Chapter 53

2.5K 95 9
                                    

Chapter 53

"Lumayo ka sa kanya sinasabi ko sa 'yo." Dagdag pa ni Minerva, "matalino ka naman siguro binibini at naiintidihan mo kong ano ang ibig kong sabihin."

Hindi nakaimik si Amber at nanatili s'yang nakatitig kay Minerva na walang emosyong pinapakita sa kanya. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at hindi man lang nakakilos para umatras ang dalaga. Mas matangka si Minerva sa kanya ng bahagya.

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

Kahit na walang emosyong pinapakita sa kanya si Minerva. Nararamdaman n'ya ang inis sa boses nito at paano ito makipag-usap sa kanya.

'Hindi s'ya si Aero at kailangan mo na s'yang bitawan,' boses sa isipan ni Amber. Dahan-dahan s'yang tumango bago s'ya sumagot, "o-oo," ngunit mahirap sa kanyang sabihin ang mga salita na 'yon. Naguguluhan pa rin s'ya at may parte sa kanya na gusto n'yang maniwala na si Brennon at Aero ay iisa.

Dahan-dahan lumayo si Minerva sa kanya at hindi na nagpaalam pa sa kanya. Naglakad ito at nilagpasan na lamang s'ya. Doon lamang s'ya nakahinga ng maayos at napahawak sa kanyang dibdib. Sumasabay ang malakas na kalabog ng puso n'ya sa ingay ng paghampas ng tubig sa ilog galing sa talon. Pinikit ang mga mata at pinakalma ang sarili. Ngunit hindi nakakatulong, walang nakakatulong sa bigat ng kanyang nararamdaman ngayon.

Dumating ang hating-gabi at halos patapos na sila ni Santino na maghapunan.

"Kanina ka pa tahimik binibini."

Napasulyap s'ya ng mapansin ang malungkot na boses ni Santino at binigyan n'ya ito ng pekeng ngiti saka binitawan ang tinapay na hindi pa n'ya na uubos sa plato.

"Ayos lang ako, pagod lang."

"Masyado ng maraming nangyayari sa 'yo rito binibini siguro..." huminto ang binata at napasulyap sa kalangitan na nasisilayan ang kalahating buwan doon, "kailanga mo na talagang bumalik sa inyo, hindi ko rin alam kong makakabalik pa ba kami sa palasyo pero kong hindi nagawa ni haring Aero'ng ibalik ka ako na lang gagawa para sa kanya."

Nanatiling tahimik si Amber, naikuyom ang kamao n'ya at pinipigilan ang sariling maging emosyonal.

"Mahal talaga ang hari na sinakripisyo mo ang pagbabalik sa mundo mo para lang makita s'ya, hindi ko alam na gano'n pala ang nagagawa ng pag-ibig pero..."

"Pero hindi na s'ya bumalik, pinili ko s'ya pero hindi na s'ya bumalik."

Napasulyap si Santino sa kanya at napansin ang namumula n'yang mata na nagbabadyang luha ro'n.

"Patawad binibini hindi ko gustong maging malungkot ka."

Umiling si Amber at ngumiti, "ayos lang ako," saka s'ya tumayo at kunin ang hindi pa ubos na pagkain sa plato. Paalis na s'ya ngunit hindi s'ya pabalik sa kumpulan ng tribo kaya nagtaka si Santino.

"Saan ka pupunta binibini?"

"Dyan lang."

"Ayos lang maging hindi ayos, binibini."

Natigilan s'ya sa sinabi ng binatang kawal bago s'ya nagpatuloy. Naglakad s'ya sa likuran ng mga kubo at patungo sa silda hanggang sa huminto s'ya sa harap nito at nakita n'ya si Edward na nanatiling tahimik sa loob nu'n napasulyap sa kanya ang binata ng makita s'ya.

Hindi na s'ya nagsalita pa, umupo s'ya sa harap ng silda para ibaba ang plato saka n'ya tinulak papasok sa butas na malaki para maipasok ang platong may tira n'yang pagkain at nanatiling na ro'n lang s'ya habang yakap ang mga tuhod.

Napalunok ang binata sa gutom at dahan-dahan lumapit sa pagkain n'yang dala.

"Patawad 'yan lang ang nakayanan ko," bulong ni Amber.

"Bakit ka nandito?" Tanong ng binata habang nakatingin sa pansit, kalahating tinapay at inihaw na isda.

"Hindi kita pwedeng pabayaan."

Nakaramdam ng lungkot si Edward at pasasalamat para sa dalaga, "kahit na ang sama ko?"

"Oo dahil 'yon ang pinapakita mo, hindi ka naman dati ganyan."

Gustong magsalita ni Edward para bawiin ang sinabi ni Amber ngunit inumpisahan na lamang kainin ang pagkaing bigay sa kanya.

"Dalian mo para maibalik ko na 'yan doon at may trabaho pa kami bago magpahinga."

***

Kakalabas lang ni Brennon sa kubo ng masilayan n'ya sa di kalayuan si Amber na nakikipagbiruan sa kaibigan nitong si Santino. Gusto n'yang lapitan ang dalaga ngunit pinipigilan n'ya ang sarili. Muli s'yang bumalik sa loob at napabuntong-hininga.

Wala sa sariling ibinagsak ang sarili sa kama at ipinikit ang mga mata. Nakita na naman n'ya ang maamong mukha ng dalagang si Amber kaya idinilat n'ya. Litong-lito sa kanyang sarili, hindi n'ya malaman kong saan s'ya hahanap ng kasagutan kong bakit ginugulo ng isipan at puso n'ya ng dalagang ngayon lang n'ya nakita.

Simula ng magising s'ya palaging si Minerva ang nasa tabi n'ya pero palaging gumugulo sa kanyang panaginip ang mukha ng binibining si Amber, nanaginip na masaya silang magkasama, may mga pangyayari na bigla na lang s'ya mapapahinto at may papasok na alaala na kasama n'ya si Amber na para bang matagal na silang magkakilala.

Lalong nadagdagan ang mga katanungan n'ya na madalas s'yang tawaging Aero nito at kahit ang mga nakalaban nilang kawal galing sa Atohollo. 'Sino ba si Aero?'

Nagbabakasaling makakuha ng kasagutan sa dalaga ngunit nalaman n'yang namayapang hari ito ng Atohollo na kahawig n'ya. Gusto n'yang paniwalaan ang sarili na baka nga kahawig lang s'ya ng kakilala ng mga 'to ngunit may parte sa kanya na may hinahanap s'ya at para bang may kulang sa pagkatao na gusto n'yang mabuo.

Para bang may isang enerhiya na naghihila sa kanya papalapit sa dalaga, nag-aalala s'ya sa bagay na hindi n'ya alam para kay Amber at may parte sa kanyang pagkatao na nangungulila s'ya para sa dalaga.

"Ano ba 'to?" Inis na napaupo sa kama si Brennon.

Sa tuwing magtatanong naman s'ya kay Minerva ang palaging sagot nito sa kanya na isa s'yang anak ng dalawang namatay na mag-asawa sa tribo at nakatakda silang ikasala para maipasa kay Minerva ang pagiging lider ng tribo nila ngunit para sa kanya hindi n'ya gano'n kakilala ang dalaga. Sinasabi naman nito na kaya hindi ka makaalala dahil sa aksidenteng pagsugod ng mga kaaway.

***

Nakangisi at nakatitig ang inang reyna sa trono sa bulwagan nong gabing 'yon. Hinihintay ang pagdating ng anak na si Edward dahil sa pagsugod sa mga bandido. Hindi n'ya akalain na mapupunta sa anak ang trono at natutuwa sa kanyang sarili dahil nagawa n'ya ng maayos ang kanyang plano para mawala ang sagabal sa mga plano n'yang 'yon.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi ng mapasulyap sa pintuan ng bulwagan sa biglaan pagbukas nito. Pumasok ang heneral ng hukbong kasama ni Edward, may iilan na lamang sila at hindi kasama ang anak n'yang si Edward. Nang makalapit ang mga kawal sa kanya, yumuko ito at nagbigay galang bago tumayo ng tuwid.

"Magandang gabi inang reyna, nakabalik na po kami galing sa paglalakbay, may ilang kawal ang sugatan at napilayan na kailangan dalhin sa pagamutan para sa kondisyon nila. May ilan din po tayong namatay na kawal sa pagsugod sa mga bandido." Ulat ng heneral habang hawak ang kupya n'ya na sinusuot sa ulo sa kanang kamay.

"Wala akong pakialam sa mga sugatang kawal o sa mga namatay. Na saan si haring Edward?"

Natigilan ang heneral sa tanong at bahagyang sa mga titig ng inang reyna sa kanya lalo na sa panlilisik ng mga mata nito ngunit kailangan n'yang sabihin ang totoo.

Malakas ang kalabog ng puso ng heneral sa takot na baka kong ano gawin sa kanya ng inang reyna.

"Naiwan po ang mahal na hari sa mga bandido dahil nadakip po s'ya."

Nanlaki ang mata ng inang reyna sa masamang ulat, "na uwi ninyo ang ibang kawal lalo na ang mga namatay ngunit hindi ninyo man lang tinulungan makatakas ang anak ko!"

"Pero---"

Hindi natuloy ang kanyang sasabihin ng ikumpas ng inang reyna ang kamay n'ya at lumabas ang kapangyarihan sa pagtalsik nila saka bumagsak sahig. Nagulat ang mga kawal sa ginawa ng inang reyna sa paggamit nito ng itim na mahika. Para bang nagkaroon ng malakas na hangin sa loob ng bulwagan kahit na sarado naman ang mga binata.

"Mga wala kayong silbi! Mga inutil!"

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon