Chapter 14

1.6K 52 10
                                    

Chapter 14

"Bakit ka nakipagkasundo sa katulad niya? Hindi mo siya kilalang lubos, bakit ka nagpauto?"

Natigilan si Amber, nanatiling nakatitig siya kay Edward na para bang hindi makapaniwala sa kanyang ginawa at para bang may illegal siyang plano. Sa mga titig ng binata pakiramdam niya nanliliit siya sa mga titig ng binata.

"Anong ibig mong sabihin tungkol kay Irene, Edward?"

Hindi siya sumasagot, saka siya sumulyap kay Santino na wala rin siyang alam sa nangyayari at mukhang wala rin ideya. Muling napasulyap si Amber kay Edward at nakita niyang tumayo na ito kaya sumunod din si Amber na mahigpit pa ring hawak ang binigay sa kanya ni Irene. Sumunod din si Santino sa kanila.

"Kong ano man 'yan pwede naman siguro pag-usapan natin ng maayos diba," pagpapakalma ni Santino sa dalawa.

"Sabihin mo Edward, anong ibig sabihin nito kay Irene? Kilala mo ba siya?"

Umiling si Edward sa kanya bago ito sumagot at seryoso itong nakatitig sa kanya, "hindi mo pa lubos na alam ang takbo ng mundo namin, marami kang hindi nalalaman mas magandang manatili ka na lang dito kesa ang bumalik sa mundong ibabaw na galing sa itim na kapangyarihan..." huminto ito at saka tumingin sa hawak niya, "kaya mong ipagpalit ang kaluluwa mo sa isang itim na mahika para lang makabalik sa kanya?"

Saka muling sumulyap sa kanya nang mapanghamon katulad ng mga tanong nito sa dalaga.

Mas lalong natigil si Amber, nasasaktan siya at nagagalit.

"Ikaw, gustong-gusto mong makabalik sa kanya kahit pa ibuwis mo ang buhay mo? Sa tingin mo 'yon din ba ang pipiliiin niya? May ginawa pa siyang plano para makabalik sa kanya?"

Parang sinampal ng katotohanan si Amber at para bang natanong din niya sa kanyang sarili ang tanong na 'yon. Hindi niya na isip ang mga 'yon dahil sa kagustuhan niyang makabalik at makita uli ang binatang si Aero. Nakatitig siya kay Edward pero parang unti-unting naglalaho sa kanyang paningin sa kanyang pagkakatulala.

"Hindi naman 'yan totoo," biglang komento ni Santino.

"Hindi tayo sigurado."

"Kaya hindi ka rin sigurado sa mga sinasabi mo," mapanghamon na wika ni Santino, "kahit kailan ganyan ka talaga mag-isip, hindi mo ba siya gustong maging masaya?"

Si Santino naman ang pinagpuntungan ni Edward, "hindi porket ganito ako mag-isip o ayaw ko ng plano niya eh masama na ako, iniisip ko lang ang kalagayan niya. Ayaw kong sabihin ito pero sa umpisa at nabubuhay pa lang ako lang ang may malasakit kay Amber hindi lang ninyo nakikita 'yon dahil mas tinitignan ninyo 'yong pag-uugali ko. Mas tinitignan ninyo kong saan ako nang galing, kahit kailan palaging kalaban at kaaway ang tingin ninyo sa 'kin. Diba gano'n naman diba."

Hindi agad nakaimik si Santino.

Agad na lumapit si Edward kay Amber at agad na inagaw ang hawak niya na siyang kinagulat ng dalaga.

"Anong gagawin mo?" Gulat na gulat na tanong ni Amber.

"Wala akong pakialam kong mahal mo siya o ano pa man 'yan pero hindi ko papayagan na ibenta mo ang sarili mo sa masama." Tumalikod na si Edward at agad na humabol si Amber.

Hinihila pabalik at pinipilit na kinukuha ang supot kay Edward.

Mangiyak-ngiyak na siya habang nagmamakaawa na ibalik 'yon sa kanya.

"Edward, akin na 'yan. Hayaan mo naman ako..." Hagulgol niyang wika.

"Sinabihan na kita, Amber." Hindi nagpapatinag si Edward.

Mas lalong natakot si Amber nang padiretso ito sa itim na tubig ng ilog. Palakas ng palakas ang kalabog ng puso niya sa kaba.

"Edward!"

Ngunit napatid siya dahil sa batong nakaharang at hindi nakita dahil nakatuon ang atensyon niya sa binata. Natumba siya at hindi man lang pinansin ni Edward. Bigla naman humakbang si Santino at agad na hinila pabalik si Edward. Bago pa man ito makaimik agad na sinapak ni Santino si Edward.

Agad na natumba si Edward dahil sa ginawa ni Santino at nabitawan ang hawak na supot. May ilang napapasulyap sa kanila dahil sa pagtatalo ngunit walang ideya kong ano ang pinag-aawayan nila at may ilan namang wala sa kanilang pakialam.

'Gusto ko lang naman bumalik,' bulong ni Amber sa kanyang isipan habang pinapanood na nagtatalo ang dalawang binata at nanatiling nakadapa sa lupa.

"Matagal na talaga akong nagtitimpi sa 'yo kahit prinsipe ka pa lang," saka bumaba si Santino at hinila ang kwelyo ng damit nito para mapatayo si Edward. Muli niyang inatake ng suntok si Edward at sa pangatlong pagkakataon hinarang na ni Edward ang susunod na suntok ni Santino.

Agad din siyang gumanti at sinipa sa sikmura si Santino. Napaatras at gumulong si Santino. Kahit hilong-hilo sa mga sapak ng binata ay agad na nakatayo si Edward at dinampot ang supot. Agad siyang naglakad at halos takbuhin na niya papalapit sa itim na ilog. Hindi pa ito nakakalapit nang ibato ni Edward ang hawak na supot sa ilog.

"Hindi," bulong ni Amber habang nanggigigil sa galit sa ginawa ni Edward. Gulong-gulo at halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.

Hingal na humarap si Edward sa kanya bago ito tuluyang naglakad palayo. Nanginginig na tumayo si Amber at naglakad papalapit sa ilog. Patuloy ang pagtulo ng luha at panghihinayang ang huling tyansa niya para makabalik.

Naglakad si Santino at lumapit sa kanya na hinihimas pa rin ang kanyang tyan.

"Paumahin, wala akong nagawa," bulong ni Santino habang nakatayo sa kanyang likuran.

Yumuko siya at lumalabo ang kanyang paningin dahil sa kanyang luha. Ngunit natigilan siya nang mapatitig sa nag-iisang itim na bilog sa lupa at katulad ng isang mga bilog na kristal na binigay sa kanya ni Irene.

"Wag ka nang umiyak, gagawa na lang tayo ng paraan kong gusto mo."

Agad niyang tinakpan ng palad niya ang bilog na itim bago ito patagong kinuha.

***

"Paano na lang kong may paraan pa pala para maibalik ang dati? Paano kong sabihin ko sa 'yo kamahalan na kaya kong gawin ang pinakahihiling mo na makasama ang pinakamamahal mong si Amber?"

Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang matanda sa kalungan na may alam sa itim na pangkukulam. Simula nang makabalik siya sa kanyang silid-aklatan para pag-aralan ang ilang batas at ilang trabaho para sa bayan. Hindi rin niya makalimutan ang sinaryong nahahawakan at nahahalikan niya na parang totoo ang dalagang si Amber.

"Tila malalim ata ang iniisip mo kamahalan," napasulyap siya nang makitang papasok si Sebastian at kakasara lang ng pintuan bago ito naglakad papalapit sa kanyang lamesa.

Hindi na niya na asikaso ang kanyang trabaho, nanatiling makalat ang lamesa niya ng mga papel at libro. Hindi siya tumugon sa sinabi ng binatang heneral.

"Tungkol ba ito sa itim na mangkukulam?"

Muli siyang sumulyap sa binata, "ginugulo niya ang isip ko." Saka niya kiniwento kong ano nga ba ang nangyari sa kulungan nang iwan siya ng mga kawal.

Nanatiling tahimik si Sebastian bago siya tuluyang nagsalita tungkol doon, "alam mong delikado ang pakikipag-usap sa kanila at pakikipagtulungan sa kahit na anong bagay. Ikaw ang nagpapatupad ng batas kamahalan, alam mong bawal ang ginagawa nilang paggamit ng itim na kapangyarihan."

"Alam ko," bulong ni Aero.

"Ang tanong mahal na hari, kaya mo bang isugal ang kaluluwa mo at habang buhay sa Surtar sa paghihirap kapalit na magkita muli si binibining Amber sa tulong ng itim na kapangyarihan, kaya mo ba?"

Napatitig siya kay Sebastian sa tanong na 'yon at ilang minutong natanong din ng paulit-ulit 'yon sa kanyang sarili bago siya tuluyang sumagot.

"Hindi ko alam."

---

Note: Ulitin ko lang, ang update ng kwentong ito'y MWF. Salamat.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon