Chapter 41

835 35 18
                                    

Chapter 41

MAKALIPAS ng tatlong araw unti-unti na nga bumalik ang lahat sa dati, tinutulungan nila ang mga tao sa bayan na makauhan sa hirap sa pamimigay ng bagong kabuhayan at pagbaba ng buwis na pinapataw ngayon lalo na sa mga namatayan. Nakaupo si Aero sa harap ng study table niya at tahimik na nagpapahinga matapos ilista ang mga pamilya na kailangan maabutan ng tulong.

Kailangan pa niyang ipadala ang mga ito sa konseho na maglalabas ng pera sa mga tutulungan. Kailangan ding malaman kung magkano ang nagastos nila nitong nakaraang linggo at kung tama nga ba ang nilabas nilang pera sa mga gastusin. Huminga siya ng malalim dahil sa pagod at madalas na pumupunta sa pagpupulong si Helena dahil binigyan ng konseho ng kapangyarihan na magpalit sila ng gampanin sa palasyo kahit pa hari siya.

Isinandal niya ang ulo sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Sumagi sa kanyang alaala si Amber, iniisip niya kung kumusta na ang dalaga at yung huli silang nagkita sa mismong gabi ng kasal niya kay Helena. Pinagsisisihan niya ang lahat ng sinabi niya. Ginawa niya yon para lumayo sa kanya ang dalaga dahil may kasunduan sila ni Helena at nangako siya.

~*~

Nakatitig siya sa maamong mukha ni Amber na animoy nahihimbing lang kung titignan pero wala na itong hininga at tanging bangkay na lamang si Amber. Hindi rin makapaniwala si Aero sa nangyari. Sinisisi pa rin nito ang kanyang sarili at pagiging pabaya sa nangyari. Ito na rin ang huling araw na makikita niya si Amber. Hinilang niya sa tribo ni Minerva na ro'n ilibing ang dalaga. Nakasuot ng kulay puting bistida ang dalagang si Amber, isang espesyal na puting bistida para sa kanya.

Nasa loob silang dalawa sa silid na 'yon ni Aero nang pumasok si Helena. Na isa sa mga nakasaksi sa totoong nangyari sa Nurlin. Hindi siya kasama sa mga inalisan ng alaala sa pangyayari na 'yon dahil nangako siyang wala siyang pagsasabihan at nagtiwala sila sa dalaga.

"Nakikiramay ako sa nangyari," wika ni Helena sa likuran ni Aero.

"Salamat, Helena," sabi ni Aero pabalik na hindi pa rin nawawala ang namumugtong mga mata nito sa namayapang iniibig.

"Gusto ko lang pag-usapan natin ang kasal."

Napaharap agad si Aero sa inis at galit sa narinig niya kay Helena, "anong sabi?" Napakunot-noo ito at hindi makapaniwalang itatanong ito ng dalaga habang nagluluksa siya.

"Huwag ka munang magagalit," nag-aalalang wika ni Helena.

"Bakit hindi ako magagalit? Wala ka bang galang, kakamatay pa lang niya, nagluluksa ako---"

Hindi na pinatapos pa ni Helena si Aero, "kaya kitang tulungan na mabuhay siya basta matutuloy ang kasal."

Lalong nalito si Aero, "hindi kita maintindihan."

"Kaya kong buhayin si Amber, ibalik siya na parang walang nangyari--"

"Pero ang sabi ni Lucian..."

"Huwag kang maniniwala sa sasabihin niya dahil may paraan ako," singit uli ni Helena.

Sa madaling salita agad naniwala si Aero dahil sa kagustuhan niyang bumalik si Amber.

"Ngunit hindi mo siya pwedeng makasama, ako ang piliin mo, kapalit ng pagtulong ko ang maging asawa mo sa oras na ikasal o matuloy ang kasal natin at gawing reyna ng kaharian mo. Kailangan mo siyang kalimutan katulad nong mga panahon na nawala siya. Kailangan mong lumayo sa kanya." Nakatitig ang mga seryosong mga mata ni Helena kay Aero, "sabihin natin na ito na rin ang balik mong pagtulong sa lahat ng pagkukulang mo sa kanya, sa paraan na 'to matutulungan mo siya, hindi kita pipilitin, maari mo pang pag-isipan bago pa maagnas ang katawan ni Amber."

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon