Chapter 55

2.4K 106 3
                                    

Chapter 55

Naglakad ang inang reyna hanggang sa makalapit s'ya sa pintuan ng durungawan nong mabuksan n'ya 'yon at lumabas. Naramdaman n'ya ang malamig na simoy ng hangin nong gabing 'yon. Kinumpas ang kanang kamay sa hangin paturo sa direksyon ng punong malapit sa silid nila ng mag-asawa. Isa-isa na lamang nagsitangalan ang mga dahon do'n at lumipat sa eri na parang ibon. Hanggang sa dahan-dahan itong naging itim na uwak, paturo n'yang kinumpas ang kamay sa direksyon sa silangan at mabilis na sumunod ang mga ibon do'n.

"Hanapin ninyo ang anak ko at ibalik sa 'kin ng ligtas. Patayin kong sino man ang sasagabal sa misyon ninyo." Bulong n'ya sa hangin.

***

Nanatiling nakatulala si Edward sa loob ng silda, nag-iisip ng mga bagay-bagay at kong paano ba n'ya isiwalat kay Amber ang nalalaman n'ya tungkol sa tunay na pagkawala ni Aero. Bakit ba n'ya tinago ang sirekto ng ina? Dahil natatakot s'ya na baka saktan ang dalaga at gusto lang naman n'ya ang kaligtasan nito. Wala naman s'yang intensyon na saktan ngunit s'ya ang lumalabas na masama sa mata ng lahat at lalo na sa mata ni Amber.

Napasulyap s'ya ng makita si Amber kasama si Santino na papauwi na sa kanilang silda na nagsilbing bahay din nito. Napatayo s'ya at lumapit para makita ng maayos ang dalaga.

"Binibini," tawag n'ya kay Amber ngunit hindi s'ya nito pinansin. Napasulyap naman sa kanya ang binatang kawal, "binibini kailangan kitang makausap."

Saktong huminto ito sa tapat n'ya kong na saan s'ya, walang emosyong humarap sa kanya pati rin ang binatang kawal at tinaasan s'ya ng kilay.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyong tanong ng dalaga.

Napabuntong-hininga s'ya, nasasaktan s'ya sa ganitong pakikitungo ng dalaga sa kanya at nagtataka rin sa kanyang sarili kong bakit pinili n'yang maging tahimik. Kong nagpakatotoo at sinabi n'ya ang lahat ng nalalaman n'ya magiging ganito pa ba sila ni Amber?

Sumulyap si Edward kay Santino, "pwede bang maiwan mo muna kami?"

"At bakit kailangan n'yang umalis?"

Napasulyap s'yang muli kay Amber, "sige na at mahalaga ang bagay na 'to."

Nagkatitigan si Santino at Amber, "binibini mauna na ako at hintayin na lang kita. Sigawan mo lang ako andyan lang naman ako sa tabi eh." Huminga ng malalim si Santino bago s'ya tuluyang umalis para iwan ang dalawa.

"Sabihin mo na ang sasabihin mo kamahalan," sarkastiking wika ng dalaga.

Huminga ng malalim si Edward, "tungkol 'to kay..."

Hinihintay ni Amber ang sasabihin n'ya.

"...Kay Aero."

Namilog ang mga mata ni Amber, "anong ibig mong sabihin?" Kahit din ang dalaga'y biglang kinabahan sa kanyang narinig mula kay Edward.

"Maaring buhay pa si Aero."

"A-anong ibig mong sabihin?" Lalong lumakas ang kabog ang puso ni Amber sa narinig n'ya. Hinihintay n'ya ang susunod na sasabihin ng binata o kong sakaling nagbibiro ba ito ngunit walang mababakas na nagbibiro ang binata sa kanyang mukha. Dahan-dahan s'yang lumapit at napahawak sa rehas, "anong ibig mong sabihin kamahalan?"

Lalo lang nadagdagan ang gulo sa isip ng dalaga.

"Posibleng si Aero at Brennon ay iisa."

Napasinghap s'ya sa sunod na narinig.

"Paano nangyari 'yon?" Dahan-dahan tumulo ang luha ni Amber sa gulo ng nararamdaman n'ya, "pero diba parehas nating nakitang patay na s'ya, kaya paano mo nasabing buhay at iisa lang sila?"

"May kinalaman ang inang reyna sa pagkawala n'ya."

Natigilan si Amber at hindi makapaniwala.

"Patawad..." Nanlulumong napayuko si Edward sa harapan ng dalaga.

Napahawak ang dalaga sa kanyang dibdib sa bigat ng nararamdaman n'ya dahil sa buong akala n'ya patay na si Aero. Napaatras s'ya at agad na tumakbo paalis.

Ramdam pa rin ni Edward ang lungkot sinabi na n'ya ang katotohanang nalalaman n'ya ngunit hindi pa rin s'ya ang pinili ng dalaga. Natigilan s'ya sa kanyang pag-iisip ng mapansin n'yang may nakatitig sa kanya at atomatikong napasulyap sa mataas na parte. Nanlaki ang mga mata ng makita ang namumulang mga mata ng uwak at nakapatong sila sa puno. Nakatitig sa kanya, kinilabutan s'ya at napaatras sa loob ng silda.

Ngunit bigla na lang isa-isang nagsiliparan ang mga uwak at pilit na pinapasok ang katawan sa mga uwang ng rehas.

***

Patakbo s'yang pumunta sa kubo kong na saan namamalagi sila Minerva. Madilim dahil sa gabi ngunit mas lalong nanlabo ang mga mata n'ya dahil sa mga luhang nasa mata. Buong akala n'ya hindi na n'ya makikita pa ang binata bago s'ya makabalik sa tunay n'yang mundo. Wala na ang ilang tribo at nagpapahinga na sa kanilang kubo. May ilang nasa labas mga lalaking katribo nila na nagbabantay sa village.

Hindi pa s'ya nakakalapit ng makita n'ya ang matandang babaeng palaging may hawak na tungkod at apo nitong si Minerva. Napasulyap sa kanyang paglapit at animoy nahinto sa pag-uusap sa isang bagay.

"Anong ginagawa mo rito?" Walang emosyong tanong ni Minerva sa kanya.

"Ibalik ninyo si Aero."

Naningkit ang mata ni Minerva, "sinong Aero?"

Ngunit wala namang emosyong ang matandang babae.

"Alam ko na ang sikreto ninyo, si Brennon 'yong sinasabi ninyong ka-tribo ninyo ay si Aero na isang ng Atohollo."

Nanlaki ang mata ni Minerva na wala pa rin alam sa nangyayari ngunit biglang sumagi sa alaala ng dalaga kong ano ba talagang ang katotohanan kong paano n'ya nakita ang binatang pinangalanan nilang si Brennon.

"Hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag o kong paano napunta si Aero rito pero alam ko s'ya ang hari ibalik ninyo sa amin."

"Ano bang pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba, hindi namin alam 'yan!" Biglang nagtaas ng boses si Minerva, tumayo at susugurin sana si Amber ngunit pinigilan s'ya ng kanyang lola na s'yang kinagulat n'ya. Napasulyap s'ya sa lola n'ya, "nanang?"

"Wala tayong karapatan na isikreto sa kanya kong ano nga ba totoo, Minerva." Wika ng garalgal na boses ng kanyang nanang.

"Pero paano ang plano?"

"Wala na tayong pakialam sa plano lalo na kong hindi talaga para sa 'yo ang bagay na 'yon."

Gumuhit sa mukha ni Minerva ang sakit ng marinig n'ya ang sinabi ng kanyang lola at hindi nakapagsalita. Naikuyom n'ya ang mga palad at nagpipigil ng inis. Dahan-dahan itong napasulyap kay Amber.

Hindi naman maintindihan ni Amber ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit isa lang ang gusto n'yang mangyari ang maibalik si Aero sa palasyo nito.

"Dapat malaman n'yang hindi talaga s'ya si Brennon at alam naman natin na may nakatakdang nilalang na magpapaalala sa kanya ng lahat," wika ng matandang babae.

Sumagi sa alaala ni Minerva ang lahat at ang unang araw ng binata sa kanilang tribo. Napasulyap s'ya sa likuran ni Amber at ngayon lang napansin na nakatayo na pala ro'n ang binata.

Napansin ni Amber na lagpas ang tingin ni Minerva sa kanya sa likod, kaya sinundan n'ya 'yon at laking gulat n'ya ng makita ang walang ekspresyon na mukha ng binata na nakatingin sa kanila.

Ngunit nabawi rin ang atensyon nila ng magsalita ang matandang babae.

"Nandyan na sila," narinig n'yang wika ng matanda.

Nakarinig sila ng sigaw sa di kalayuan, nanlaki ang mata ni Amber ng marinig ang pamilyar na sigaw ni Santino at napasulyap sa direksyon kong saan nang gagaling ang boses. Biglang lumamig ang paligid at lumakas ang hangin. Napatingala si Amber sa madilim na kalangitan at nabigla sa mga uwak na lumilipad malapit sa mga puno.

Mas lalo s'yang nagulat ng makitang lumilipad ito papunta sa kanila na para bang susugurin ngunit bago pa man s'ya matamaan may humila sa kanyang kamay para malayo sa kapahamakan.

Si Aero.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon