Chapter 42

2.6K 96 20
                                    

Chapter 42

Tulala pa rin si Amber sa loob ng karawahe at inaalala ang kahawig na wangis ni Aero na nakabunggo sa kanya kanina sa bayan. Hindi s'ya makapaniwala, iniisip n'ya kong dala lamang 'yon ng lungkot o may pagkakahawig lang talaga ang binatang nakita n'ya kanina. Ayaw n'yang paniwalaang buhay pa si Aero dahil dinala ang bangkay sa palasyo na patay na at nilibing na nila. Huminga s'ya ng malalim at napailing, sumasakit lang ang ulo n'ya kakaisip.

Kalahating oras ang tinagal ng biyahe nang makarating na sila sa palasyo ngunit hindi n'ya inaasahan na sasalubungin sila ni Edward at ng mga kawal nito.

"Saang ka nang galing at bakit ka lumabas ng palasyo ng hindi ko alam?"

Muling bumalik ang bigat na nararamdaman ni Amber, ang pakiramdam na para s'yang ibong nakakulong sa hawla at pinabantayan ng kanyang amo na hindi makatakas. Hindi n'ya maipinta ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.

Hindi nagsalita si Amber at nilagpasan si Edward ngunit hindi pa s'ya nakakalayo nang hatakin s'ya ng binata pabalik. Nagulat s'ya at nasaktan sa biglang paghatak nito.

"Kinakausap pa kita, wag mo kong bastusin."

"Sino ka ba para galangin ko?"

Natigilan ang lahat na naroon at hindi makapaniwala si Edward sa kanyang narinig.

"Hindi na kita kilala," bulong ng binata.

Ngumisi ang dalaga, "sa 'kin mo pa talaga 'yan sinasabi, hindi na rin kita kilala simula nong..." Hindi naituloy ni Amber ang sasabihin n'ya dahil silang dalawa lang ng binata ang nagkakaintindihan.

Dahan-dahan lumuwag ang pagkakahawak ng binata at binitawan s'yang tuluyan.

May lungkot sa mga mata ng binata, "patawad binibining Amber ngunit kailangan mo ng tangalin sa posisyon mo sa kaharian bilang reyna."

Nagulat si Amber at hindi n'ya 'yon inaasahan ngunit ang mga kawal sa likod nito ay parang alam na ang ibig sabihin nun. Nagulat sila Santino at Sebastian sa naging anunsyog biglaan.

"Kailangan mo nang bumaba at ipasa ang korona kay binibining Claire. Mga dahilan hindi mo nagagampanan ng maayos ang pagiging reyna mo, ginagamit mo ang kapangyarihan para makaalis ng palasyo, higit sa lahat hindi naaya ang kilos mo at pananalita ng hindi maayos sa hari."

Hindi s'ya nalungkot o nagalit sa naging pasya ng binata bagkus natuwa pa s'ya dahil hindi na s'ya makukulong sa isang bagay na hindi n'ya gusto.

"Si binibining Claire ang bagong reyna at ibaba ka sa puwesto bilang isang kalunya ko."

Nanglaki ang mata ni Amber, "kabet?" Mas hindi s'ya makapaniwala sa bagay na 'yon.

***

Para bang nagbunyi at nakuha rin ni Claire ang matagal na n'yang inaasam-asam ang maging reyna. Hindi man n'ya nakuha ang posisyon na 'yon sa pamumuno ni Aero, nakuha naman n'ya ito sa kapatid nitong si Edward at napapangiti s'ya dahil sa wakas nasa kanya pa rin ang alas ng baraha.

Nasa labas s'ya kasama ang dalawang tagapagsilbi sa may hardin at nagpapahangin nang matanaw n'ya si Amber na naglalakad sa pasilyo tulala habang sinusundan nang dalawang kambal na kawal.

Kinawayan n'ya ang isang tagapagsilbi at lumapit naman sa kanya, "tawagin mo nga ang isang 'yon, 'yong si binibining Amber."

"Masusunod po," agad naman na tumakbo ang tagapagsilbi at pumunta sa direksyon nila Amber. Nang makaabot doon, natanaw n'yang kinakausap ng tagapagsilbi sila Amber, napasulyap ito sa direksyon n'ya kaya kumaway s'ya at ngumiti.

Pumayag si Amber sa paanyayang sinabi ng tagapagsilbi at naglalakad ito papalapit sa kanyang direksyon.

Ilang segundo lang nang makaabot ito sa harap n'ya, hindi n'ya maipinta ang mukha ng dalaga at nginisihan lang n'ya ito.

"Anong kailangan mo, binibining---"

Hindi n'ya pinatapos si Amber, "itatama lang kita, reyna na ako sa susunod na mga araw kaya itawag mo sa 'kin ang nararapat binibining Amber." Sabay tingin sa dalawang kawal na hindi man lang yumuyuko o ngumingiti sa kanya. Muli naman n'yang tinignan si Amber.

"Ano pong kailangan ninyo, kamahalan?" May pagkasarkastiko ang pananalita ng dalaga.

Naglakad s'ya papalapit sa dalaga, "dapat ayusin mo ang pag-uugali mo binibini, wala ka ng posisyon ditto."

Ginawaran n'ya ng malakas na sampal ang dalagang si Amber.

Napasinghap ang lahat sa gulat sa kanyang ginawa, napabaling at halos matumba ang dalaga sa kanyang ginawa. Nakahawak lang ang dalaga sa pisngi kong saan n'ya ito sinampal. 'Yon ang matagal na n'yang gustong gawin kay Amber simula pa noon.

Humarap si Amber sa kanya at nagtutubig ang mga mata nitong nanlilisik sa kanya.

"Ano bang problema mo?"

"Wala naman, gusto ko lang isampal ang katotohanan sa 'yo na wala kang kapangyarihang kaya wag mong panlisikan ng mga mata kong ayaw mong tusukin ko 'yang mga mata mo." Pagbabanta n'ya bago s'ya tumalikod at bumalik sa puwesto.

"Halika na," wika ni Santino at hinila na si Amber palayo roon sa kanya.

Sumagi sa kanyang isipan kong ano nga ba ang pag-uusap nila ni Edward kanina.

***

Aligaga sa pag-aaral si Edward sa mga batas at ilang suliranin na nangyayari sa Atohollo nang may kumatok. Napasulyap s'ya sa pintuan at binibatawan ang mga papel na hawak. Tumayo at umalis sa mahabang lamesa. Lumapit s'ya sa pintuan ngunit nagulat ang binata nang makita si binibining Claire ngumiti ito sa kanya. Napakunot-noo naman s'ya at naningkit ang mga mata.

"Anong kailangan mo?"

"Grabe ka naman, sa magiging asawa mo."

"Huh, ano?" Nagulat si Edward, "tama ba ang pagkakarinig ko?"

Napaatras s'ya sa nang biglang umabante si Claire at hawakan s'ya sa dibdib. Hinawi n'ya ang kamay nito at para bang hindi makapaniwala sa kilos ng binibinin.

"Ano bang ginagawa mo? May asawa ako."

Nagulat si Claire at natawa sa sinabi ni Edward, "totoo ba 'yan, tinuturing mong asawa ang babaeng inagaw mo sa kapatid mong namayapa."

Natigilan si Edward, umalis naman sa harap n'ya at bumalik sa pintuan para isara. Muling humarap si Claire sa kanya, "may ibibigay ako sa 'yong magandang plano, mahal na hari, sa oras na sabihin ko sa 'yo ang plano na 'to walang gagawin kong di palitan si binibining Amber at ako ang maging reyna para sa kaligtasan n'ya."

Naningkit lalo ang mata ni Edward, "diretsuhin mo nga ako."

"Alam ko ang sikreto ninyo ni Amber, hindi s'ya tagarito at wala s'yang karapatan na maging reyna dahil taga kabilang mundo s'ya."

Nanlaki ang mata ni Edward, "paano mo nalaman 'yon?"

"Nahuhuli ang isda sa sarili nilang bibig, kamahalan." Ngisi ni Claire. "Hindi ko alam kong bakit pa rin s'ya nanatili rito sa mundo natin, pero maaring lumabag ka na rin sa batas ng mundo natin."

Naalala ni Edward na baka may nakarinig sa kanila nong gabing 'yon.

"Alam kong may gusto ka sa binibinig, kong gusto mo s'yang maging ligtas, gawin mo ang pinag-uutos ko kamahalan at magiging sikreto ang lahat habang buhay." Makahulugang sabi ni Claire habang nakangisi kay Edward na litong-lito sa nangyayari.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon