Chapter 8

1.7K 71 11
                                    

Chapter 8

"...paano nga kong pwede kang makalabas ditto?"

"Hi-hindi kita maintindihan Santino, ang sabi mo bawal na tayong makalabas ditto at habang buhay na tayong makukulong?" Litong-lito si Amber ngunit may kaba siyang nararamdaman tungkol sa sinasabi ng binata.

Magsasalita pa sana si Santino nang biglang lumitaw sa di kalayuan si Karios kasama ang tatlong kalansay na kawal. Parehas silang natigil at ang ilan nilang kasama ro'n. Walang emosyon ang binatang bagong dating saka niya pinagtuturo ang ilang naroon.

"Hoy ikaw, ikaw, ikaw.... Ikaw at ikaw pa at saka ikaw," huminto ito sa binatang si Santino.

Napataas naman ang isang kilay ni Santino habang nakatingin kay Karios.

"Ano na naman kayang problema ng isang 'to?" Habang nakatingin sa kinaiinisang binata.

"Pwede na kayong sumama at makakabalik na kayo sa Halon." Anunsyo nito.

Isa-isa naman lumapit ang mga tinuro ng binata sa puwesto niya, may ilang natuwa na makakalabas na sila sa lugar na 'yon at meron ding malungkot pa rin dahil may ilang maiiwan. Kasama sa maiiwan sina Amber at Irene.

"Bakit hindi pa ninyo ako pinapalabas ditto ng amo mo?"

Napasulyap silang lahat nang magsalita si Irene at kitang-kita ang pagkainis nito kila Kairos.

"Alam mo naman siguro ang sagot sa katanungan mo Irene," huminga ng malalim si Kairos bago siya nagsalitang muli, "masyadong mabigat ang kasalanang nagawa mo kaya mas magandang manatili ka na lang rito."

Naikuyom ni Irene ang kanyang mga palad, "sa oras na---"

Hindi siya pinatapos ni Kairos, "sa oras na makalabas ka rito baka mapatay ka na ni master Lucian, tandaan mo 'yan." Naging madilim ang aura ng binata at sumulyap naman kay Santino na hindi pa nakakalapit kay Kairos para makabalik. "Hoy! Ikaw bakit hindi ka pa lumalapit rito?"

"Bakit hindi kasama si Amber?" Tanong ni Santino.

Sumulyap naman si Kairos kay Amber na nasa likuran ni Santino, "ah siya ba, hindi siya makakalabas ditto hangga't hindi pa niya nababago ang desisyon niya."

"Hindi ako sasama, sasama lang ako kong sakaling makakalabas na siya."

Napangisi naman si Kairos, "edi 'wag kang sumama, hindi kita pinipilit ang dami ninyong arte alam ba ninyo 'yon."

"Teka lang!" Napasulyap naman sila kay Amber sa pagsigaw nito.

Humarap si Amber kay Santino, "sige na sumama ka na sa kanya, alam ko rin namang papalabasin nila ako rito, kaya 'wag ka nang mag-alala sa 'kin."

Mababakas sa mukha ng binata ang pag-aalala at pag-aalinlangan sa kagustuhan ng dalaga.

"Pero..."

"Ayos lang ako rito, 'wag ka nang mag-alala sa 'kin na para pa ring pinagsisilbihan mo ko, pakingan mo na lang ako bilang kaibigan, sumama ka na at susunod ako." Ngumiti si Amber sa binata, "sige na."

"Sigurado ka ba dyan?" Nakakunot ang noo ng binata.

Tumango si Amber at ngumiti para ipakitang ayos lang sa kanya na maiwan siya."

"Ano ba ang daming arte!" Pagpaparinig ni Kairos.

"Bwisit talaga ang isang 'yon." Pabulong na reklamo ni Santino.

Natawa naman si Amber, "sige na."

Tumango si Santino, "salamat binibini, hihintayin kita sa labas."

Tumango-tango rin si Amber. Sinundan lang niya ang paglayo ng binata sa kanya at paglapit sa grupo nila Kairos.

"Ang daming arte sasama rin pala," isa pang pagpaparinig ni Kairos.

Nanatiling masama ang mga tingin ni Santino kay Kairos ngunit wala naman itong pakialam. Naglakad sila sa madilim na parte ng lugar at mabilis ding nawala na para bang nilamon ng kadiliman ang grupo.

Naramdaman ni Amber na may lumapit sa kanya kaya atomatiko siyang napasulyap kay Irene na kakalapit lang sa kanya. Nagtataka man hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa kagandahan nito kahit na puno ng itim na guhit na parang tattoo ang magkabilang braso nito at pati rin ang pakpak nitong kasing tulad ng pakpak ng mga paru-paro.

"Anong kailangan mo?"

"Alam ko kong ano ang hangarin mo."

Naitaas ni Amber ang isang kilay sa sinabi ng dalaga, "anong hangarin?"

"Gusto mong makabalik sa mundong ibabaw diba."

Naikunot ni Amber ang noo niya at naningkit ang mga mata niya.

"Pa...paano mo nalaman? Nakikinig ka ba sa usapan namin kanina?"

Wala siyang makitang emosyon sa mukha ng dalaga kong di kalmado lang ito. Naglakad sandali at nahiya dahil tinitignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Sabihin nating ako ang tenga at mata ng mga kaluluwang nandito sa Halon at nakakaramdam kong ano nga ba ang sinisigaw ng damdamin nila. Ikaw, masyadong malakas ang hangarin mo na makabalik sa mundong ibabaw. Kaya kitang tulungan..."

Nabigla si Amber at hindi agad nakaimik.

"... kaya kitang tulungan na makalabas rito dahil ilang beses ko nang nagawa 'yon."

"Paano naman ako nakakasigurong kaya mo kong tulungan?"

Mas lalong naramdaman ni Amber ang pagkagusto niyang makabalik at masyado siyang kumbinsido sa dalaga na ngayon pa lamang niya nakakausap.

Bahagyang natawa at napangisi si Irene, "masyado atang mababa ang tingin sa 'kin ng mortal na katulad mo. Nararamdamn kong hindi ka taga-Erebus galing ka sa mundo ng mga tao at may espesyal sa 'yo kaya ka nakapasok ditto."

Biglang naalala ni Amber na gano'n na gano'n din ang sinabi sa kanya ni nanang nong nabubuhay pa siya na may espesyal sa pagkatao niya kaya siya nakatawid sa Erebus.

"Bunga ka ng isang pagkakamaling pagmamahalan."

Mas lalo niyang kinagulat 'yon at hindi mawari kong tungkol pa sa kanila 'yon ni Aero.

"Isang nakaraan na nauulit na naman sa pagkatao mo."

Hindi na niya naintindihan ang mga sinasabi ng dalaga ngunit alam niyang may ibig sabihin ito. Naglakad si Irene at pumesto sa kanyang likuran. Nagulat at nagtaasan ang balahibo sa batok niya nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Ramdam niya ang malamig na mga kamay nito sa kanyang balikat.

"Pag-ibig ang nagiging sanhi sa isang nilalang kong bakit siya nagiging masaya, malungkot, nagiging makabuluhan sa kanya ang lahat ng bagay ngunit nagiging makasarili, nagiging inutil at pag-ibig din ang dahilan kong bakit binubuwis niya ang kanyang buhay..."

Napalunok si Amber naalala muli ang sinaryong sinaksak siya ni Aero at napapikit para bang kahit wala na ang espada sa kanyang dibdib nararamdaman pa rin niya ang sakit.

"... dahilan kong bakit nagiging sakim."

Huminga ng malalim si Amber at idinilat ang mga mata, Parang mahika ang mga salita ni Irene na tumatagos sa kanyang puso. Lumayo siya sa pagkakahawak sa kanya ng dalaga at muling humarap ditto.

"Kong tutulungan mo ko, ano ang plano?"

Ngumiti si Irene, "dapat mo rin akong tulungan bilang kapalit sa pagtulong ko sa 'yo kaya ito ang plano natin..."

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon