Chapter 35
HINDI maidilat ni Amber ang kanyang mga mata ng buo. Wala siyang maramdaman na kahit na ano, sakit o kahit na anong karamdaman. Nagtataka siya dahil parang ang gaan ng pakiramdam niya at animoy lumulutang siya sa kalawakan. May naramdaman niyang may humaplos sa ulo niya at para bang may himig na pinapatulog siya ng malambing na boses.
Gusto niyang ibuka ang bibig at mata. Wala siyang nararamdaman na takot at para bang kilala niya kung sino man ito. "Matulog ka lang ng mahimbing, anak," bulong ng malambing na boses ng isang babae.
~*~
DAHAN-DAHAN idinilat ni Amber ang kanyang mga mata at unang bumungad sa kanya ang kisame na kulay puti na may mga mga linya ng ginto para makaguhit ng mga bituin doon. Napakunot-noo siya at naramdaman niyang nakahiga siya sa malambot na kama. Unti-unti siyang bumangon at nakita niya ang mga bulaklak na nakapaligid sa buong silid. Nakaupo siya sa kulay puti na kama habang napapalibutan siya ng mga itim at kulay lilac na bulaklak ng Holon.
Inaalala niya ang panaginip bago siya magising ngunit kahit na anong alala niya ay wala siyang maalala. Doon lang niya napagtantong bumalik siya sa Holon, sumagi sa kanyang alaala na inangkin ni Irene ang kanyang katawan, para siyang nakulong sa madilim na silid at hindi alam kung saan siya lalabas. Ang akala niya habang buhay na siyang makukulong do'n ngunit hindi niya alam kung bakit nasa Holon siya.
Napasulyap si Amber sa pinto nang magbukas ito at pumasok ang pamilyar na pigura sa loob ng salaaming silid na 'yon, si Lucian. Sinundan lang niya ito ng tingin at nakasunod sa pagpasok nito ang alagang aso na may tatlong ulo.
"Anong ginagawa ko rito? May nagawa ba akong mali? Hi-hindi ba naging maayos ang misyon?" Sunod-sunod na tanong ni Amber. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng kaba at lungkot sa mga oras na 'yon lalo na't hindi nagsasalita si Lucian.
Naupo si Lucian sa tabi niya at pansin niyang parang nanumbalik ang dati nitong lakas kesa nitong huli silang nagkita sila nong nakikipaglaban ito kay Kairos na gamit ni Florence.
"Kumusta na sila Aero? Si Kairos?" Muli niyang tanong.
"Nasa mabuting kalagayan si Aero, ganu'n din si Kairos," sagot ni Lucian na siyang nagpagaan sa pakiramdam ni Amber kahit papaano, "pero..."
"Pero ano?"
"Patawad, Amber, ngunit pangalawang beses mo nang namatay, mahihirapan na akong ibalik ka sa lupa katulad ng ipinangako ko sa 'yo rati."
Natahimik si Amber sa mga sinabi ni Lucian.
Napayuko si Lucian na para bang nagsisisi ito sa mga nangyari, "hindi ko intensyon na mangyari 'to, mahina rin ako ng mga panahon na 'yon at wala pa ang kompleto kong kapangyarihan dahil sa ginawa ni Irene at Florence, nanghina rin ako dahil may ilang mga kaluluwa ang nakawala galing sa Surtar. Wala akong balak na ibalik ka pa rito nong nakawala ka. Ang gusto ko lang mangyari'y tulungan kami ni Kairos, dahil lumalakas ang isang nilalang na nang gagaling dito ngunit nagkamali ako. Nagamit ni Irene ang katawan mo at paslangin ka ang maaring paraan para matalo sila."
Ang daming tanong na sumagi sa isipan ni Amber. Hindi na niya makakasama si Aero, habang buhay?
"Tapos na ba ang lahat? Sabihin mong oo, na hindi na sayang ang sakripisyo ko?"
Tumango-tango si Lucian, "tapos na, bumalik na ang lahat sa dati, nasa ligtas na si Aero."
"Salamat." Walang nasabi si Amber kundi 'yon lamang.
"May kailangan ka ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?" Nag-aalalang tanong ni Lucian.
Umiling si Amber, "wala."
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...