Chapter 64
Bigla na lang umulan ng malakas sa mga oras na 'yon. Agad na sumugod si Amber na gamit ni Minerva ngunit agad na umilag si Aero. Natatakot siya nab aka masaktan niya ito ng hindi niya kagustuhan kaya hangga't kaya niya siya na mismo ang umiilag. Alam niyang hindi 'yon si Amber at kailangan niyang mabawi ang dalaga.
"Itigil mo na 'to!" Sigaw ni Aero hindi na siya masyadong makita ang kalaban dahil umuusok sa paligid at ang pagtama ng patak ng ulan sa kanyang mata kaya minsa'y napapapikit siya.
Bigla na lamang niyang naramdaman ang kamao ng dalaga sa kanyang tagiliran, napasinghal siya sa sakit at hindi inaasahan ang sobrang lakas nito. Agad na naman itong sumugod at umikot para masiko siya sa kanyang dibdib.
Napaupo at atras siya. Saka naman siya sinunod naman na tinuhod ang kanyang babae kaya hindi na siya nakapalag at bumagsak sa putikan. Hingal na hingal siyang tumingala nang makitang papalapit sa kanya si Amber. Tinapakan siya nito sa kanyang dibdib at napainda siya sa sakit dahil nasiko rin ito ng dalaga.
"Lumaban ka hangal," sarkastikong wika nito sa kanya.
"Ikaw ang lumaban ng patas hangal!"
Nagalit ang dalaga at kamuntik na naman siyang sugurin ng agad na nakailag si Aero. Hinila niya ang paa na kinabagsak din ng dalaga sa lupa at agad siyang pumaibabaw. Nagpupumiglas ito ng mahawakan niya ang dalawang kamay nito at nilagay sa taas ng ulo.
"Itigil mo na 'to Viktoria!"
Hindi sumagot ang dalaga ngunit sinipa siya nito sa likod ng ulo na siyang kinagulat niya at siya naman ang bumagsak sa lupa. Lumabas ang sandata ng dalaga at handa na siyang tarakin ngunit pinang harang niya ang espada rin niyang hawak.
"Hindi ako titigil hangga't hindi sumusuko ang isa sa inyo! Kayo ang may kasalanan kong bakit namatay ang anak ko!"
Naningkit ang mata ni Aero, "paano kami, diba ikaw ang pumatay sa sarili mong anak?"
Lalong nagalit si Viktoria at sinipa ang binata ngunit nakailag ito.
Umikot siya sa lupa ngunit na huli siya ni Viktoria. Tatayo na sana ang binata ngunit sinipa siya nito sa tuhod kaya siya napaluhod sa pitukan. Nagtalsikan pa ang ilang putik sa damit at mukha sa pagbagsak niya lupa.
Mabilis siyang nahawakan ng dalaga sa buhok, napasinghal siya sabunutan siya nito at mapatingala sa mukha ng dalaga. Kosang umangat ang kamay niyang hawak ang sandata niya na siyang kinagulat niya.
Hanggang sa huminto ito sa mismong tapat ng dibdib ng binata. Pinipigilan niyang hindi niya masaksak ang dalaga at nanginginig ang mga kamay niya sa sobrang takot.
Ngunit huminto ang malakas na enerhiyang humihila sa kanya ngunit nanatiling nakahinto ang kamay niya sa eri na para bang may nagpahinto sa kanya.
Napalunok siya habang nakatingin pa rin sa mga mata ng dalaga. Itim ang mga mata nito ngunit walang emosyon.
"Amber?"
Hindi umimik ang dalaga at hindi niya naririnig ang boses ni Viktoria mula sa dalaga.
"Naririnig mo ba ako?"
***
Bigla na lang lumilitaw si Aero at patuloy pa rin siya pag-ilag sa mga sugod ng binata. Gusto na niyang magpahinga at napapagod na siya sa pakikipaglaban. Hindi rin niya maintindihan kong bakit siya na ro'n at wala siyang naiintindihan sa mga nangyayari.
"Tama na! Ano ba!"
Nanlabo ang paningin ni Amber dahil sa mga sunod na pagpatak ng mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...