Epilogue
DAHAN-DAHAN naglaho ang liwanag pagkatapos maipakita ng kahon ang alaala ng namayapa niyang mga magulang, kung gaano ito nag-umpisang magkakilala, paano nagkagustuhan, nabuo ang pamilya at pagtyardor ng tinuring nilang kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ganu'n ang sinapit ng kanyang mga magulang. Ang liwanag ang nagpakita sa kanya kung sino nga ba siya at hindi lang aksidente ang lahat na mapunta ro'n. Ang babaeng unang nakita niya ng makatungtong siya sa Holon ang siyang tunay niyang ina.
Hindi niya mapigilang hindi maging emosyunal at maiyak sa nangyari, 'kailangan kong lakasan ang loob ko para sa kanila, nakatakda ako para rito at hindi ko sila dapat biguin,' isabi niya sa kanyang isipan.
Unti-unti siyang tumayo at gumawa ng lagusan patungo sa Atohollo. Gamit ang kanyang kapangyarihan pinalutang niya ang walang malay na si Aero. Nang makalabas siya nakasunod lang ang katawan ng binata sa kanya, kosang lumapag ito ng makarating muli sila sa bulwagan at bigla na lang nagising si Aero.
Nakayuko si Kairos sa harapan ni Helena, hinang-hina at duguan. Nakatutok ang espada ng dalaga sa mismong leeg ng binata na handing paslangin. Naramdaman ni Helena ang presensya niya kaya lumingon ito sa kanya at ngumisi.
"Buhay ka pa pala," mapang-asar na wika nito.
Sinipa niya ang binatang si Kairos at tuluyang bumagsak sa sahig. Agad namang tumakbo si Aero para tulungan ang binata. Hindi pa rin binibitawan ni Helena ang sandata niya ng may lumitaw na isa pa sa kanyang kamay at ng bahagyang makalapit kay Amber. Binato niya ang isa niyang hawak na agad namang sinalo ng dalaga.
"Makikipaglaban naman ako ng patas," wika ni Helena.
Hindi na nagsalita pa si Amber at agad siyang sumugod ng atake ngunit mabilis na umilag si Helena at siya naman ang umatake kay Amber. Sisipain niya sana ito sa mukha ng pinangsanga ni Amber ang braso niya kaya kamuntik matumba, ngunit nahila ni Helena ang damit niya at wala siyang nagawa ng makalapit siya sa dalaga. Agad na tinapat ni Helena ang kamay nito sa dibdib niya.
Nanlaki ang mata ni Amber na alam na niya kung anong ibig sabihin nito, mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Helena at pinilipit niya ito patalikod. Napasigaw si Helena sa kanyang ginawa at saka niya ito tinulak ng bitawan niya ito.
Inis na inis na tumayo Helena at si Aero naman ang babalingan sana nito ngunit hindi na pinalampas pa ni Amber ang gusto nitong mangyari. Bago pa man makalapit ito kay Aero hinila niya si Helena sa kanya at pabalibag na sinandal sa isang poste. Agad siyang naglabas ng sandata at tinarak sa sikmura ng dalagang si Helena, kasabay ng pagtarak ni Helena sa mismong tagiliran din niya, hindi niya inaasahan na sabay silang magpapalabas ng sandata. Nanlilisik ang mga mata ni Helena sa kanya habang dinidiin niya ang punyal na hawak kahit pa nasasaktan na rin siya.
"Tinatawag ko ang pinto ng Erebus, patungo sa Surtar na lamunin mo at pahirapan si Helena at si Viktoria habang-buhay," diin na sambit ni Amber.
Lumakas ang hangin at mas lalong dumilim ang kalangitan. Nanlaki ang mga mata ni Helena ng may lumitaw na pinto sa likod ni Amber na may ilang metro ang layo sa dalaga, itim at malaking pinto na may mga bungong kulay gintong nakaukit doon.
Kosa itong nagbukas at mas lalong lumakas ang hangin na para bang hinihigip ng dahan-dahan si Helena, walang makikita kundi habang buhay na kadiliman. Agad na binitawan ni Amber si Helena at tinulak sa sahig. Tinanggal ni Helena ang punyal sa tagiliran niya at binato sa paanan.
"Hindi 'to maari," bulong ni Helena na para bang unti-unti hinihigop ang kanyang buong lakas ng hangin na nanggagaling doon, "biktima lang ako rito, hindi mo pwedeng gawin---argh sa 'kin!"
"Sumobra ka na, hinayaan mong magpalamon sa galit at pagiging sakim sa kapangyarihan. Hindi mo pinag-isipan 'yon at hinayaan mong gamitin ng isang masamang nilalang ang katawan mo dahil sa 'yung kahinaan," wika ni Amber.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...