Chapter 2

11.6K 346 20
                                    

Chapter 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2

Naalimpungatan si Amber at nagising dahil sa init at halos sakop na rin ng kanyang kaibigan na si Catherine ang kanyang kama, pikit-mata n'yang inalis ang kamay ng kaibigan nakayakap sa kanya at dahan-dahan tumayo. Hila-hila ang kumot at lilipat sa kama ng kaibigan.

Tuluyan s'yang nagising nang mapansin n'yang sobrang lamig sa silid nila, do'n n'ya napagtantong bukas pala ang bintana, dahan-dahan s'yang lumapit do'n habang pinapalibot sa kanyang katawan ang kumot.

Sinilip n'ya ang labas ng dormitory nang mapansin n'ya ang lalaking nakadungaw sa mismong bintana ng silid nila, pinikit n'ya ang mata at dumilat, ngunit wala na ang lalaki sa puwesto nito.

"Namamalik-mata lang ata ako," bulong n'ya sa kanyang sarili.

Tuluyan na n'yang naisara ang bintana at humiga sa higaan ng kaibigan.

Kinumutan ang sarili at pinikit ang mga mata.

Nakatalikod s'ya sa puwesto ng kaibigan at nakaharap s'ya sa pader.

Napakunot-noo s'ya nang muli s'yang makaramdam ng lamig at humahawak sa kanyang braso.

Ngunit nanatili s'yang nakapikit, "Cath ano ba natutulog 'yong tao?" Reklamo n'ya.

Unti-unting bumaba ang kamay sa bewang n'ya na animoy hinaplos s'ya.

"Cath---"

Napabalikwas s'ya ng bangon at hinarap ang kaibigan, ngunit laking pagtataka n'ya nang makitang humihilik pa ang kaibigan sa kama n'ya.

Bigla bumilis ang pintig ng puso n'ya at kinabahan, nagtataka ano 'yong kamay na humahawak sa kanya samantalang tulog naman ang kaibigan.

Muli s'yang bumalik sa pagkakahiga, pinikit n'ya ang mga mata at muling dinilat, pakiramdam n'ya may nakatitig sa kanya.

GUSTO N'YANG sabihin sa kanyang kaibigan ngunit tikom pa rin ang kanyang bibig uko sa nangyari sa kanya kagabi, 'hindi kaya 'yon 'yong nangyayari kay Cath, kaya hindi n'ya masabi-sabi sa'kin, makikinig naman ako ah,' ngunit ayaw n'yang sirain ang gabi ng kaibigan.

Kahit papaano'y masigla ang barkada dahil siguro nakatulog ito ng maayos at s'ya naman ang puyat.

Nakasuot ng itim na dress ang kaibigan na abot hanggang tuhod, may mahabang sleeve abot hanggang siko, nakasuot ng silver close shoes, naka-braid ang buhok nitong kulot at simple lang ang make-up.

Nakasuot ng itim na dress ang kaibigan na abot hanggang tuhod, may mahabang sleeve abot hanggang siko, nakasuot ng silver close shoes, naka-braid ang buhok nitong kulot at simple lang ang make-up

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon