Chapter 11

1.6K 63 7
                                    

Chapter 11

Nakatulala si Amber sa itim na tubig at iniisip ang planong gustong mangyari ni Irene. Hindi pa siya pumapayag dahil masyadong nakakatakot, agresibo at mapangahas. Iniisip niya kong kakayanin ba niya ang gano'ng klaseng plano. Naningkit ang mga mata niya nang may lumitaw na piraso ng papel sa itim na tubig sa ilog.

Bahagyang siyang umalis sa pagkakaupo at lumapit ng kaunti sa tubig. Papalapit ang piraso ng papel sa kanyang direksyon. Lalo siyang mamangha ng hindi man lang ito nababasa na para bang may mahikang bumabalot sa papel.

Hinihintay niya ang papel hanggang sa tuluyang makalapit batuhan sa lupa.

Nagdadalawang isip siya kong kukunin niya 'yon hanggang sa dahan-dahang kumilos ang mga kamay niya para damputin ang pirasong papel. Binuklat niya ang papel at makitang may ilang letrang nakasulat do'n. Binasa niya at habang binabasa 'yon para bang may naalala siya. Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang mabasa ang pangalan sa papel.

['Mahal na mahal kita, Amber. Nangungulila ako ng husto sa 'yo. Sana kong na saan ka man, nasa maayos kang kalagayan.']

Hindi siya makapaniwala na makakatangpa siya ng ganitong sulat mula sa binata. May tumulong luha na agad niyang pinunasan. Masaya ang kanyang pakiramdam na hindi pa rin siya nakakalimutan nito at alam niyang kay Aero nang galit ang sulat. Hindi man niya alam kong paano nangyari 'yon pero alam niya, si Aero 'yon.

"Mahal na mahal din kita," bulong niya sa hangin.

Inayos niya ang kanyng sarili at itinago ang papel sa kanyang bulsa. Naglakad siya at lumapit kay Irene na nanahimik na nakaupo sa isang tabi malapit sa lila'ng puno.

Tumingala sa kanya ang dalaga nang maramdama ang presensya niya. Ngumisi sa kanya na para bang alam na ang pakay niya.

"Papayag na ako sa plano, gusto kong makalabas at makabalik sa mundo ng mga tao." Wika niya sa dalaga.

Alam niyang mahirap ang balak ni Irene ngunit gusto niyang subukan. Gusto niyang ipaglaban ang nag-iisang pagkakataon.

"Ang akala ko'y hindi ka na papayag sa plano." Tumayo si Irene at hinarap siya.

"Huwag kang magpapasigurong kakayanin ko 'to," wika ni Amber.

"May tiwala ako sa 'yo."

May kinuha si Irene sa likuran ng damit at inabot ang kulay kayumangging papel na nakatupi sa apat. Nagtataka man si Amber kinuha niya pa rin ang papel. May inabot pa itong lukbot (pouch) na kulay itim na siya ring kinuha. Naramdaman niyang mga laman itong mga bilog at maliit na bagay.

"Bubuksan mo lang 'yan sa oras makalabas ka rito. Alam naman natin hindi nila ako basta-basta lang papalabasin ditto kaya ikaw ang gagawa ng plano. Nakasulat na dyan ang direksyon tungkol sa plano at kong gagamitin ang mga kristal."

"Basta hindi mo pwedeng ubusin ang walong kristal. Ang gagawin mo lang ibabato mo ang isa sa lupa o sa sahig. Maglalabas 'yan ng usok at isipin mo kong saan gustong makarating. Gumagana lang ang kapangyarihang 'yan sa Halon at hindi rito sa kulungan. Mahina ang distansya na ginagalawan ng mahika na meron 'yan kaya ang malalapit lang ang kaya niya. Isipin mo 'yong lugar na sinabi ko at doon mo makukuha ang kasagutan."

"Sinasabi ko sa 'yo inaasahan kitang matutulungan mo ko at may tiwala ako kaya binigay ko sa 'yo ang huling pag-asa ko."

Nakikita niya ang pagsusumamo ng dalaga na magagawa niya ng maayos ang plano. Kinabahan naman siya sa ideyang 'yon sa tuwing naalala.

"Paano kong...paano kong hindi ko magawa ang plano katulad ng inaasahan mo?"

Nakipagtitigan siya sa dalaga sa kanya ng ilang segundo bago nagsalita si Irene.

"Sabi ko sa 'yo espesyal ka, kaya alam kong magagawa mo 'to."

Magsasalita pa sana si Amber nang marinig nila parehas ang pamilyar na boses sa di kalayuan.

"Kamusta na ang lahat?"

Agad niyang naitago sa bulsa ng bistidang suot ang damit ang binigay ni Irene. Nawala rin bigla sa tabi niya ang dalaga nang malaman niyang lumayo ito sa kanya para hindi magkaroon ng malisya si Kairos sa kanila kasama ang tatlong kalasany na kawal.

"Hoy ikaw!"

Nabigla pa si Amber nang ituro siya nito.

"Makakalabas ka na."

Nakahinga ng maluwag si Amber at kahit kailan hindi marunong makipag-usap ang binata. Naglakad na siya papalapit at hinanap pa sa huling pagkakataon ang dalagang si Irene ngunit hindi niya ito mahagilap kaya hinayaan na lamang niya. Pinasadahan siya ng tingin ng binata at hindi niya pinahalata na may plano siya.

Lumapit siya sa grupo at ang ilan pang tinawag ng binata para makalabas sa kulungan. Nang matapos ito sa pagtatawag agad siyang sumunod. Naglakad siya sa malamig at bigla na lang silang nilamon ng kadiliman. Segundo ang nilipas nang magbago ang buong paligid. Nasa loob na naman siya na parang palasyo at wala sa labas. Para bang pakiramdam niya pumikit lang siya sandali, nakita na niya ang sarili at ang mga kasamang naroon.

"Mga kawal ihatid na ninyo ang mga 'yan sa Halon at maiiwan ang dalagang ito sandali." Sabay harap ni Kairos sa kanya.

Sinunod naman ng mga kawal na kalansay ang utos nito at hinatid kong saan nang pumasok ito sa isang pintuan sa may kanan nila.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" Nagkukunwaring kalmado si Amber para bang may nararamdaman siyang parang may alam si Kairos kong makatingin ang mga naninigkit at mapanuring mga mata nito sa kanya.

"Hindi ka makakatungtong sa Halon hangga't hindi ka pumipirma sa aklat ng kamatayan. Bago ka makalabas ng palasyo kailangan mong gawin ang isang bagay na dapat ginawa mo na dati pa." Wika ni Kairos.

Muli na naman naalala ang sinabi ni Irene sa kanya at mga bilin lalo na ang paglalagda.

'Wag na wag kang lalagda. Sa oras na ginawa mo 'yon hindi ka na makakalabas ng Halon lalo na 'yang kaluluwa mo.' Para bang umalinagawngaw ang boses ni Irene sa kanyang isipan.

"Ipagnag-uutos din 'yon ni master Lucian." Dagdag pa ng binata.

"Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna ang bagay na 'yan."

"Ano?" Hindi makapaniwala ang binata at para bang umaktong nahihilo sa harapan niya. Saka ito napakapit sa lamesang bilog sa likuran nito. "Ang tagal-tagal mo na sa kulungan at hindi mo pa rin na iisip ang bagay na 'yan."

"Karapatan ko 'yon bilang kaluluwa at hindi pa rin ako makapaniwala na patay na ako. Saan parte na hindi mo naiintindihan 'yon?" Sabay taas ng isang kilay ni Amber.

Tinaasan din siya ng isang kilay ni Kairos na para bang babae kong makipagtalo sa kanya.

Magsasalita pa sana si Kairos nang dumating si Lucian at magsalita.

"Hayaan mo siya at 'wag pilitin. Sa oras na maghatid tayo ng ilang kaluluwa sa Surtar, isa siya sa isasama natin sa bilang."

Napasulyap siya sa walang emosyon na si Lucian at nasa likuran nito ang tatlong asong itim na nakasunod sa kanya.

Ngumisi naman si Kairos sa kanya, sa tuwing ngumingisi ang binata nagtataasan ang balahibo niya sa katawan at para bang mas tuso pa ito kesa kay Lucian.

"Ibalik mo na siya sa Halon at hayaan siyang pagsisihin ang mga plano niya sa kanyang sarili." Dagdag ni Lucian.

"Masusunod, amo."

Saka naman umalis at iwan sila ni Lucian.

Napalunok siya at para bang tinatakot siya ng mga ito. Dahil epektibo ang pananakot ng mga binata sa kanya.

---
Note: Double updates for this week. Hindi po muna kasi ako mag-update bukas, kailangan ko rin ng pahinga medyo nakakapagod din ang linggong ito. Siguro balik na lang uli kayo sa Monday. Basa-basa mo na kayo ng ibang stories dyan sa Wattpad at marami namang magaganda. Maraming salamat sa pag-suporta sa aking gawa. Keep safe guys.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon