Chapter 45
Gising ang diwa ni Amber ngunit nakapikit ang mga mata n'ya at hindi man lang n'ya magawang idilat. Wala s'yang takot na nararamdaman at panatag ang kalooban n'ya. Ramdam n'ya ang malamig na hangin na bumabalot sa lugar kong na saan man s'ya at naririnig ang dalawang boses na nag-uusap sa tabi n'ya.
"Natatakot na ako para kay Amber, sister." Narinig n'ya ang pamilyar na boses na nagsalita man lang sa kanya.
Naramdaman n'ya ang paghaplos ng kamay nito sa buhok n'ya na lalong kinagaan ng kalooban n'ya para bang kilala ng katawan n'ya kong sino 'yon.
"Walang mangyayaring masama sa kanya."
"Pero diba halos mag-aapat na buwan na s'yang nahihimbing, wala naman s'yang malubhang sakit o ano pa man. Paano kong..." Sandaling natigilan ang boses ng babae, "paano kong totoo nga ang sinasabi ng albularyo na may kumuha sa kanya at dinala sa isang lugar na kahit na sino hindi basta-basta makakarating doon kong hindi kukunin ng mga taga-roon."
"Wag tayong magpapaniwala sa mga elementong sinasabi nila, manalig na lang tayo at ipagdasal na magising na s'ya."
Narinig n'ya ang pag-iyak ng babae, "paano kong totoong hindi na s'ya makabalik sa atin ng..."
"Wag mong sasabihin 'yan, humihina ang pananampalataya mo kaya ka nagkakaganyan at mas magandang ipagdasal na lang nating mapabuti s'ya. Na mapabuti ang kaibigan mo."
***
Nilipat si Amber sa kabilang kubo para matignan ang kalagayan n'ya. Nanghina ito dahil sa gutom at pagod. Tumayo si Minerva ng matapos n'yang mapunasan ang mukha ng dalaga na maputla pa rin hanggang ngayon. Nakita n'yang nakatayo lang si Brennon sa gilid at pinagmamasdan ang binatang si Amber. Tumagilid s'ya at kinuha ang lalagyan ng tubig.
"Bantayan mo na s'ya kong maari at kong sakaling magising pakainin mo agad. Misyon nating buhay sila bago tayo makipag-usap sa hari nila."
Tumango si Brennon at lumabas naman si Minerva ng kubo. Nanatili pa rin si Brennon sa puwesto n'ya at nakatitig sa dalaga. Nagtataka sa kanyang sarili kong bakit parang pamilyar sa kanya ang dalaga. Hindi nga lang n'ya matandaan para bang hindi 'yon ang una nilang pagkikita. Luminga s'ya sa saradong pintuan bago naglakad papalapit sa higaan ni Amber.
Naupo s'ya sa inalisang puwesto ni Minerva. Hindi rin n'ya maintindihan kong bakit ilang beses n'yang napapaginipan ang mukha ng dalagang nahihimbing ngayon sa higaan, nag-uusap at masayang magkasama. Ang pagkakaalala n'ya nasangkot s'ya sa isang aksidente at nawala ang ilang alaala n'ya sabi ni Minerva. Isa s'yang anak ng namatay na mag-asawa sa tribo dahil sa mga maharlika ngunit kahit anong pilit n'ya pakiramdam n'ya hindi s'ya kabilang sa tribong 'yon para bang may hinahanap s'ya sa pagkatao n'ya. Sumasakit lang ang ulo n'ya 'pag ginagawa n'ya 'yon.
Tinitigan n'ya ang mukha ng dalaga at para bang pinag-aaralan ang balak sulok nito. Naalala n'ya kagabi kong paano s'ya titigan nito para bang may kakaiba kahit ilang segundo lang ang tinagal.
Hindi n'ya namamalayan na hinahawakan na ng kanyang isang kamay ang pisngi ng dalaga. Para bang may sariling buhay ang mga 'yon. Naawa, para bang nasasaktan ang sarili sa hindi malamang dahilan at nalilito.
"Sino ka ba?" Bulong n'ya sa nahihimbing na dalaga.
Nanlaki ang mata n'ya nong makitang gumalaw ang dalaga at ididilat ang mga mata. Binitiwan n'ya ang mukha nito at napatayo. Bumagsak ang upuan sa lupa dahil sa ginawa n'ya at mabilis na lumabas ng silid.
***
Unang nakita ni Amber ang bubong na gawa sa anahaw na dahon at bigla na lamang tumulo ang luha n'ya nang maalala ang panaginip n'ya. Ngunit napawi 'yon nang may magsalita sa gilid n'ya at napalingon sa direksyon sa gilid.
"Ate kain ka na," si Yohan pala.
Gumaan ang pakiramdam n'ya, hindi na s'ya nahihilo o nakakaramdam ng sakit sa katawan maliban sa pagkagutom.
Dahan-dahan s'yang umupo sa kama, nilibot n'ya ang tingin sa kubo, may bintanang bukas sa gilid, may lamesang gawa sa kahoy, upuan at kabinet na nakalagay sa lahat ng gilid maliban sa upuang nasa tabi n'ya habang nakapatong doon ang inaalok na pagkain ng batang lalaki.
"Maraming salamat," saka n'ya kinuha ang malamig na sopas at bahagya nang malapot. Nanginginig pa s'yang sinubo ang pagkain sa bibig n'ya. Para bang 'yon na ang pinakamasarap na pagkaing nakain n'ya.
"Ate pasensya na uli," napalingon s'ya kay Yohan habang kumakain s'ya.
"Ayos lang wala ka namang kasalanan, sabi ni ate Minerva kakausapin ka raw n'ya pagkatapos mong kumain kaya babantayan muna kita." Malambing na wika ng bata, "ate ayos ka na ba?"
Natigilan si Amber, "ayos naman ng kunti pero bakit n'ya ako kailangan kausapin?"
"Hindi ko po alam," inosenteng wika ng bata, "pero hindi na po nagwawala 'yong kasama ninyo."
Nanlaki ang mata ni Amber at natigilan nang maalala ang binatang kawal, "si Santino."
"Binibining Amber!"
Parehas silang napalingon sa pintuan nang bumukas ito at hingal kabayong pumasok si Santino. Gulat na gulat sila lalo na nang biglang lumapit si Santino sa kanya at yakapin. Nagulat s'ya lalo na ng marinig n'yang umiiyak ito.
"Te---teka lang, anong nangyari sa 'yo?"
Umiwas ang binatang kawal at pinunasan ang luha n'ya gamit ang likod ng kamao.
"Ang akala ko kong ano ng nangyari sa 'yo, binibini?"
Napangiwi si Amber sa pagiging overreacting ng binatang kawal sa kanya.
Napalingon s'ya sa pagpasok ni Minerva at ng binatang bandidong kahawig ni Aero.
"Yohan, pwede bang lumabas ka na muna."
"Opo ate," sabay takbo ni Yohan palabas ng kubo.
Umupo si Santino sa tabi ni Amber at nagulat s'ya nang iharang ang sarili nito na para bang may panganib na paparating. Napataas ang kilay ni Amber sa ginagawa ng kawal, "ano bang ginagawa mo?"
"Trabaho ko binibini kong sakaling may gagawin silang masama sa 'yo."
"Huh?"
Napabuntong-hininga si Minerva, "hindi ko alam na may nakakapasa pa lang kawal sa kaharian ng Atohollo."
Napansin ni Amber ang pagkuyom ng kamao ng binatang katabi ni Minerva habang nakatitig kay Santino na para bang galit at iniisip na guni-guni lang ang napapansin n'ya.
"Pakawalan mo na kami wala kayong mapapala sa amin!"
"Pinaliwanag ko na sa 'yo ang layunin namin at kong wala kayong gagawing masama hindi kayo masasaktan," paliwanag ni Minerva.
"Mga bandido!"
"Tribo kami at hindi bandido 'yon na ba ang tawag sa mga tribong tumutuligsa sa maling gawain ng mga maharlikang gaya ninyo!" Nakakunot noo si Minerva at galit na nakatitig sa kawal.
Hindi maintindihan ni Amber ang nangyayari, "sino ba kayo?"
Nahinto sila at napalingon kay Amber, "ako si Minerva ang apo ng namumunong tribo ng Ferlin at s'ya si Brennon ang kanang kamay ko bilang pangalawa sa namumuno sa grupo."
Napasulyap si Santino at Amber sa binata, "Brennon?" Sabay nilang bigkas ng pangalan nito.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...