man na kung anong kaya kung gawin," saka niya hinarap ang punyal niya na pinanlakihan ng mata ng kanyang ama, "gusto ko lang kunin kung ano ang nararapat sa 'kin..." dahan-dahan niyang nilapit ang labi sa tenga ng ama at humawak ang isang kamay niya sa balikat nito, "at ngayon ang tamang oras," bulong niya.

Ramdam niya ang gulat ng kanyang ama ng bigla niyang itarak ang punyal sa mismong dibdib nito.

"Hindi!" Sigaw at hagulgol ng ina niyang nakadapa pa rin sa sahig, "huwag! Huwag!"

Dahan-dahan siyang humarap muli sa kanyang ama, gulat na gulat pa rin ito, hinila niya ang punyal at sunod-sunod na saksak ang ginawa niya sa kanyang ama. Hinayaan lang niyang marinig ang sunod-sunod na balahaw ng kanyang ina at pagtalsik ng dugo ng kanyang ama sa kanyang mukha.

Saka siya tumigil ng magsawa na siya at wala nang buhay ang amang bumagsak nang bitawan niya ito. Umatras siyang may ngisi sa labi niya at naglakad pabalik sa pintong nakasara. Tumagos siya ro'n at agad siyang nakabalik ng ganu'n kadali sa kaharian ng Atohollo.

Nabigla pa sa kanyang itsura ang mga kawal na naghihintay sa kanya, sinamaan lamang niya ito ng tingin kaya isa-isa itong nagsiyuko at hindi sinalubong ang mga mata niya.

"Ano ang ulat?" Tanong niya sa mga ito.

"Mga grupong papasok sa kanlurang kagubatan at hindi sila tagarito," sagot ng isa na siyang kinangisi niya dahil dumating na ang pinakahihintay niya. Isang linggo siyang nanahimik sa kaharian at pinagbigyan na makapaghanda ang mga kalaban niya dahil kahit anong paghahanda ng mga ito alam niyang siya ang mananalo.

"Sa wakas tapos na silang magtago sa---" natigilan siya ng makaramdam siya ng kakaiba sa paligid niya na para bang may mali, "hindi 'to maari," bulong niya habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Ano po 'yon?"

Napatitig siya sa kawal, magsasalita pa sana siya ng isang malakas na pagsabog sa bulwagan, sa likod ng trono niya, nagtalsikan ang mga bato at kagamitan galing sa pader na 'yon. Agad siyang pinotrektahan ng mga kawal niya. Isang ingay ang umalingawngaw sa buong bulwagan pagkatapos ng pagsabog. Agad siyang lumayo sa mga kawal at laking gulat niya ng makita si Minerva at ang tribo nito. Nakangiti ito na para bang mas nagwagi ito sa laban.

"Ano ka ngayon?" Mapang-asar na tanong ni Minerva sa kanya.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon