Chapter 13

1.6K 58 5
                                    

Chapter 13

Naglalakad si Aero sa maliit na pasilyo pababa sa kulungan ng mga nahuling gumagamit ng itim na kapangyarihan at kailangan pa rin niyang ipatupad na sino man ang gagamit nito sa Atohollo.

"Lima po sana ang mahuhuli namin ngunit nakatakas ang apat at nahuli namin ang isa sa mga kasama nila." Sabi ni Sebastian na nakasunod sa kanyang likuran. "Patuloy pa rin ang mga kasamahan ko sa paghahanap sa kagubatan hangga't hindi sila nahuhuli."

Sa tuwing nakakahuli sila ng mga mangkukulam sa kanilang bayan hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng galit at inis lalo na't naalala niya ang pangyayari noon. Itim na kapangyarihan kong bakit napatay niya si Amber sa mga kamay niya. Hindi siya sumagot at nakinig lang siya sa mga paliwanag ni Sebastian sa kanyang likuran.

Hindi siya natatakot na kaharapin ang mga ito sa kulungan dahil ang mismong kulungan para sa mga katulad nila ay binasbasan, dinasalan ng mga pare pang laban sa mga itim na kapangyarihan, para hindi sila makatakas at hindi magamit ang itim na kapangyarihan ng mga ito.

Bumaba sila sa makipot na hagdang gawa sa bato at mga katipong na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw sa pasilyo at hagdan. Nang makababa sila ay agad din naman silang sinalubong ng ilang kawal na nagbabantay doon at yumuko para bigyang galang kay Aero bago siya bigyang daan. Napasulyap siya sa kanan kong na saan nakakulong ang isang babaeng matanda.

Hindi naman gaanong matanda ang itsura nito maliban sa mahaba nitong buhok na kulay puti na ang lahat. Nakasuot ng itim na bistida at may suot ding kapang kulay asul. Makikita sa mukha nito na para bang hindi siya nagsisising nahuli siya at taas noo pa itong nakatingin sa binata.

"Iwan na ninyo kami," sabi ni Aero.

Tumango naman si Sebastian bago niya inabot ang papel na nakaikot kay Aero at umalis kasama ang mga kawal.

Binuklat ni Aero ang papel bago niya binasa ang nakalagay doon, "ikaw ay nasasakdal---"

"Alam ko kong gusto ng puso mo."

Natigilan si Aero, hindi naituloy ang sasabihin niya kaya muli niyang pinagpatuloy at hindi pinansin ang babaeng mangkukulam, "...ng limang taong pagkakakulong at kamatayan sa paggamit ng---"

"Nararamdaman ko ang sinisigaw nang puso mo, mahal na hari."

Nainis si Aero at sinulyapan ang babae. Tinaasan ng kilay ang babaeng kaharap. Sinundan niya nang tingin ito nang tumayo at lumapit sa kanya. Kumaluskos ang taluhib dahil sa pagkilos ng mga paa nong babae. Ngumiti ang babae nang makalapit at makahawak sa rehas na bakal.

"Nangungulila ka sa isang taong matagal nang patay na dahil din sa 'yo."

Natigilan si Aero at hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Bigla na lamang lumakas ang kabog ng dibdib niya at naalala na naman niya ang mga kamay niya na hawak ang espadang nakatusok sa mismong dibdib ng dalaga.

Dahan-dahan siyang napatitig sa itim na mata ng matandang babae ngunit puti naman ang kanan nito.

"Tigilan mo ko."

Ngumisi ang matanda sa kanya, "huwag kang mag-alala kaya kong magsikreto, kamahalan."

"Hindi mo alam ang tunay na nangyari dahil ang mga katulad mo kong bakit siya namatay. Kong hindi kayo nabuhay sa mundong ibabaw walang mangyayaring ganito."

Lalong lumawak ang ngisi ng matandang babae, "ayyy, sinisisi mo sa iba ang kasalanan mo kamahalan, tignan mo ang mga kamay mo."

Hindi niya alam kong bakit siya napapasunod ng matandang babae nang mapasulyap siya sa mga kamay, may dugo ang mga ito at hindi na niya hawak ang papel para sa sakdal. Alam niyang may basbas ang kulungan ngunit nagtataka siya na para bang nagagamit pa rin ng mangkukulam ang kapangyarihan nito laban sa kanya.

sa isang iglap nakita na lamang niya ang sariling wala sa kulungan at nabiglang nakatayo sa siya sa gitna ng silid ng dalaga. Alam niyang matagal na niya itong pinasara at hindi na kailan pa bumalik simula nang mamamatay ang dalaga dahil marami siyang naalala ro'n.

"Aero."

Namilog ang mga mata niya nang marinig mula sa likuran nito ang pamilyar na boses. Humarap siya at nakitang nakaupo ang nakangiting dalaga sa kama.

"Amber?"

Tumayo ang dalaga at lumapit sa kanya. Hindi siya makapaniwala lalo na nang yakapin siya ng dalaga sa leeg. Ramdam niya ang dalaga lalo na ang pagkakahawak sa kanya.

"Amber, totoo ba 'to?"

Hindi sumagot ang dalaga at agad siyang hinalikan siya nito sa labi na lalong kinagulat ng binata. Mas lalong pang diniin ng dalaga ang labi niya sa kanya. Dahil sa pagkangulila, pagkagustong makita at mahawakan ang dalaga sa sobrang tagal ng panahon. Hindi na niya pinigilan ang kanyang sarili. Humalik siya pabalik at hinawakan ang dalaga. Ang isang kamay niya ay nasa likod ng batok ng dalaga para mapalalim ang halikan at ang isa pa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa bewang ng dalaga.

Dahan-dahan siyang umabante, napaatras naman niya si Amber hanggang sa huminto sila dahil sa nakaharang na kama at bumagsak doon. Wala siyang balak bitiwan ang dalaga at nakita na lamang ang sariling nasa ibabaw ni Amber.

Unti-unting bumaba ang halik niya sa ibabang labi ng dalaga hanggang sa makarating siya sa leeg nito. Narinig niya ang ungol ng dalaga na siyang lalong nagpabuhay sa init ng katawan niya.

"Aero...Ah"

Sa isang iglap nakita na lang ni Aero na nasa kulungan uli at kaharap ang babaeng nasa silda.

Nakaramdam siya ng panghihinayang, lungkot at galit dahil napaglaruan siya ng gano'n kadali nong mangkukulam.

"Tigilan mo ko kong ayaw mong ipag-utos kong ipapapatay kita sa kanila agad," nanggagalaiting wika ng binata.

"Alam kong hindi mo 'yon magagawa."

Hindi nagsalita si Aero bagkus naglakad siya papalapit pa sa rehas ng babae.

"Anong pakiramdam na nakikita o kaya nakakasama siya?"

Napalunok si Aero dahil 'yon din ang tanong niya hanggang ngayon sa kanyang sarili kong sakaling hindi niya napatay ang dalaga.

"Paano na lang kong may paraan pa pala para maibalik ang dati? Paano kong sabihin ko sa 'yo kamahalan na kaya kong gawin ang pinakahihiling mo na makasama ang pinakamamahal mong si Amber?" Sabay tawa nito habang pinapanood ang kanyang reaksyon.

Gulong-gulo siya lalo na para bang nadadala siya sa mga sinasabi ng kausap.

"Madali naman akong kausap---"

"Tigilan mo ko at kahit na kailan hindi ako magpapasa-ilalim sa mga katulad ninyo." Saka niya tinalikuran ang matandang mangkukulam at iniwan. Nang makarating siya sa dulong hagdan at bago humakbang naririnig niya ang halakhak nito.

Naalala niya 'yong sinaryong 'yon lalo na't pakiramdam niya nasa labi pa rin niya ang labi ni Amber.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon