Chapter 45

1.1K 42 23
                                    

Chapter 45

UNTING-UNTI nanumbalik ang lakas ni Aero sa tulong nila Minerva, tribo nito at kasama na rin si Sebastian na sabay na nagpapagaling. May nakabalot na puting tela sa nalapnos niyang balat dahil sa pangkukulam ni Helena. Nakaupo siya sa tapat ng lamesang kahoy habang nasa dulo naman si Minerva. May mga nakahandang almusal para sa kanila at halos dalawang araw din ang tinagal niya sa loob ng kubo bago siya makalabas. Dalawang araw din simula nung huli niyang makita si Amber.

"Ano nang balak mo? Pinamumunuan ng isang bruha ang palasyo at ang Atohollo," wika ng dalagang pinuno.

"Kailangan ko nang tulong ninyo, wala akong kawal na susunod sa 'kin para lumaban at kailangan kong makabalik sa lalo't madaling panahon bago pa man tuluyang masakop ang Atohollo," seryosong sambit ni Aero.

"Alam mo namang tutulong kami ngunit hindi ganu'n karami ang kawal na meron ako at hindi ko kayang ibuwis ang buhay nila sa isang makapangyarihan. Kailangan nating gumawa ng mas magandang plano dahil sa oras na masakop niya ang lahat alam kung madadamay din kami. Kailangan nating mapasok ang palasyo nang hindi nila nalalaman." Kinuha ni Minerva ang mapa ng buong Atohollo na galing sa kagubatan ng tribo niya at nilatag sa lamesang nasa harapan nila, tinuro niya isa-isa ang mga lagusan na pwede nilang dadaanan, "hindi tayo pwedeng magpakita o magparamdam sa kanila."

"Ngunit hindi ordinaryo ang makakalaban natin, kahit ang kapangyarihan niya'y nakapasok sa mismong lugar ninyo nang hindi natin nalalaman," wika ni Sebastian patungkol sa nangyari kay Aero.

"Lalakas ang tribo at sasang-ayon ang mga tala sa atin. Nakalinya ang mga tala para proteksyunan tayo. Pagkatapos ng pyesta sa tribo kung saan may basbas pa ng mga diwata, susugod tayo sa kanila," tumayo si Minerva, "sa ngayon, kailangan kong ipunin ang mga sandata at ihanda ang mga kawal ko," sabi nito saka nagpaalam na lalabas na ito.

Naiwan si Sebastian at Aero sa loob ng kubo.

"May nararamdaman po ba kayong kakaiba?" Tanong ni Sebastian sa kanyang amo dahil sa pagiging tahimik nito.

Segundo bago umimik si Aero sa tanong ni Sebastian, ngumiti ito ng tipid sa heneral, "wala naman, maayos na ako, maraming salamat at hindi mo ko iniwan."

"Makakaasa po kayo, mahal na hari."

"Ngunit hindi na ako isang hari, heneral."

"Para sa 'kin kayo pa rin ang hari ng Atohollo at mababawi mo po 'yon," determinadong wika ng heneral na binata.

Napangiti si Aero at gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano, "maraming salamat uli, kumain na tayo."

SOBRANG kaba ang nararamdaman ni Amber nang marinig niya mismo kay Minerva si Aero. Malaki naman ang pasasalamat niya ngunit dalawang araw na niyang hindi nasisilayan ang binata at ito ang araw na pwede nang makasalamuha ang mga ito sa kanila. Hindi niya alam kung paanong paraan niya kakausapin ang binata ngayong anumang oras maari na silang magkasalubong dahil hindi naman gaanong kalakihan ang lugar ng tribo.

"Hoy!"

Napamura sa gulat si Amber nang may bumulong sa kanya at napahawak pa siya sa dibdib niya. Hinarap niya kung sino 'yon ngunit si Minerva pala na parang wala sa kanya ang ginawa nito sa kanya.

"Baliw ka ba? Anong trip mo?" Inis na tanong ni Amber.

Nagkipit-balikat lamang ito at tumabi sa kanya sa ilalim ng puno.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Minerva sa kanya.

"Nagpapahangin," tipid niyang sagot.

"Tulungan mo si Aero na maglinis ng katawan niya, hindi naman magagawa yon ng heneral niya dahil parehas pa silang nagpapagaling," sabay sabi ni Minerva.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon