Chapter 8
Napakaraming bisitang dumalo sa kasiyahan na gawa ng reyna para kay prinsipe Aero, mga prominenteng dalaga na nang galing sa mga maharlikang pamilya, lahat sila'y bihis na bihis at kanya-kanyang pagsuot ng magagarang kasuotan.
Lahat ng bisitang na ro'n ay may mga nakalaan na isang tagasilbi bilang alalay, nilagay si Amber sa isang prinsesang nagngangalang Thalia, isa sa mga prinsesa ng Dathelyn, may kapayatan ang pangangatawan nito na mas bata pa ang edad kay Amber, porselanang balat, maninipis na labi, maliit ngunit matangos na ilong, may kalungkutan sa asul na mata nito, kulay pula at kulutang buhok na abot hanggang dibdib ang haba, nakasuot ito ng bistidang kulay rosas, may hanggang siko ang haba sa unahan ng sleeve at mahaba sa likuran, bahagyang kita ang dibdib nito at natatago ang leeg.
Parehong nasa munting banga si Amber at si Thalia, si Amber ang nagsasagwan habang nakatayo sa ilog na meron sa palasyo malapit sa hardin, may iilan ding napiling do'n magpahinga sa ilog sa mismong banga dahil sa mahabang biyahe para lang makarating sa kasiyahan.
May paying ang bangga at maliit na lamesa sa gitna, nakaupo ang prinsesa at sa dulo habang hawak-hawak sa dulo ng tasa na iniinom na tsaa.
Kanina pa napapansin ni Amber ang pananahimik nito.
Napansin n'yang simpleng sumulyap ang prinsesa sa puwesto ng lamesa sa itaas na bahagi ng ilog kong saan nakaupo sila Aero, Edward, ang inang reyna at ilang dalagang bisita.
'Sabi na ng aba si Aero rin ang pinunta nito rito,' sa isip-isip ni Amber.
"Bakit hindi mo s'ya kausapin? Gumawa ka ng paraan para pansinin ka n'ya," wika ni Amber wala s'yang pake alam kong prinsesa ang kaharap n'ya.
Napasulyap ang maamong prinsesa na may pagtataka sa mukha, "at sino ka naman?"
Ngumiti si Amber kahit napipilitan at medyo nainsulto sa tanong na 'yon, "ako lang naman si Amber ang tagasilbi at alalay mo ngayong araw," pakilala ng dalaga.
Muling sumulyap si Thalia sa puwesto ng dalawang binata, "maswerte ka at araw-araw mo s'yang nakikita kahit na tagasilbi ka lang."
Napangiwi si Amber, "akala mol ang 'yon," bulong n'ya, tumingin din s'ya sa puwesto ng dalawang binata, "bakit nga hindi mo s'ya kausapin?" Pag-uulit ni Amber.
"Hindi gawain ng prinsesa o ng isang babae na magpapansin o s'ya ang unang gumawa ng paraan para pansinin s'ya ng lalaking iniirog n'ya," wika ni Thalia. "Hindi ko rin alam kong mapapansin ba ko ni prinsipe Edward."
Bahagyang nagulat si Amber na si Edward pala ang pinapatungkol nito, sumulyap s'ya kay Thalia na malungkot pa rin.
"Masasabi ko sa lahat ng binibining nandito ikaw, ikaw ang pinakamatalino at may pinakamatinong taste sa lalaki," masayang wika ni Amber.
Nagtataka naman si Thalia at hindi naintindihan ang ibig n'yang sabihin.
"Alam mo hindi mahirap kausap si prinsipe Edward alam mo bang mas mabait s'ya kesa sa kapatid n'ya, kaya kong ako sayo kahit kausapin mol ang s'ya saglit hindi ka n'ya hihindian."
Biglang nagliwanag ang mukha ng prinsesa, "totoo ba 'yan?"
Tumango si Amber, "totoo walang halong biro."
"Tama ka---"
Bigla na lamang tumayo si Thalia sa bangga, bigla na lamang yumuyugyog ito dahil sa gulat nabitawan ni Amber ang sagwan n'yang hawak, bahagyang nadulas ang isa n'yang paa at nawalan ng balanse, hindi s'ya napakapit agad dahil wala rin s'yang kakapitan, hanggang sa maramdaman n'yang nahulog at tumama ang katawan n'ya sa ilog.
Dahil sa pagkakabagsak n'ya lahat ay nakuha n'ya ang atensyon lalo na ang dalawang binatang prinsipe.
Yumuko si Thalia at gulat na gulat sa nangyari, "tagasilbi!" Nilublob n'ya ang isang kamay at baka mahanap mahila pa n'ya si Amber, "tulong ang tagasilbi nalaglag! Tulong!" Sigaw n'ya ngunit lahat ng bisita ay nakatingin lang sa kanya.
Bigla na lamang tumalon ang isa sa prinsipe sa ilog.
***
Napansin ni Aero'ng pasimpleng sinusulyapan ni Edward ang bangga kong na saan si Amber, kaya tinignan din n'ya ang direksyon ng dalaga, nakangiti itong nakikipagkwentuhan kay Thalia.
Napailing na lamang, 'wag n'yang sabihin na may pagtingin s'ya sa mortal na 'yon,' sa isip-isip n'ya.
Nagulat na lamang sila nang makarinig sila malakas na paghampas sa tubig, parehas silang napasulyap sa banggang sinasakyan ni Amber ngunit wala na ang dalaga, kahit din s'ya ay nagulat.
Nagsisigaw na si Thalia at humihingi ng tulong.
Napansin n'yang hinuhubad na ni Edward ang suot nitong kapa.
"Wag mong sabihin na mababasa ka para lang sa tagasilbing 'yon," saway ng inang reyna sa kapatid n'ya.
Biglang sumagi ang kanyang ina kong pa'no namatay ito sa pagkakalaglag sa dagat dahil tinamaan ng malakas na alon ang barkong sinasakyan nila, niligtas s'ya ina n'ya para lang mabuhay s'ya.
Hindi na s'ya nag-atubili pa, hinubad n'ya ang kapa at sapatos na suot, agad s'yang tumalon sa ilog, pagbagsak n'ya sa tubig, lumangoy s'ya ng lumangoy nakita n'yang papalubog si Amber at mukhang wala nang malay.
***
Pinipilit n'yang iahon ang sarili sa tubig, ngunit sa bigat ng suot n'yang bistida at hindi rin marunong lumanggoy unti-unti na s'yang lumulubog, pinipigilan n'yang huminga.
Hindi s'ya makapag-isip ng matino, hanggang sa matanaw n'ya ang isang anino na papalapit sa kanya, pilit n'yang inaabot ang kamay n'ya hanggang sa mahawakan n'ya ang kamay nito at mahatak, naramdaman na lamang n'yang yinakap s'ya nito sa bewang.
'Maraming Salamat,' bulong n'ya dahil hindi pa s'ya mamamatay.
Para s'yang isda na tinanggal sa tubig nang makaahon s'ya, hindi pa rin n'ya maaninag kong sino ang tumulong sa kanya dahil nang lalabo pa rin ang paningin n'ya at hinahabol ang hininga.
Hila-hila s'ya nito hanggang sa makasampa s'yang muli sa lupa, napahiga s'ya dahil sa panghihina.
Dahan-dahan s'yang umupo una n'yang nakita si Aero na basang-basa katulad din n'ya, hingal na hingal na nakatitig sa kanya.
'Wag n'yang sabihin na s'ya ang tumulong sa'kin?' Tanong n'ya sa kanyang isipan.
May naglapat ng kapa sa kanyang balikat, "halika na dadalhin kita sa pagamutan," yay ani Edward sa kanya habang inaalalayan s'yang makatayo.
Hindi na s'ya nakapagsalita o kaya'y nakapagpasalamat kay Aero dahil sa mabilis na pangyayari, hindi rin n'ya alintana ang mga matang nakatitig sa kanya, parehas n'ya nagtataka rin sa pangyayari.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...