Chapter 50

2.6K 115 25
                                    

Chapter 50

Nang masuot ni Edward ang baluti n'ya at maitali ito kinuha naman n'ya ang espadang nasa tabing gilid ng lamesa. Hindi magkamayaw ang mga kawal dahil aalis sila ng palasyo, nag-aasikaso ng mga sandata at ilang kagamitang gagamitin sa paglalakabay. Simula ng makoronahan si Claire bilang bagong hari at bigla namang pagsugod ng mga inaakala nilang bandido. Nong gabing din 'yon nalaman nilang nadukot si Amber at ang kawal na si Santino.

Tatlong gabi ng hindi makatulog ng maayos ang binata kakaisip kay Amber, kong na saan ito o kong nasa mabuti bang kalagayan? Hindi s'ya mapapanatag hangga't hindi n'ya naiuuwi ng maayos at buhay ang dalaga. Pinapangako sa sarili na kong sino man ang manakit sa dalaga ay s'yang makakaaway n'ya.

Kong ano man ang ipinakita n'ya sa dalaga para sa kanya ikakabuti 'yon ng dalaga, marami s'yang nalaman simula ng maging hari s'ya pero nanatili s'yang tahimik sa loob ng palasyo, nasasaktan din s'ya sa tuwing nakikita n'ya ang mga titig ng dalaga, hindi rin naman gustong gano'n ang maging tingin ni Amber sa kanya pero wala s'yang magagawa sa ngayon.

Palabas na s'ya sa silid n'ya ng makasalubong n'ya si Claire na nanlilisik na nakatitig sa kanya. Isa pa sa problema n'ya si Claire sa dalawang araw na pinagpaplanuhan ang pag-alis, si Claire lang ang hindi sang-ayon sa desisyon n'ya kasama ang inang reyna.

"Nahihibang ka na ba," wika ng dalaga.

Nilagpasan n'ya ang dalaga ngunit hinawakan s'ya nito kaya naparaharap s'ya at binawi ang brasong hawak ng dalaga. Hindi s'ya nagpakita ng kahit na anong emosyon sa harap nito.

"Reyna ako at kailangan mong igalang ang desisyon ko!" Sumbat ng dalaga.

"Reyna ka nga pero para kang wala kang kwentang palamuti sa loob ng palasyo at isang linta sa ilog na naghihintay ng bibiktimahing katawan para magkaroon ng pakinabang---"

Napatagilid ang ulo ni Edward dahil sa malakas na sampal na ginawad sa kanya ng dalaga. Gusto n'yang gumanti ngunit nagtitimpi pa rin s'ya dahil kailangan n'yang pakisamahan ang dalaga.

Nanggigigil ang dalaga dahil sa kanya.

Unti-unti s'yang napaharap sa dalaga.

"Nag-aalala ka pa rin sa kanya baka hindi mo alam na patay na s'ya."

"'Yan ang wag mong hihilingin mahal na reyna kong di ako ang makakalaban mo at sa oras na malaman kong may kasalanan kayo ng ama mo sa nangyayari sa palasyo ikaw ang una kong ipapapatay."

"Hindi ako natatakot sa 'yo! Pwede kitang pabagsakin ano mang oras na gusto ko!"

"Kapag bumagsak ako gagawa at gagawa ako ng paraan para mahila kita pababa." Napakuyom ang mga kamay ni Edward sa espada n'yang hawak, "subukan mo ako ngayon mahal na reyna."

Natigilan si Claire at napaawang ang labi n'ya sa mga sinabi ng binata. Tikom ang bibig ng walang mailabas na mga salita galing do'n at napalunok. Napakapit ang mga kamay n'ya sa magkabilang gilid ng espada.

Tinitigan muna ni Edward si Claire bago s'ya tumalikod at naglakad palayo sa dalaga.

***

Malakas ang lagaslas ng tubig mula sa talon malapit sa ilog, nakaismid si Santino habang naghuhugas ng plato kasama si Amber sa gilid ng ilog at nasa likod ni si Brennon nagbabantay sa ginagawa nila. Pagkatapos ng tanghalian saka lang sila nakakakain ng pagkain at pagkatapos naman nu'n ang paghuhugas ng plato. Isa na naman sa kanilang trabaho bilang parusa sa pagtakas at bilang alipin ng tribong 'yon.

"Napapagod na ako ah," bulong ni Santino.

Sandaling tumingin si Amber ngunit muling binalik ang tingin sa ginagawa, nakaramdam din s'ya ng pananakit ng likod n'ya dahil sa paghuhugas at kanina pa basa ang mga kamay n'ya.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon