Epilogue

3.4K 114 39
                                    

Epilogue

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Epilogue

Mula sa palasyo sa kanyang silid sa veranda hindi makahinga ng maayos si Viktoria, hindi na tuluyang nakabalik ang diwa niya dahil nasira ito ni nanang sa kagubatan at ang kanyang kapangyarihan na hiningi pa sa mga masasamang ninuno ay unti-unti ng nawawala. Wala na siyang maramdaman at napapailing habang pinagmamasdan ang dahang-dahan pag-abo ng kanyang mga kamay.

"H-hindi! Hindi!" Sigaw niya at hindi makapaniwala.

Napasandal siya sa pintuan at bumagsak paupo sa sahig. Unti-unting nagiging abo rin ang mga paa niya paakyat sa kanyang katawan. Nararamdaman niya na para bang pinupunit ang kanyang katawan sa pagiging abo nito.

"Magbabayad kayo! Babalik ako! Babalik ako! Magbabayad kayong lahat!" Pualit-ulit niyang sigaw.

Lahat ng sumailalim sa kanyang kapangyarihan ay parang natauhan at nagtataka kong ano nga ba ang nangyayari. Bigla na lang sumilay ang haring araw sa kalangitan at nawala na rin ang masamang panahon sa buong Atohollo.

"AHHHHHHHH!" Tuluyang umakyat na para bang sakit sa kanyang mukha at ulo hanggang sa tuluyang naging abo ang buo niyang katawan. Nagkalat ang abo niya sa veranda sabay ng malakas na ihip ng hangin at nilipad ito kong saan.

Tuluyang nagising ang mga kawal sa kagubatan at nahinto sa pakikipaglaban sa mga tribo. Nagulat kong ano ang kanilang ginagawa ro'n at bakit sila nakikipaglaban. Pati rin ang mga kalaban nila'y nagtaka sa bigla nilang pag-atras at nakakalitong kilos.

Ang mga tao sa palasyo lalo na ang konseho para bang nagising sa isang panaginip at akala mo natulog sila ng matagal.

"Anong nangyari?" Tanong nila sa kanilang mga sarili.

Biglang nagkagulo ang mga tao sa palasyo para hanapin ang amang hari at ang inang reyna ngunit wala na si Viktoria.

***

Hinahaplos ni Aero ang mukha ng dalaga habang yakap-yakap ito. Patuloy sa pagpatak ng luha ng binata sa mukha ni Amber. Bumibigat na ang mga talukap ni Amber ngunit pinipilit niyang magising dahil sa mga hagulgol ng binata. Naawa siya kay Aero na para bang gusto niyang yakapin pabalik at patahanin.

Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at inabot ang mukha nito.

Nanginginig ang mga kamay ni Aero na hinawakan ang kamay ni Amber na hawak ang mukha niya. Namumutla na si Ambet dahil sa dugong nauubos.

"W-wag kang pipikit gagawa tayo ng paraan para magamot ka huh, wag kang pipikit," dahan-dahan sumulyap si Aero kay nanang na may malungkot na eskpresyon na pinapanood lamang sila. Hindi pa nagsasalita si Aero ng umiling ito at lalo itong naiyak dahil alam na niya kong anong ibig sabihin nito.

"Pa...patawad ang bagal ko, Amber wag mo kong iwan, nagmamakaawa ako wag mo kong i..." hindi maituloy ni Aero ang kanyang sasabihin lalong yinakap ng mahigpit si Amber ng mahigpit sa kanyang bisig. Binaon ang mukha ni Amber sa kanyang dibdib.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon