Chapter 11

6.7K 219 7
                                    

Chapter 11

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 11

Nagulat si Amber sa kanyang narinig ngunit bahagyang nabuhayan ang loob n'yang makauwi.

"Kailangan ko ng babaeng papakasalan bago ako italagang bagong hari, ikaw ang napili ko, maswerte ka."

Napangiwi si Amber sa huling sinabi ni Aero, "anong sabi mo?"

"Teka lang," saway ng binata sa kanya, "patapusin mo muna 'ko. Kong nasa hanay na kita bilang magiging hari, wala ka nang iisipin walang gagalaw sayo habang nasa teriteryo kita, hihintayin nating magbukas ang lagusan at ihahatid kita ro'n."

Napaisip si Amber.

"Parehas tayong manginginabang sa plano ko," dagdag pa ni Aero.

"Pa'no kong nakabalik na 'ko sa mundo ko? Wala ka nang asawa, pwede ba 'yon?"

"Ako nang bahala ro'n, habang tayo ay nasa batas ng kasal bahala na akong maghanap ng babaeng papalit sayo, ano papayag ka ba?"

"Teka pag-iisipan ko?"

Napakunot-noo ang binata, "ano? Hindi pa ba malinaw sayo---"

"Sige pumapayag na ako."

Nakahinga ng maluwag ang binata, nilahad n'ya ang kamay sa dalaga na para bang makikipag kamay.

Hindi nagdalawang isip na nakipagkamay si Amber sa binata.

NAGULAT AT nagising si Amber nang makarinig s'ya ng mga katok at sigaw mula sa labas ng silid, "ano ba 'yan ang aga-aga pa?" Bwisit na bwisit n'yang bangon, nakapikit pa s'yang lumapit sa pintuan para pagbuksan ang mga tao sa labas.

Pagbukas n'ya ng pinto, nagtataka s'yang pinagmasdan ang dati n'yang pinunong tagasilbi at may dalawa itong tagasilbi sa likuran.

"Magandang umaga sa inyo binibining Amber, paumanhin sa paggising naming sa inyo ngunit kailangan ninyong magbihis at sasabay po kayo sa kanila sa agahan." Wika ni ginang Mari.

"Ano?"

"Wala na po tayong oras, sumunod na po kayo sa'min."

Tumalikod ang tatlo, wala naman nagawa si Amber kong di sumunod sa mga ito, sa paglalakad nila sa ilang pasilyo, huminto sila sa isang pintuan, pinagbuksan s'ya nito, pumasok sila ro'n.

Napakalaki ng silid kumpara sa silid na pinapagamit sa kanya.

"Simula ngayon ito na po ang magiging silid ninyo, rito na po kayo magpapahinga."

"Huh?"

Pinagmasdan ni Amber ang silid, may malambot na kama sa gitna, isang malaking kabinet sa kanan, isang pintuan sa tapat ng kama papasok sa paliguanng silid, may balkonahe sa kaliwa, may lamesa't dalawang bintana, may mga painting at mga bulaklak na palamuti sa silid.

Lumapit ang dalawang tagasilbi at hinawakan ang damit n'ya na para bang hinuhubaran s'ya, napaatras s'ya at yinakap ang sarili.

"Teka lang, anong ginagawa ninyo?"

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon