Chapter 49

850 34 17
                                    

Chapter 49

"Kailan pa?"

Natigilan si Amber nang marinig niya ang boses ni Aero sa likuran niya. Napahinto siya sa tapat ng pinto ng kanyang kubo. Nagmadali siyang umalis sa kanina dahil sa gulo hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa binata at kahit din naman siya litong-lito sa nangyayari.

"Amber, kausapin muna man ako."

Ang lakas ng kalabog ng dibdib niya nang marinig niya ang malambing at pagsusumamong boses ni Aero. Bigla na lang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Bigla na lang siya nakaramdam ng mabigat at para bang may nakaatang na mundo sa balikat niya na hindi niya alam kung paano niya bubuhatin.

Dahan-dahan siyang humarap sa binata, hindi na nagulat ang binata na umiiyak siya, unti-unti itong lumapit sa kanya at pinunasan ang luha niya gamit ang daliri nito. Isa-isa niyang tinignan ang mga pasa at sugat na nakuha ni Aero sa labanan bago siya huminto sa mga mata nito.

"Ayos ka lang ba? Pwede ka naman magkwento kung gusto mo?" Sabay ngumiti ng malungkot ang binata sa kanya.

Lalong nanlabo ang mga mata niya nang mag-unahan ang mga luha niya.

Hinila ng binata ang balikat niya at saka siya nilapit sa kanya. Naramdaman na lamang niya ang mga kamay ng binata na yumakap sa katawan niya at kosang ipinatong niya ang ulo niya sa dibdib ni Aero. Dahan-dahan hinimas ng binata ang buhok niya na para bang pinapatahan siya.

ILANG minuto silang nagtagal sa ganu'ng posisyon bago nakaramdam ng pagkaantok ang dalaga at hinatid na lamang ni Aero ang dalaga sa kubo nito. Ilang minuto siya nagtagal sa silid nito bago niya iwan ang dalaga nang malamang nasa ayos na ito.

Saktong paglabas niya ng kubo nakasalubong niya si Kairos na seryosong nakatingin sa kanya, "buti nakita kita, kumusta na siya?" Tanong nito sa kanya.

Tumango siya bago sumagot, "ano sa tingin mo?" Hindi niya alam kung anong isasagot niya sa binata.

Ngunit parang naintindihan na ito ni Kairos kaya hindi na siya nangulit pa, "pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol naman saan?" Nakakunot-noong tanong ni Aero kay Kairos.

"Tungkol kay Amber."

Hindi na hinintay pa ni Kairos si Aero na pumayag, naglakad ito palayo sa kubo ng dalaga at nakasunod naman si Aero. Malayo-layo ang nilakad nila hanggang sa makarating sila sa tapat ng ilog malapit sa kakahuyan. Ngayon lang napansin ni Aero na papasilip na ang araw sa kalangitan para sa bagong umaga ngunit hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nakakaramdam ng lungkot.

Hindi niya pa alam ang buong kwento dahil hindi naman niya mapilit ang dalaga ngunit gusto niyang malaman.

"Anong mangyayari sa kanya?" Hindi niya napigilan mapatanong kay Kairos.

Nanatiling nakatalikod si Kairos mula sa kanya at nakatanaw sa ilog.

"Hindi kakayanin ng katawan niya ang bago niyang kapangyarihan na iginawad sa kanya," huminga ng malalim si Kairos bago siya nagpatuloy, "bago pa man siya bumalik uli rito nagbago na siya hindi lang niya alam, unti-unti pa lang lumalabas, ilang beses na rin siya nagpabalik-balik sa Erebus. Ang kaluluwang nagpabalik-balik sa Erebus, katulad ni Viktoria lalong lumalakas na nilalang at hindi ko rin inaasahan na ipapasa ni Lucian sa kanya ang trono. Sa pagkakataon mas kakailanganin niyang manatili sa Erebus kesa rito, mamamatay siya dahil mas hinatak siya pabalik sa Erebus, hindi pa sanay ang katawan niya at kung mangyari man manghina ang katawan niya rito baka habang buhay na siyang mawala...at hindi rin makabalik sa Erebus, hindi siya katulad namin dahil iba ang kaso ng sa kanya."

Humarap si Kairos kay Aero, parehas silang may pag-aalala at takot sa mga mata.

"Mas kailangan niya ang Erebus para mabuhay," dagdag pa ni Kairos.

Hindi magawang makapagsalita o magbigay man lang ng komento si Aero tungkol sa nalaman niya pero hindi siya makapaniwala.

"Kahit ikaw hindi mo kayang masolusyunan ang problema niya," wika ni pa ni Kairos.

BUMALIK si Aero sa kubo ni Amber para muli itong bantayan, pakiramdam niya unti-unti na namang lumalayo sa kanya ang dalaga na nag-uumpisa pa lamang niyang maibalik ito sa kanya. Naiwan nakatulala siya sa nahihimbing na dalaga at dahan-dahang naupo sa tapat ng dalaga. Inabot niya ang kamay sa ulo nito at unti-unting hinaplos ang buhok nito.

Natigilan siya nang mapansing unti-unti na naman itong naglalaho na parang hangin at ilang segundo ng bumalik muli ito sa dati. Natatakot siya para sa dalaga, na isip niyang baka nga tama si Kairos at sa pagkakataon na ito hindi talaga siya kailangan ni Amber para masolusyonan ang problema nito.

"Baka may solusyon pa," wala sa sariling bulong niya, "alam mo namang mahal kita, mahal na mahal, ngayon pa ba ako susuko?" Nakatingin lang siya sa maamong mukha ng dalaga. Huminga siya ng malalim at dahan-dahan tumabi ito sa pagtulog.

Naalimpungatan si Aero nang maramdaman niyang magalaw si Amber sa tabi niya at umuungol, lalo itong lumalakas kaya agad siyang naupo at nagulat siya nang makitang namumutla na ang dalaga.

Wala siyang nagawa kundi ang mataranta, "Amber, anong nangyayari sa 'yo? Amber!"

Agad niyang inalis ang kumot ng dalaga at agad itong kinarga. Sinipa niya ang pinto ng kubo para mabuksan ito at makalabas siya. Gising na ang lahat at halos tanghali na ng mga oras na 'yon. Gulat na gulat lalo na sila Minerva nang makitang kumakaripas ng takbo ang binata patungo sa kanila na karga si Amber.

"Kailangan ko ng tulong, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganyan," takot na takot na wika ni Aero.

Bigla naman sumulpot si Kairos na nag-aalala rin para sa dalaga, "ito na nga ba ang sinasabi ko, akin na si Amber---"

"Teka, saan mo siya dadalhin?" Tanong ni Aero nang tuluyan nang makuha ni Kairos si Amber sa kanya.

"Kailangan ko siyang dalhin sa Erebus," sagot ni Kairos.

Walang nagawa si Aero kundi hayaan ang binata para sa ikakabuti ni Amber. Nakatayo lang siya ro'n at nakatanaw sa dalagang papalayo sa kanya. Nagbukas ang itim na pinto sa harapan ni Kairos nang lumitaw ito, kosa ito nagbukas at pumasok doon dala ang dalaga. Nagsara ito at agad ding naglaho na lalong kinalungkot ni Aero.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon