Chapter 22
Dinala ang binatang walang malay sa mismong silid nito, sumunod ang ilang kawal at ang isang manggagamot na agad na pinatawag, ang bilis nang paghingi ng binata na animoy nahihirapan.
Naroon din sila Edward, si Claire at si Amber, lubos ang kanyang pag-aalala para sa binata, sa isang iglap ang masayang kasiyahan ay napalitan ng takot at kaba, suot-suot pa rin n'ya ang bistidang pang kasal.
Taimtim na pinagmasdan nang manggamot ang binata, bago n'ya pinagmasdan si Amber, nagtaka naman ang binata sa ginawa n'ya, bago s'ya lumapit sa mga kawal.
May sinabi ito bago sumamang lumabas ng silid.
"Anong gagawin nila?" Takot na tanong ni Amber, "bakit s'ya umalis?"
"Hindi ko alam." Ang sagot ni Edward.
Muling bumalik ang manggagamot sa silid kong saan ginanap ang selebrasyon ngayo'y wala nang katao-tao dahil pinauwi na ang mga bisita sa nangyari.
Gulong-gulong lumapit sa kanya ang hari, "anong nangyari sa anak ko, bakit s'ya nagkaga'nun, kumusta na s'ya?" Aligagang tanong nito.
Ni isa sa mga tanong ng hari'y wala s'yang sinagot, "na saan ang alak na ininom ng bagong hari?"
"Naroon," sagot ng inang reyna.
Lumapit ang manggagamot na babae sa lamesa kong saan na iwan ang mga handa at ang espesyal na boteng may lamang alak, binuksan n'ya ito at inamoy ngunit wala naman s'yang na amoy na kakaiba.
May hinala na s'ya kong anong nangyari sa bagong hari ngunit wala s'yang makitang nagtutugma sa hinala n'ya hanggang sa mapansin n'ya ang gintong basong ininuman ni Aero, nangingitim na ngayon ang likidong alak sa loob nito baho s'ya humarap sa amang-hari.
"Nalason ang hari," anunsyo n'ya na s'yang kinagulat ng lahat.
"Sino ang gagawa nito sa anak ko, sino!?" Nanggagalaiting sigaw ng hari, inalalayan naman s'ya ng inang reyna nag-aalala sa kanya.
"Magiging ayos din ang lahat," wika ng inang reyna.
"Wala ang lason sa alak kong di nasa basong ginamit n'ya, mapapansin ninyo nangingitim na ang pulang alak sa baso senyalis lang 'yon na may lason sa mismong baso n'ya, isang matinding lason." Paliwanag ng manggagamot.
"Hindi pa ga'nun kalala ang sitwasyon ngunit kong tuluyang kakalat ang lason sa sistema ng hari, maari s'yang mamamatay," dagdag pa n'ya.
"A-anong dapat nating gawin para maligtas ang anak ko?" Nangangatog na tanong ng amang-hari.
"Kailangan nating ng pinakuluang dahon ng yelin at bulaklak ng nestilin sa gayon maari s'yang mapagaling nito at malinis ang kanyang katawan laban sa lason," sagot ng babae.
"Magmadali kayo, dalhin ninyo sa kanya ang kailangan n'ya para sa anak ko!"
Agad na nagsikilos ang mga tagasunod, aligaga habang nagmamadali.
"Nasa loob ng palasyo ninyo ang gumawa nito sa bagong hari, nararamdaman kong presensya ng init at galit n'ya," dagdag ng manggagamot na kinagulat ng lahat.
"Halugbugin ang buong palasyo, ang bawat silid ay pasukin, wala kayong ititira kong may kakaiba kayong makita o hindi kanais-nais na kilos, hulihin ang gumawa nito sa anak ko!" Utos ng hari.
"Masusunod po!" Sabay-sabay na sagot ng mga kawal bago ito umalis sa harapan ng hari.
***
Nagulat si Claire sa kanyang narinig dahil nang umalis ang manggagamot agad s'yang sumunod nito para malaman ang balita, bago pa man may makahuli sa kanyang pakikinig agad s'yang dumiretso sa silid n'ya, nadatnan n'yang naroon ang ama, tila balisa at may malalim na iniisip.
Napasulyap ito sa kanyang pagdating, lumapit s'ya sa kanyang ama.
"'Yon ba ang plano mo? Wala sa usapan natin na sasaktan si Aero," hindi n'ya maiwasang hindi ilabas ang galit sa ama.
Napatayo ang ama sa gulat sa kanyang sinabi, "anong sinasabi mo?"
"Naririnig ko sa baba na nilagyan ng lason ang basong ginamit ng hari, isang maitim na takte para patayin ang isang nilalang alam natin 'yon diba, may plano tayo ama pero hindi kasali rito ang patayin s'ya."
"Wala pa akong planong sinasagawa anak, ano bang pinagsasabi mo? Kong nilason man s'ya, hindi ako gagawa ng ga'nung hakbang."
Nagulat si Claire sa kanyang nalaman, "pe-pero sino ang gagawa nu'n kay Aero, sino ang gustong manakit sa kanya?"
Napaisip si ginoong Thomas, hanggang sa maisip n'ya ang isang rason at kong sino ang pwede nitong gumawa nito sa binata, 'hindi kaya s'ya ang may gawa nu'n?' Sa isip-isip n'ya.
"Hi-hindi ko alam," pagsisinungaling n'ya sa anak.
***
Nanatiling nasa tabi ni Aero si Amber, hawak-hawak ng dalaga ang kamay ng binata.
Habang si Edward ay pinapanood ang dalaga kong pa'no 'to mag-alala sa kanyang kapatid, nakaramdam s'ya ng ingit nong una pa lang lalo na't kinasal na 'to, wala s'yang karapatan pero mas nangibabaw pa rin ang lungkot at kabang nangyari sa kapatid n'ya.
Bumukas ang pintuan at pumasok ro'n ang mga kawal, nagulat sila Edward at Amber.
Ngunit mas kinagulat sila nang biglang hablutin si Amber ng dalawang kawal para ilayo kay Aero.
"Teka anong gagawin ninyo sa'kin?"
Gulat na gulat at litong-lito ang dalaga.
"Kailangan ka pong sumailalim sa imbestigasyon habang nakakulong dahil sa salang paglason sa bagong hari." Sagot ng isang kawal.
"Ano!?"
Sabay na sigaw ni Edward at Amber sa pagkabigla.
"Hindi ninyo pwedeng gawin 'yan, sinong nag-utos sa inyo?" Galit na tanong ni Edward.
"Ang amang-hari ang nag-utos." Sagot ng kawal.
"Teka wala akong kinalaman dyan!" Pagpupumiglas ni Amber.
Litong-lito rin si Edward sa nangyayari.
"Pwede ninyo s'ya, wala kayong pruweba na s'ya ang may gawa nito!"
"Hindi po naming masusunod ang utos ninyo, nakita po ang isang maliit na botelyang nakatago sa silid n'ya."
Nanlumo si Amber at nanghina sa kanyang narinig, "pa'no---"
Hindi na n'ya nagawa pang matapos ang sasabihin nang kaladkarin na s'ya palabas ng silid na 'yon, pinagmasdan n'ya si Aero na wala pa ring malay.
Sinalubong naman sila ng manggagamot na aamoy n'ya ang likidong nasa loob ng isang mangko, mabango ang halimuyak, muli s'yang tinitigan ng babae bago ito tuluyang pumasok sa loob ng silid.
Nakasunod pala ro'n ang inang reyna, nagulat na lang s'ya nang ibato sa paanan n'ya ang maliit na botelya, nabasag ito sa sahig at tumalsik sa laylayan n'ya ang itim at malapot-lapot na likido sa laylayan ng puting bistida.
Naiiyak na s'ya sa kaba, bigla na lang s'ya nakatanggap ng malutong na sampal galing sa inang reyna kong di lang s'ya hawak ng dalawang kawal baka natumba s'ya, dahan-dahan n'yang hinarap ang reyna ngunit do'n tuluyang tumulo ang luha n'ya sa halo-halong emosyon.
"Bakit mo na gawa 'to sa anak ko?"
Hindi makasagot si Amber, nakatitig lang ang umiiyak n'yang mata sa inang nag-aalala sa anak, wala s'yang lakas ng loob, hindi n'ya maipagtanggol ang sarili.
"Bakit!?"
"Hi-hindi ko alam," nanginginig sagot.
"Ikulong ninyo s'ya at wag pakakainin." Utos ng inang reyna.
"Masusunod po."
Muli nagpatanggay si Amber sa mga kawal na may bitbit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...