Chapter 32
HINDI pa rin makapaniwala si Amber na magising siyang katabi si Aero sa higaan na 'yon at parehas silang nasa ilalim ang mga hubad nilang katawan sa iisang kumot. Inaasahan niyang ipapatapon sa Surtar sa oras na lumabag siya sa kasunduan o kaya'y ibabalik siya sa Holon. Nang kinaumagahan na 'yon agad siyang nag-asikaso at ginising si Aero.
Nasa harap sila ng hapag-kainan at nasa likod ni Aero ang binatang heneral nitong si Sebastian na tahimik lang. "Kailangan ko nang bumalik sa Nurlin, sa malamang hinahanap na ako ni Kairos at ayokong mag-alala siya sa 'kin," wika ni Amber.
Nakatikom pa rin ang bibig ng binata at pinapakinggan ang sinasabi ng dalaga dahil nawalan ito ng interes nang marinig ang pangalan ni Kairos.
"Kailangan ko ring malaman kung ano nga bang nangyayari, siya lang ang magkakasagot," dagdag pa ng dalaga, hanggang ngayon hindi pa rin nagpaparamdam si Lucian sa kanya.
"Kailangan ba talaga?" Tanong ni Aero.
Napakunot-noo ang dalaga, "anong ibig mong sabihin?"
"Pwede tayong tulungan nila Minerva sa problema mo," sagot ni Aero.
"Pero si Kamatayan ang kalaban natin dito, Aero," pagdidiin ni Amber, "kaya kailangan kong bumalik sa Nurlin," inabot ni Amber ang kamay ng binata na nakapatong sa lamesa at hinawakan ito ng mahigpit.
Saka lang parang gumaan ang pakiramdam ng binata at saka ito humawak pabalik sa dalaga. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nito dahil hindi nila alam ang susunod mangyayari. Tumango na lamang ito at pinagbigyan ang dalaga.
"Mahal kita, lahat gagawin ko kahit pa si Kamatayan ang makakalaban ko," sabi ni Aero habang nakatitig sa mga mata ng dalagang si Amber.
PINOPROTEKSYUNAN ng kapangyarihan ni Minerva ang lugar kung na saan sila Aero at Amber kaya hindi sila madaling mahahanap o magagambala ng ilang malalakas na may kapangyarihan. Mismong Minerva ang gumawa ng paraan para para makabalik si Amber, Aero at Sebastian ng madalian sa palasyo sa Nurlin katulad din kung paano nito kinuha ang dalaga para dalhin sa binatang hari. Gumawa si Minerva ng portal na kokonekta Nurlin. Pumasok sila ro'n at dinala sila sa mismong silid ng dalaga sa palasyo.
Pagkalabas nila sa portal bumungad sa tatlo ang silid na ginagamit ng dalaga. Agad na napatayo si Kairos na nakaupo sa kama nito sa gulat at itinutok ang sandata sa kanila. Agad ding naglabas ng sandata si Sebastian at hinarang ang sarili niya sa dalawa habang nakatutok din ang espada nito sa direksyon ni Kairos.
Nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Amber si Aero habang magkatabi. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ng dalaga dahil sa kaba. Tinititigan niya si Kairos at napansing mas lalong namutla ito kesa nitong huli silang nagkita. Mas lalong lumubog ang mata na para bang may ilang gabi itong walang ayos na tulog.
"Anong ginagawa nila rito? Bakit mo sila kasama?" Inis na tanong ni Kairos sa dalaga habang hindi pa rin binababa ang sandata. "Hindi mo ba alam na hinahanap kita, tapos malalaman kung kasama mo yan."
"Hindi siya basta yan lang, hari siya kaya gumalang ka!" Saway ni Sebastian na handing ipaglaban ng patayan si Aero na kanyang hari at amo.
Ngumisi si Kairos na siyang nagpakilabot kay Amber dahil ngayon lang niyang nakitang ganito ang binata, "wala akong pakialam kung sino man ang kaharap ko o ano man ang katayuan ninyo. Pag ako ang kumilos, lahat kayo mauubos sa isang pitik ko lang," pagbabanta nito at pinagmamayabang na kaya niyang dalhin kung sino man ang haharang sa kanya sa mismong Holon kahit hindi pa nito oras.
Napalunok si Amber, "Kairos, hindi natin kailangan maglaban o magtalo. Nandito sila para tumulong."
"Pero may kasunduan kayo ni Lucian," inis na wika ni Kairos na animoy parang trinaydor.
"Alam kung mangyayari 'to, hayaan mo kong magpaliwanag, hanggang ngayon walang paramdam si Lucian," sambit ni Amber.
Nagtaka sandali si Kairos at napaisip, "kaya ba hindi rin siya nagpaparamdam sa 'kin, dahil nanghihina na ang Holon at nararamdaman ko 'yon."
Dahan-dahan niyang binaba ang sandata at napaupo muli sa kama. Binaba rin ni Sebastian ang sandata niya. Bumitaw si Amber sa pagkakahawak kahit na ayaw ni Aero. Tuluyan siyang nakalapit sa Amber kay Kairos at sumunod ang dalawang kasama nito sa kanya.
"Patawad sa bigla kong pagkawala, hindi ko sinasadya dahil yun din ang araw na nalaman ko kung sino ang hinahanap natin." Balita ni Amber kay Kairos na siyang kinasigla nito ng bahagya.
"Talaga?" Nakalimutan nito ang inis sa dalaga nang maalala niya ang mismong misyon nila, "pero hindi na tayo pwedeng magtagal sa palasyo, tinanggal na tayo sa mga palaro dahil ilang araw na tayong hindi sumasali sa bigla mong pagkawala."
"Ako ang bahala," wika ni Aero.
Sabay na napasulyap si Amber at Kairos sa kanya.
"Maari akong makatulong sa misyon ninyo," dagdag pa ni Aero.
Napataas ang isang kilay ni Kairos habang nakatingin sa kanya at para bang tinutotoong wala itong paki kung hari man ang kaharap niya, "alam mo ba ang nangyayari?"
"Oo." Mabilis na sagot ni Aero.
Unang pumasok sa isip ni Kairos na si Amber ang nakapag-ulat sa binatang hari at maari yun na mangyari.
"Malaki ang maitutulong nang matapos na ang misyon na 'to," mapanghamon na sabi ni Aero.
Huminga ng malalim si Kairos at binalik ang tingin kay Amber.
"Sino?" Tanong niya sa dalaga patungkol sa hinahanap nila.
Magsasalita pa sana si Amber nang isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig. Agad silang sunod-sunod na lumabas para malaman kung ano ang nangyayari. Pagbukas ng pintuan ni Kairos, nagulat sila sa nagkakagulo at pagtakbo ng ilan sa pasilyo. May gumuhong bahagi ng tore ng palasyo at bumagsak ito sa mismong malawak na hardin. Agad na nagtakbuhan ang ilang kamuntik nang malaglagan. May ilang hindi na nakahabol at may ilang bumagsak galing doon.
Isang malakas na pagsabog na naman ang nagpayanig sa buong lupa kung saan nakatayo ang palasyo. Agad na naglabasan ang mga tao ro'n para iligtas ang kanilang sarili. Agad din silang sumabay sa mga kumpulan roon sa hardin para mas ligtas sila. Sigawan at iyakan ang maririnig sa lugar na 'yon. Pabalik-balik din ang mga kawal para iligtas ang mga importanteng taong naroroon.
"Si haring Grant," bulalas ni Amber sa tabi nila Kairos.
"Anong sabi mo?" Tanong ni Kairos habang nakataas ang isang kilay.
"Kailangan natin mahanap si Grant, nasa kanya si Florence at siya ang pupuntiryahin ni Irene," mabilis na sagot ni Amber.
---
Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat.
P.S. Ngayon lang nakapag-update dahil busy sa work. See yah next update.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...