Chapter 31
Muling naghiwalay ang dalawa nang makapagpaalam si Aero na aalis na muna siya para ayusin ang ilang bagay. Ilang minuto bago nagtagal si Amber sa hardin at saka niyang naisipang pumasok sa palasyo. Pagkapasok niya agad niyang sinalubong ang inang reyna, bahagya siyang nagulat ngunit hindi niya pinahalata sa kaharap na babae at yumuko na lamang siya para bigyang galang ito. Tatalikod n asana siya para iwan ang inang reyna ngunit tinawag siya nito kaya muli siyang humarap.
"Ano pong kailangan ninyo, inang reyna?" Magalang niyang tanong kahit na may inis siya sa babae dahil sa mga nangyari sa kanya pero kailangan niyang itago 'yon at magbigay galang pa rin.
Sumenyas ang inang reyna sa dalawa niyang taga-utos bago sila iwan nito.
Nagtaka naman si Amber at napataas ang kilay niya habang sinusundan nang tingin ang dalawang taga-utos na papaalis. Muli siyang tumingin sa reyna na may halong pagtataka sa kanyang mukha.
Dahan-dahan lumapit ang inang reyna sa kanya, tama lang na magkalapit sila at walang katao-tao sa pasilyong 'yon maliban sa kanilang dalawa.
"Hindi ko alam na tuso ka rin," may sumilip na ngiti sa labi ng inang reyna, "ganyan din ako dati sa ama nila."
Lalong nagtaka si Amber, "ano pong ibig sabihin ninyo?"
Lumapit pa sa kanya nang husto ang inang reyna at inayos ang lace ng kanyang damit.
"Alam mo na, malalakas talaga ang mga babae at kaya nilang manipulahin ang kanilang mga asawang babae. Tayo ang nagpapatakbo sa mga utak ng mga lalaki, kong wala tayo, hindi sila makakapag-isip ng maayos, kong wala ang mga babae magiging magulo ang isang kaharian. Tuso ka mahal na reyna, walang pinagkaiba kong paano ko patakbuhin ang utak ng ama nila. Pero hindi mo ako malalamangan marami ka pang walang alam."
Bahagyang napaatras si Amber at napakunot-noo. "Nakikinig ka ba sa usapan namin?"
"Sabihin nating hindi ko sinasadya," sabay tawa nito ng mahina.
"Walang masama sa sinabi ko at isa pa wag mo kong ihahalintulad sa 'yo. Hindi tayo magkapareho." Matigas na wika ni Amber.
Umismid lang ang inang reyna, "sabi mo eh ngunit ang pagkakaiba rin natin. Ikaw mismo ang magpapabagsak sa mahal na hari." Iiling-iling ito habang papaatras palayo sa kanya, "mag-iingat ka sa mga binibigay mong plano at payo sa asawa mo." Makahulugan nitong wika saka ito tuluyang lisanin ang dalaga.
Nanatiling nakatayo si Amber sa puwesto niya at nakatingin sa inang reyna na papalayo sa kanya. Hindi niya maintindihan kong anong ibig sabihin nito sa kanya. Bigla na lamang siya nakaramdam ng pangamba.
Dalawang araw pa lang ang nakalipas nang magkaroon uli ng pagpupulong at tinuloy nga ni Aero ang planong binigay ni Amber sa kanya. Maraming hindi nagustuhan ang planong gusto niyang mangyari, maraming nagalit at na inis sa kanya ngunit wala na silang magagawa sa kagustuhan ng hari dahil siya pa rin ang mas mataas sa lahat.
Magkakaroon ng grupo ng mga taga-gamot na ilang ipapadala sa mga lugar kong saan mas malalang nakakuhang sakit.
Nagkasalubong sila Amber at Aero sa pasilyo. Kitang-kita ni Amber kong gaano ka pagod ang mukha ni Aero ngayon dahil sa pag-uusap, saka lang siya napansin ng binata at ngumiti sa kanya.
Gusto niyang tanungin ang binata ngunit alam naman niya kong anong nararamdaman nito ngayon. Tuluyan siyang lumapit sa binata at yinakap ito. Halata sa pagkagulat nito sa kanyang ginawa dahil sa pagtigas ng katawan nito ngunit bumalik naman sa dati. Dahn-dahan siyang yinakap pabalik at nilagay ang ulo ng binata sa kanyang balikat na para bang pinagpapahinga ang sarili.
Tahimik sila ng ilang minuto roon, "pahinga ka na muna."
Dahan-dahan lumayo ang binata kay Amber at nakataas ang isang kilay nito, "saan?"
"Pahinga ka muna sa silid ko."
Hindi man lang nagdalawang isip ang binata at kinuha niya ang kamay ng dalaga para hilahin. Hinila niya ito papasok sa silid ng dalaga bago niya sinara ang pintuan nito. Agad na humiga ang binata kaya nahila rin si Amber papunta sa higaan niya. Nakahiga sila sa magkabilang dulo habang nakaharap sa isa't isa ngunit nanatiling nakahawak ang kamay ni Aero kay Amber.
"Nagalit sila sa 'kin," bulong ni Aero, "hindi raw ako magaling."
Huminga ng malalim si Amber sa awa sa binata, "wala namang magaling na pinuno sa mata ng tao, kahit na may ginagawa ka nang tama, mali ka pa rin sa kanila at wala kang ginawang matino lalo na kapag hindi mo nasunod ang kagustuhan nila."
Nanatiling nakatitig ang binata kay Amber, "kwento ka pa," sabi ni Amber, "makikinig ako sa 'yo."
"May mga ilang mga taga-gamot na ipapadala sa bawat lugar na may malalang kaso at bilang ng may sakit. Kailangan din inspeksyonin ang mga tubig at kailangan din sila pagawan ng bagong pagkukunan ng tubig para makaiwas sa tubig."
"Mabuti naman kong gano'n, wag ka nang malungkot, maganda naman 'yong plano mo eh," sabay ngiti ni Amber.
"Ikaw ang dahilan kong bakit ko binago."
Bumilis ang tibok ng puso ni Amber.
"Natatakot ako sa 'yo, natatakot ako sa reaksyon mo, sa mararamdaman mo sa 'kin at lahat 'yon dahil sa 'yo kaya ko binago para maipagmalaki mo naman ako."
"Ano ka ba ipinagmamalaki kita," inalis ni Amber ang kamay niya sa pagkakahawak ni Aero at hinimas ang mukha nito.
Napapikit si Aero at pinakiramdaman ang humihimas na kamay ng dalaga.
"Halos isang buwan ang pag-aasikaso tungkol ditto at baka isang buwan din akong mawala kasama sila."
Natigilan si Amber at nagulat sa kanyang narinig.
Dahan-dahan idinilat ni Aero ang mata niya at nakita niya ang mukha ni Amber na gulat na gulat na nakatitig sa kanya.
"Totoo ba 'yan?" Nakaramdam ng takot si Amber para sa binata sa hindi malamang dahilan.
"Oo... at baka hindi na kita maihatid sa pagbalik mo sa tunay mong mundo."
Hindi alam ni Amber kong ano ba ang mararamdaman niya. Ngayon lang niya naalala na hindi siya taga-roon, hindi ito ang tunay niyang mundo at ito na nga binuksan na ang katotohanang hindi na siya magtatagal.
"... Bukas na kami aalis ng umaga, sina Santino at Sebastian ang bahala sa 'yo. Sila ang maghahatid para sa'yo." Dagdag pa ng binata, "ipapaliwanag nila sa 'yo at dahil din magbubukas na ang lagusan bukas ng gabi."
Dahan-dahan na itong tumayo at umalis sa kama. Hindi pa rin makakilos ang dalaga sa puwesto nito.
"Magpahinga ka mahal na reyna, maraming salamat."
Saka tuluyang lumabas si Aero at sinara ang pintuan ng silid.
Nanatiling nakatulala si Amber sa saradong pintuan at dahan-dahan tumulo ang luha niya. Nanginginig ang mga kamay niyang umalis sa kama at naglakad papalapit sa pintuan. Hindi siya makahinga at binuksan ang pintuan. Nakita niyang nakatayo pa rin doon ang binata at bahagyang nagulat sa kanyang pag-iyak.
"Anong..."
Hindi na natapos pa ng binata ang sasabihin nito nang bigla niya itong yakapin ng mahigpit. Hindi niya alam na darating din sa puntong kailangan na niyang lisanin ang mundo ng binata at hindi niya matanggap ang katotohanan na 'yon.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...