Chapter 14

6.3K 220 20
                                    

Chapter 14

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 14

Isang lingo ang nagdaan nang dumating araw na kailangan nilang bisitahin ang palasyo ng Dathelyn para sa kaarawan ni prinsesa Thalia.

Huminga s'ya ng malalim bago s'ya lumabas ng silid, hawak n'ya ang kapang maroon na kailangan n'yang suotin sa biyahe. Paglabas n'ya ng silid nagulat s'ya nang makita n'ya si Aero sa harapan n'ya, bahagyang nakabukas din ang pintuan ng silid sa likuran nito.

Ngayon lang n'ya nalaman na malapit lang pala ang silid n'ya sa silid ng binata. Nagtama ang mga mata nila, napakaeleganting tignan ng binata, hindi s'ya agad nakakilos sa kinatatayuan n'ya.

Parehas sila ng kulay sa kasuotan, s'ya ay nakasuot ng maroon na bistida habang may gintong desinyo sa itaas na bahagi, habang si Aero naman ay naka-maroon na tuxedo habang nakasuot ito ng puting pang ilalim na polo.

Parehas sila ng kulay sa kasuotan, s'ya ay nakasuot ng maroon na bistida habang may gintong desinyo sa itaas na bahagi, habang si Aero naman ay naka-maroon na tuxedo habang nakasuot ito ng puting pang ilalim na polo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso n'ya sa hindi malaman na dahilan.

'Gwapo s'ya walang duda,' sa isip-isip n'ya.

"Magandang tanghali po sa inyong dalawa, nakahanda na po ang sasakyan ninyong gagamitin papunta sa Dathelyn."

Napasulyap si Amber kay Santino na bumasag ng katahimikan nilang dalawa ng binata.

Sinundan n'ya nang tingin binata nang una itong naglakad at sumunod kay Santino, sumunod na rin s'ya, sinuot na n'ya ang kapang binigay sa kanya dahil nakakaramdam din s'ya ng lamig.

Pagdating n'ya sa baba, sumakay na rin sila Edward at Claire ngunit magkaibang karwahe ang sasakyan nilang dalawa nila ni Aero.

Nasa loob na si Aero nang sumakay s'ya, tahimik pa rin ang binata, sinara na ang pintuan, nanatiling nakatitig sa labas si Aero, habang si Amber naman ay nakaupo sa harapan ng binata, naiilang si Amber sa katahimikan nilang dalawa sa loob.

Pasimple n'yang sinulyapan ang binata, 'anong problema n'ya, bakit ang tahimik? Eh ano rin problema ko, bakit hindi ko s'ya makausap?' Tanong n'ya sa kanyang isip.

NAKATULOG SA buong biyahe si Amber dahil hindi rin n'ya magawang makausap ang binata, sa loob ng tatlong oras, halos sumakit ang puwetan n'ya at leeg dahil sa hindi magandang posisyon sa karwahe.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon