Chapter 1

20.5K 395 23
                                    

Chapter 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1

"Salamat po," ngiti n'yang wika sa aleng tindera sa canteen sabay abot ng pang bayad n'ya sa mga biniling pagkain.

Kumpulan at nagsisiksikan ang mga estudyante sa canteen kaya iniingatan n'yang hindi matabig ang dala n'yang tray na puno ng mga pagkain para sa kanilang dalawa ng kaibigan.

Samu't saring ingay ang maririnig sa loob ng malaking canteen, may iilang do'n napiling gawin ang aralin habang kumakain at may ilang grupo ng mga magkakaibigan ang masayang nagkwentuhan sa nangyari sa bawat klase at mga ayaw nilang propesor.

Pagharap ni Amber sa direksyon ng lamesa kong saan nakaupo ang kanyang kaibigan na si Catherine, huminto s'ya at pinagmasdan maigi ang matalik na kaibigan.

Ilang lingo na 'tong balisa at hindi mapakali, sa tuwing tatanungin naman n'ya kong ayos lang bai to, palagi naming ngumingiti at nagsasabing ayos lang s'ya, taliwas sa pinapakita sa kanya.

Palinga-linga si Catherine sa paligid, kaya sinundan ni Amber ang mga tinitignan nito na animoy may pinagtataguan.

Naglakad s'ya papalapit sa lamesa ng kaibigan at saka ito naging alerto nang magkaharap sila at nagkunwaring maayos.

Nilapag ni Amber ang tray sa lamesa at umupo sa tapat kaibigan.

Pinagmasdan muna n'ya ang mukha ni Catherine, malayo na ito sa masiglang mukha ng kaibigan noon, mababakas ang hindi maayos nitong pagtulog sa gabi dahil sa itim na kulay sa ilalim ng mata.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Amber sa kaibigan, ilang lingo na rin n'yang tinatanong sa dalaga 'yon simula nang magkaroon ito ng mga kakaibang kilos.

"Oo naman," ngumiti si Catherine at uminom ng bahagya sa kanyang baso na may lamang iced coffee.

"Bukas na ang recital, sana hindi ka magkasakit alam muna man na matagal natin 'tong hinintay para sayo at isa pa, matutupad na 'yong pangarap mo, baka malay mo may mga sikat na makapanood," iniba na lamang ni Amber ang usapan.

Kahit papaano'y nagliwanag ang mukha ng kaibigan na si Catherine.

Matalik silang magkaibigan o higit pa ro'n, kapatid na ang turingan nila sa isa't isa at halos na marami silang pagkakapareho lalo na sa mga gusto at paborito nila, sabay lumaki sa bahay-ampunan na s'yang nagpalaki, naging tahanan at nagpapaaral sa kanila. Marami silang kalokohan na pinagsaluhan para lang hindi sila mawala at magkahiwalay o ampunin ng ibang pamilya, kaya silang dalawa ang pinakamatanda sa St. Faith Children House.

Ngunit mas madalas na napapansin si Catherine lalo na sa angkin ganda nito, may maputi ito at makinis na balat, mahaba at kulutang itim na buhok, bilugang at maamong mata, maninipis at mapupulang labi, balingkitang pangangatawan, mas matanda si Catherine sa kanya ng isang taon.

"Magiging ayos lang lahat, don't worry Amber walang problema, ayos lang ako promise," ngiti ni Catherine sa kanya.

"Mabuti kong ga'nun, alam kong matutuwa rin sila sister Joy at mapapanood ka na rin naming tumugtug ng piano."

"Marunong ka rin naman gumamit at tumugtug ng piano," dagdag ni Catherine.

Bahagyang tumawa si Amber, "pero mas magaling ka dahil ikaw ang napili ni Mrs. Reyes sa recital."

Magsasalita pa sana si Catherine nang bigla itong huminto at magbago ang mukha nito. Nawala ang ngiti nito sa mukha at namumutla ito na para bang nakakita ng multo.

Nabitawan din ni Catherine ang hawak na baso sa lamesa, dahil do'n tumapon lahat ito at nagkalat sa lamesa.

Nagtataka si Amber, "Catherine?"

Nakatulala ito sa mismong likuran n'ya na animoy may tinititigan.

Do'n n'ya napansin ang kakaibang lamig sa likuran at pagtaas ng balahibo sa kanyang batok, biglang lumakas ang pintig ng puso n'ya.

Agad s'yang sumulyap sa likuran n'ya ngunit wala s'yang nakitang kakaiba ngunit mga estudyanteng busy sa kani-kanilang gawain.

Muli s'yang lumingon sa direksyon ng kaibigan na s'yang nakatitig at nagtataka sa kanya.

"Nararamdaman mo rin ba s'ya?"

Nagtatakang tanong ni Catherine, nagtataka rin s'ya sa kanyang sarili.

'Ano ba 'yong naramdaman ko?' Sa isip-isip ni Amber.

NAPAHINTO SI Amber sa kanyang ginagawa nang maalala na naman n'ya ang nangyari sa canteen kaninang tanghali. Hindi n'ya matapos-tapos ang kanyang pinag-aaralan leksyon na nakasulat sa isang yellow pad dahil may long quiz pa sila bukas ng umaga, hawak ang yellow pad, nakaupo sa tapad ng study table malapit sa bintana ng kwarto nil ani Catherine.

Simula nang makabalik sila sa boarding house nila, hindi na nila pinag-usapan pa ang nangyari sa canteen. Pakiramdam n'ya may hindi talaga tama sa kaibigan n'ya.

Binitawan n'ya ang papel at humarap sa kaibigan mahimbing na natutulog sa higaan nito.

Babalik sana s'ya sa kanyang ginagawa nang mapansin at marinig n'yang umuungol ang kaibigan.

Tumayo s'ya at pinagmasdan ang kaibigan, dahan-dahan s'yang lumalapit sa higaan ni Catherine, do'n n'ya rin unti-unting narinig ang sinasabi nito habang tulog.

"W......g..... Wag....."

"Catherine?" Bulong n'ya.

Tuluyan s'yang nakalapit sa kaibigan.

"Wag!!!! Wag!!!!"

Nanginginig na ang kaibigan n'ya, kaya kumilos na s'ya.

Ginising n'ya at alam niyang nanaginip lang ang kaibigan.

"Catherine! Catherine gising!" Yinuyugyog at sinasabayan n'ya ng sampal sa mukha.

"Wa----"

Tuluyang nagising si Catherine at nagpumiglas na makalayo sa kanya.

Umupo at sumandal ito sa pader, saka lang napagtanto ng kaibigan na hindi s'ya ibang tao.

Nanginginig pa rin ito, dahan-dahan tumulo ang mga luha sa mga mata ng matalik na kaibigan.

"Ako 'to si Amber," malumanay at may pag-aalala sa kanyang boses.

Lumapit si Amber sa kanyang kaibigan at yinakap ito, ramdam n'ya ang nanlalamig na mga palad ng kaibigan at nanginginig nitong katawan.

"Shhh andito lang ako, masamang panaginip lang ang lahat ng 'yon."

"Hindi, hindi masamang panaginip 'yon, totoo s'ya, totoo s'ya Amber, totoo s'ya." Paulit-ulit na sinasabi ni Catherine habang humahagulgol itong yakap n'ya.

'Ito ba ang nangyayari sa kanya sa tuwing hindi s'ya nakakatulog dahil sa mga masamang panaginip,' sa isip-isip ni Amber, hindi pa rin n'ya alam kong saan ito nag-umpisa at bakit 'to nangyayari sa kaibigan.

"Tahan na, halika ro'n tayo matutulog sa kama ko, tabi tayo," pagyaya n'ya sa kaibigan.

Umiiyak pa rin 'tong inalalayan n'ya sa kama n'ya una n'yang pinahiga ang kaibigan, kahit na may gagawin pa s'ya tumabi na rin s'ya sa kaibigan at pinilit ang sariling matulog.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon