Chapter 41

2.6K 100 11
                                    

Chapter 41

Isang linggo na ang nakakalipas na maging miserable lalo ang buhay ni Amber sa kamay ni Edward ngunit hindi s'ya nito napilit na matulog sa iisang kama. Nag-umpisa rin ang trabaho nito bilang hari at inasikaso rin ang suliranin sa labas. Nababawasan na rin ang bilang ng nagkakaroon ng sakit at tinatapos nan g maayos ang patubigan sa bundok.

Nasa hapag sila nong umagang 'yon nang mapag-usapan ang isang bagay na iniiwasan ni Amber.

"Mahal na reyna, bakit hindi ka pa rin natutulog sa iisang silid kasama ang mahal na hari?"

Napasulyap s'ya sa direksyon ng inang reyna at natigilan lalo na sa makahulugang ngiti nito sa kanya. Natahimik ang buong hapag at hindi s'ya makapagsalita lalo na't lahat ng naroon ay nakatuon sa kanya, hinihintay ang magiging sagot n'ya.

"Hindi ba dapat nag-uumpisa na kayong magkaroon ng isang anak," dagdag pa ng inang reyna.

Napakuyom ang kamao ni Amber sa ilalim ng lamesa na nakapatong sa balda ng bistida n'ya, nagtitimpi at pinipigilan ang emosyon na maari n'yang ilabas. Napasulyap s'ya kay Edward na walang emosyon habang nakatingin sa kanya, hinayaan s'ya na dipensahan ang sarili at hinihintay din ang sasabihin n'ya.

"Bakit masyado kayong nagmamadali na magkaroon ng apo o susunod na tagapagmana? Bakit nong si Aero pa ang nabubuhay hindi ninyo hiningi sa kanya 'yan?"

Mas lalong natahimik ang lahat at biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng inang reyna nang bagitin n'ya ang pangalan ni Aero.

Pilit na ngumiti si Amber sa lahat, "darating po tayo dyan at wag po nating madaliin ang mga bagay. Busog na po ako at kong maari maiwan ko na po kayo."

Tumayo na si Amber, ang pag-usog ng upuan n'ya ang maririnig sa buong silid, napatayo rin si Edward sa kanyang ginawa, animoy tensyonado ang sitwasyon at nakatitig ng masama sa kanya.

"Bumalik ka rito, mahal na reyna at hindi pa tapos ang lahat sa kanilang agahan. Humihingi ako ng kaunting paggalang at respesto para sa lahat sa naging asal mo."

Naningkit ang mata n'ya at napakunot noo.

"Bakit mahal na hari, binigyan din ba ninyo ako ng respeto at paggalang?"

Napasinghap ang inang reyna sa pagsagot ni Amber, napatakip naman si Claire sa gulat at gulat na gulat din ang amang hari sa inasal ng dalaga. Hindi sila makapaniwala na gagawin 'yon ni Amber ngunit wala nang pakialam si Amber kong anong iisipin ng mga naroon dahil sa mga kinikilos n'ya.

"Amber!" Bahagyang s'yang nagulat at napasulyap kay Edward sa pagsaway sa kanya.

Tumalikod na s'ya at naglakad palabas ng silid. Nakasalubong n'ya si Santino na naghihintay sa labas at alam n'yang narinig ng binatang kawal ang lahat ng pag-uusap sa loob. Nawala ang tapang at galit napalitan ito ng lungkot.

"Naiintindihan ko mahal na reyna," bulong nito.

"Pwede ba tayong umalis o lumabas man lang?"

Tumango naman si Santino, "maari nang lumabas at hindi na mahigpit sa bayan. Pwede sigurong mamasyal doon ngayon ngunit kailangan po nating mag-doble ingat."

Napangiti naman si Amber at napatango sa binata, "sige."

Wala na silang sinayang na oras, sinama rin nila si Sebastina at ilang kawal sa kanila ngunit hindi nila kailangan magpahalata na galing sila sa palasyo. May nagbabadyang pagsugod ng mga bandido sa Atohollo at may ilang bagong kasapi dahil sa nangyaring suliranin sa bayan. Sinisisi ng ilang mamamayan ang mabagal na kilos ng kaharian at ng hari ng Atohollo.

Bumalik sa dating sigla ang bayan, marami na ring mamimili, mga batang naglalaro sa paligid at mga negosyong bumalik sa pagbubukas para sa kanilang hanap-buhay. Ngunit may ilang tolda pa rin at mga pasyente na nilipat na bahagyang malayo sa bayan para hindi na makahawa pa sa ilan.

Nakasuot ng maroon na balabal si Amber para matakpan ang kanyang marangyang kasuotan ang mukha kahit naman walang masyadong nakakilala sa kanya ang damit ay palatandaan na isa s'yang maharlika na taga-palasyo. Palinga-linga naman ang kambal na kawal para bantayan s'ya at ang ilang kawal naman ay nasa paligid nagbabantay.

Lumayo si Amber sa dalawang kawal at hinayaan naman s'ya para lumipat sa ilang mga bata para panoorin. Nagulat si Amber nang madapa ang isang batang lalaki habang buhat ang mga dala nitong prutas na nalaglag sa lalagyan nang may makabungo sa kanya. Agad itong nilapitan ni Amber, yumuko s'ya para tulungan ang bata sa pagkakatayo at binalik ang mga prutas na mansanas sa supot ngunit natigilan s'ya nang mapansing bulok halos lahat ang 'yon.

Napasulyap s'ya sa batang paslit na nakatingin sa kanyang mukha at manghang-mangha hindi rin n'ya namalayan na natanggal na pala ang takip sa ulo n'yang balabal.

"Pasensya na po ate," at bahagyang nahiya ang batang lalaki.

"Hindi, pero bakit mga bulok naman 'to, saan mo naman 'to nakuha?"

"Pinulot ko lang po 'yan ate sa tambakan."

Napangiwi si Amber, "wag mo na 'yan bilhan kitang mas masarap at ligtas dyan."

Nanlaki at natuwa ang batang lalaki sa kanya, "talaga po, pero nakakahiya naman po sa inyo, ganda pa naman ninyo," sabay yuko ng bata at natawa si Amber sa sinabi nito.

"Sige dahil sinabihan mo ko ng maganda ibibili kita."

"Yehey, mas mabait at mas maganda ka pa po kay ate Minerva."

Hindi pinansin ni Amber ang sinasabi ng bata nang hawakan n'ya sa kamay ito at hilahin sa pinakamalapit na bilihan ng prutas.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong n'ya sa bata.

"Yohan po."

"Sige Yohan pili ka na ng gusto mo, ako nang bahala sa 'yo."

"Talaga," nagtatalon sa tuwa ang batang lalaki bago s'ya nagturo ng nagturo sa tindahan ng anong prutas na makita n'ya. Tuwang-tuwa naman si Amber kaya kong ano ang ituro nito ay binili n'ya dahil may dala rin s'yang salapi ang akala n'ya hindi ito magagastos ngayong araw. Nang makapagbayad s'ya at iabot sa bata ang supot ng mga sariwang prutas.

Nabigla s'ya nang may bumungo sa balikat n'ya, napaatras s'ya sa gulat at napasulyap kong sino 'yon. Ngunit para bang bumagal ang paligid n'ya nang masilayan ang mukha ng binatang nakabunggo sa kanya, nakatitigan sila, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso n'ya at napaawang ang labi sa gulat.

Hindi n'ya alam kong namamalik-mata ba s'ya dahil sa dala ng pangungulila sa binata pero sobrang lapit nito sa kanya na parang pwede n'yang makalimutang namatay ito nitong nakaraang linggo.

May humatak sa kamay n'ya kaya nawala ang pagkakatitig sa binata, "mahal na reyna, saan ka nang galing?" Tanong ni Santino na nag-aalala sa kanya. Inayos ng binatang kawal ang balabal sa ulo n'ya

Nanlalaki pa rin ang mata n'ya at hindi makapaniwala, "teka," sabay sulyap s'ya sa kumpulan ng tao. Nawala ang batang si Yohan at ang binatang nakabunggo sa kanya, "parang nakita ko si..."

Hindi na n'ya natuloy pa ang sasabihin nang magsalita si Santino, "kailangan na po nating bumalik sa palasyo."

***

Hawak-hawak ni Brennon ang batang si Yohan at pinagmamasdan ang dala nitong mga prutas. Gumilid sila at nagtago sa gilid ng eskinita, "sabi ng ate mo na wag kang lalayo sa amin," saway ni Brennon.

"Nakita mo ba 'yong magandang babae kanila, ang bait n'ya sobra."

Natigilan si Brennon nang maalala n'ya 'yong babaeng aksidente n'yang nabunggo kanina, tandang-tanda pa n'ya ang mukha nun at natitigan pa n'ya. Napakunot-noo at inaalala kong saan nga ba n'ya nakita ang dalagang nakabunggo.

"Oo, maganda nga s'ya." Bulong ni Brennon sa kanyang sarili. 

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon