Chapter 18

1.3K 53 5
                                    

Chapter 18

Tuluyang nakaalis sa kumpulan si Amber, nakatitig ang ilan sa kanya ng masama ngunit wala siyang pakialam sa mga 'yon, naririnig din niya ang ilang reklamo ng mga kawal dahil sa paglagpas niya sa lupid at halos magkagulo nang tuluyan siyang tumawid sa kalsada kong saan pinagpapatuloy ang parada.

"Binibini, bumalik ka rito!" Sigaw ng ilang kawal sa kanya.

Hindi maaninag ni Amber ang tatlo sa dami ng mga taong naroon. Nagulat at napaatras siya nang kamuntik na siyang masipa ng kabayong itim na papalapit sa kanya. Sa pag-atras niya bigla na lang siyang napatid sa maliit na bato at napangiwi nang bumagsak siya sa simentadong kalsada ngunit sa kanyang pagdilat biglang nagbago ang lahat.

Nawala ang ingay sa paligid, nagulat siya nang makita ang sariling nakaupo sa isang gubat, makulimlim ang kalangitan, tuyo ang mga dahon sa puno at para bang na kalbo ang ilan. Patay ang mga halaman at bulaklak. Napasulyap siya maruming tubig na halos hindi na makita ang ilalim dahil natatabunan din ng ilang mga tuyong dahon at namatay na mga bulaklak.

Ang dating makulay na lugar ay napalitan ng kadiliman.

Tumayo siya at hindi pa rin makapaniwala, "na saan ako?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Bigla siyang nakaramdam ng kaba at takot sa mga oras na 'yon. 'Hindi kaya nakabalik ako agad sa Halon?' Nabigla siya sa kanyang sariling tanong.

"Hindi," iiling-iling siyang bulong sa kanyang sarili, "hindi 'to maari, nakalabas na ako hindi na nila ako pwedeng ibalik."

Muli siyang natigilan nang makarinig siya ng mga bulong at mahihinang iyak na hindi niya alam kong saan ito nang gagaling. Hinanap kong ito ngunit siya nag-iisa ang naroon. Hanggang sa pa lakas ito ng pa lakas. Tinakpan niya ang mga tenga ngunit wala itong silbi dahil naririnig pa rin niya ang mga kakaibang ingay.

"Tama na!"

Para siyang nababaliw na hindi niya mawari. Nakikita niyang kumukulo ang tubig mula sa ilog kong saan siya malapit, pabilis ng pabilis na para bang may kong anong lalabas do'n hanggang sa bigla na lang maglutangan ang mga kalansay at bungo ro'n. Namilog ang mga mata niya sa kanyang nakita at para bang umiikot ang kanyang sikmura.

Pinikit niya ang mga mata at nanatiling nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tenga.

"Hindi ito totoo, hindi," pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili.

Sa isang iglap bigla na lang natahimik ang paligid ngunit nanatili siya sa gano'ng posisyon. Nararamdaman niya may mga katabi siya at nakatitig. Hindi niya malaman kong ilan o sino ngunit ramdam niya ang presensya ng ibang tao sa kanyang paligid.

Nang dahan-dahan niyang idilat ang mga mata niya mas kinagulat niya ang kanyang nakita. Hindi mabilang na mga taong parang naligo sa dugo, naamoy niya ang masangsang na amoy galling sa kanila, hindi siya agad nakakilos sa kanyang kinatatayuan at para bang tumigil ng ilang segundo ang kanyang paghinga.

May ilan sa mga 'yon ay bukas ang anit na labas na ang nabubulok na utak, may isang lalaki na bulwak at labas ang laman loob sa tyan at meron pang halos nahati ang sa parting dibdib sa hindi niya malamang dahilan.

Napasigaw siya sa takot at unti-unting paglapit sa kanya ng mga ito. Napaatras siya ngunit bumungo lamang siya sa isa sa mga nakapalibot sa kanya dahil sa pandidiri at takot. Bigla na lang siyang bumagsak. Pinikit niya ang mga mata at ramdam niya ang mga malalamig nitong kamay sa kanyang braso, kamay, paa at mukha.

"TAMA NAAAAA!"

Naramdaman na lang niyang may humila sa kanya, "binibini ayos ka lang? Binibini?"

Ayaw niyang idilat ang mga mata ngunit muling bumalik ang ingay sa piesta at mga bulungan dahil sa kanya.

"Binibini," nakaramdam muli siya ng pagyugyog sa kanya kaya tuluyan siyang napadilat.

Nang maidilat niya ang mga mata saktong nakita niya ang binatang may hawak sa magkabila niyang braso, rinig na rinig pa rin niya ang kalabog ng puso niya at kitang-kita ang takot sa kanyang mga mukha.

Hindi niya kilala ang binata ngunit nag-aalala itong nakatitig sa kanya. Nakasuot ito ng kulay kayumangging pantalon na pinaresan ng puting polo na may mahabang manggas at may lasong puti sa kwelyo nito.

Maputi ang balat ng binata na halos mamula na ang pisngi nito pagtinatamaan ng sinag ng araw, makapal na kilay sa itaas ng malalim nitong itim na mga mata, matangos ang ilong at maliit na labi. May kakapalan ang kulay itim nitong buhok na nakasuklay ng maayos.

Napansin ni Amber na ilang naroroon na manonood at kasali sa parada'y nakatingin na sa kanya na may halong pagtataka.

"Ayos ka lang?" Tanong muli ng binata.

Tinignan niyang muli ang binata nong magsasalita na sana siya bigla na lang kumirot ng husto ang ulo niya kaya siya napahawak sa mga ito bago siya tuluyang agawan ng lakas. Hindi na niya alam kong anong gagawin at nilalabanan ang panghihina ngunit wala siyang nagawa nong tuluyan siyang lamunin ng dilim.

"Hoy, gumising ka na dyan."

Nakarinig si Amber ng pamilyar na boses na nagsasalita malapit sa kanya.

"Alam kong gising ka na kong ayaw mong ibalik ka ni master Lucian sa Halon...ay oo nga pala may malaki ka pa lang kasalanan, bakit hindi ka na lang dalhin sa Surtar? Oo nga mas magandang ideya 'yon." Narinig pa niya ang mahinang palakpak na para bang may nanalo sa isang patimpalak.

Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata at unang bumungad sa kanya ang simentadong kisame. Ramdam niya ang malambot na higaan kong na saan siya ngayon.

Nabigla siya nang makita ang mukha ni Kairos na dumungaw sa kanya. Dahil sa gulat agad siyang napaupo, halos mauntog pa siya sa binata buti na lang at agad itong lumayo sa kanya.

Nakita niya agad si Lucian na walang emosyong nakaupo sa pulang upuan na nakasandal sa pader na kulay kayumanggi at saka niya pinagmasdan si Kairos uli na nakataas ang isang kilay sa kanya.

"Na saan ako?" Tanong agad ni Amber.

"Naku kang babae ka, hindi mo alam kong anong klaseng sakit ang ibinigay mo sa amin, lintik ka talaga, sa lahat ng kaluluwang napunta sa Halon ikaw na ata ang pinaka sa pinaka," nakakuyom pa ang mga palad ni Kairos na para bang nanggigigil sa kanya.

Nilibot niya ang tingin sa silid na hindi niya alam kong paano siya napunta ro'n, simpleng higaan, upuan, lamesa kong saan may nakapatong na vase ng kulay asul na bulaklak at kurtina na nagsisilbing tabing sa kabila na para bang hati sa silid.

Muli siyang napasulyap kay Lucian nang tumayo ito at lumapit sa kanyang kama.

Napalunok siya sa kaba dahil alam niya anumang oras ibabalik siya nito kong saan siya dapat.

"Nagmamakaawa ako, 'wag ninyo akong ibabalik," sabi ni Amber kay Lucian.

"Ngi," ngiwi ni Kairos na hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Dahan-dahan siyang umayos at lumuhod sa kama habang nakaharap kay Lucian. Hindi niya alam kong bakit siya nakakakita ng mga nakakatakot na bagay at kong ano nga ba ang nangyayari sa kanya nong nakaalis siya sa Halon.

"Ang dami kong pinagdaanan, 'wag ninyo akong ibabalik," pagsusumamo niyang titig kay Lucian.

Hinihintay niya kong ano ang sasabihin nito.

"Wala ka talagang hiya ano," hinayaan lang niya ang komento ni Kairos sa tabi ng binata, "ang dami mong napinsala tapos may gana ka pang magmakaawa sa amin ng ganyan, kaya ba ayaw mong lumagda sa libro dahil isa ka sa mga kaluluwang gustong makabalik dito sa mundong ibabaw."

"Hanggang saan ang kaya mong sa hinihiling mo?" Tanong ni Lucian.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon