Chapter 40

2.8K 101 25
                                    

Chapter 40

Naglalakad ang isang batang lalaki sa tabi ng ilog para manguha ng ilang naglalaglagan na prutas mula sa puno malapit doon, kasama n'ya sa pagkuha ang kapatid na dalagang si Minerva na tinulungan n'ya sa pagkuha ng mga pagkain at nakarating s'ya sa halos dulo na ng ilog.

Isa-isa n'yang dinadampot ang mga kulay pulang maliit na bilog at nilalagay sa lalagyang kahon na dala. Natigilan s'ya nang mapansin n'yang may isang katawan na nakadapa sa batuhang ilog, basa ang buong katawan nito, sira-sira ang damit at walang malay.

Nagtaka s'ya kong bakit may nakadapang katawan doon ngunit dahil sa takot nang bigla itong umubo at gumalaw ang katawan nabitawan n'ya ang lalagyang dala dumilapon naman ang mga nakuha n'yang prutas sa mabasang lupa. Iika-ika s'yang tumakbo sa mabatong ilog bago nakabalik sa puwesto ng kapatid. Nabungo n'ya ito dahil nakatalikod sa kanya kaya nagulat ang kapatid na si Minerva sa kanya.

"Ano ba 'yan Yohan! Ano bang problema mo!" Sabay harap sa kapatid na si Yohan.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ng dalaga nang makita ang takot sa mukha ng batang lalaki at inayos ang itim na balabal saka n'ya binitawan ang kahong lalagyan sa paanan nito.

"A-anong nangyari sa 'yo?"

"May patay doon ate," sabay turo ni Yohan sa dulo ng ilog na s'yang sinundan ng tingin ni Minerva.

"Anong patay ang pinagsasabi mo?"

"Sa dulo ng ilog, halika na at baka tayo ang pagbintangan nila," sabay hila ng kapatid sa kanyang kamay para makaalis ngunit hindi s'ya nagpadala. Nagtataka s'ya dahil sa binalita ng kapatid.

"Dito ka lang, pupuntahan ko lang 'yong sinasabi mo."

Nanlaki ang mata ng bata sa narinig n'ya sa kanyang kapatid, "wag na ate," sabay iling nito habang may takot pa rin sa mukha n'ya at hinihila ang dulo ng balabal nito para lang pigilan si Minerva.

"Dito ka lang, hintayin mo ko wag ka nang sumunod sa 'kin," sabi ng dalaga bago s'ya tumuloy.

"Ate," muling tawag ng batang lalaki ngunit hindi s'ya pinakinggan ng dalaga.

Bahagyang nahirapan si Minerva sa paglalakad papuntang dulo ng ilog, nababasa ang sapatos at dulo ng bistida n'yang kulay itim dahil sa mabasang daanan ngunit hinayaan na lamang n'ya. Nabigla s'ya nang makita sa di kalayuan ang isang katawan na nakita ng kapatid, kinabahan s'ya at nakaramdam ng takot. Huminto s'ya at bago dumiretso agad n'yang nilabas ang punyal na nakatago sa gilid ng bewang nakasabit. Muli s'yang umabante ng dahan-dahan at pinapakalma ang sarili.

"Hindi ka dapat matakot Minerva, sinanay ka nila rito," bulong sa kanyang sarili.

Ngunit nang tuluyan s'yang nakalapit naririnig n'ya ang ubo at pagsuka ng binata ng tubig sa puwesto nito. Nanghihina, nanginginig sa lamig at sakit na nararamdaman ang binata. Pinapanood lang ni Minerva ang nahihirapang binata sa paggapang ng dahan-dahan at muli itong huminto saka bumagsak ang katawan.

"Tu-tulong..."

Agad na s'yang lumapit sa lalaking nakadapa at tinutok ang punyal sa leeg nito.

"Sino ka! Anong ginagawa mo rito at paano ka nakapasok!"

Nanginginig na bumaling ang ulo ng isang binata sa kanya at bahagyang nagulat nang masilayan ang maputla nitong mukha. Nakaramdam s'ya ng awa at para bang iniisip n'ya kong saan n'ya nakita ang binata noon ngunit nakalimutan n'ya.

"Sino ka?" Tanong ng binata bago ito tuluyang nawalan ng malay.

Nagulat pa ang dalaga bago s'ya tumakbo pabalik sa tribo n'ya. Dala ang ilang nakuha n'yang prutas at ang kapatid n'yang si Yohan. Hinanap pa n'ya ang isang nakakatandang kapatid na si Kane at ang lola n'yang namumuno sa tribo nila.

"Lola!" Sigaw n'yang makapasok sa kubong bahay ng kanyang lola.

Humarap ito sa kanya na dala ang tungkod, "may nakita kaming isang maharlikang walang malay sa dulo ng ilog."

Naningkit lalo ang kulubot sa noo ng binata sa kanyang binalita, "kailangan natin s'yang tulungan."

Hindi nagsalita ang lola n'ya at agad na pinatawag ang ilang kasapi ng tribo para tulungan ang binatang nasa ilog.

Kasapi sa isang tribo si Minerva na may hindi mabilang na kasaping pamilya na nakatira sa bundok ng Salene. Wala silang ibang kulay ng damit maliban sa mga kulay itim na kasuotan, tribong pinangingilagan ng lahat at tinatawag na bandedo na madalas na sumugod sa mga kaharian para makakuha ng pagkain. Hindi lang sila gano'n may pinaglalaban sila, pinaglalaban nila ang karapatan nila bilang nangangalaga sa kabundukan at kagubatan na wag silang patayin. Pinapatay sila ng ilang namumuno sa lahat ng kaharian para masakop ang binabantayan nilang bundok. Bilang ganti sumugod at umaatake sila sa lahat ng kahariang kumakalaban sa adhikain nila. Takot din ang ilan sa kanila ang buong taga-Erebus dahil may ilang kasapi sa kanila ang gumagamit ng itim na mahika lalo na ang kanyang lola na namumuno sa tribo nila.

Hindi mapakali si Minerva at nag-iisip kong tama ba 'yong nakita n'ya.

Lumapit ang kapatid n'ya sa kanya na nag-aalala rin sa kanilang nakita.

"Hindi naman siguro masamang pangitain 'yon," wika ni Yohan.

Umiling si Minerva, "hindi naman, hindi 'yon gano'n Yohan."

Napasulyap sila sa bukana ng village nang makarinig sila ng ingay dahil sa pagdating ng ilang kalalakihan na tiwanag ng kanyang lola para kunin ang binata at ngayo'y dala na pabalik. May ilang bumubulong sa kanilang pagkakita sa binatang walang malay at ilang namangha. Napasulyap din si Minerva sa binata pa ring walang malay, kahit na basing-basa ang buong mukha, katawan at maputla hindi maikakailang matipuno lalo na't matangkad ito kaya pinagtutulungan ng anim na lalaki.

Pinasok ang binata sa isang kubo para tignan ng kanyang lola at bigyan ng lunas.

Tatlong araw nilang binantayan ang binata at hinihintay ang paggising n'ya. Si Minerva ang madalas na nagbabantay at nagpupunas ng katawan nito. Usap-usapan sa buong village nila ang tungkol sa binata. Pagpasok n'ya sa kubo kong na saan ang binatang estranghero at lumapit sa higaan nito nagulat s'ya nang makitang nakadilat na ang mga mata nito.

Nakahawak sa ulo na para bang may iniindang sakit.

"Gising ka na," wika ni Minerva.

Nagtaka ang binata at bahagyang napaatras dahil sa takot.

"Sino ka?" Sabay linga sa paligid ng loob ng kubo, "na saan ako?" Halata sa boses ng binata ang panghihina.

Nilapag ni Minerva ang isang plangganang tubig sa lamesang kahoy na malapit sa higaan ng binata.

"Bago kita sagutin sa mga katanungan mo ginoo, sino ka muna?"

Naningkit ang mga mata ng binata at bumabalik na rin ang tunay nitong kulay. Animoy para bang napaisip ang binata sa tanong na 'yon.

"Sino ako?"

"Oo," sabay tango ng dalaga.

Muling binalik ng tingin ng binata sa dalaga na para bang litong-lito, "hi-hindi ko alam."

---
Note: So 'yon inagahan ko na ang pag-update ngaung araw kasi mauubusan ako ng load sa data, LoL, yeah skl, so 'yon thank you so much sa mga iba pang bagong readers ng KBM, hindi po tau matatapos, marami pang mangyayari but sure kong bago matapos ang month May matatapos rin ang story na 'to. Thank you so much sa lahat ng nag-comment and nag vote ng kwento. I hope mapansin din ninyo ung iba kong on-going story, support like the way you support this story.

Project Null (Sci-fi)

KLWKN (Epistolary)

Scripted (Mystery/thriller)

Thank you. See you next chapter and don't forget to comment ur impression for this chapter. Ilabas ninyo kong anong ilalabas ninyo un lang. Ciao!

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon