Chapter 2

2.5K 87 14
                                    

Chapter 2

Nakaalalay pa rin si Alisha kay Amber hanggang sa makarating sila sa sinasabing lugar ng tatlong kalansay na kawal. Hindi pa rin makapaniwala si Amber sa nangyayari, 'kaluluwa na ako?' Tanong niyang muli sa kanyang isipan. Animoy hindi niya matanggap na patay na siya.

Huminto si Alisha kaya nasama siya sa paghinto nito dahil hawak siya. "Nandito na tayo sa bulwagan ng Halon."

Saka lang siya natauhan at napasulyap sa gusaling nasa harapan nila. May mataas ang gusali at may kalakihan. Ang dati nitong puting kulay na pintura'y napalitan ng itim dahil sa sobrang kalumaan. Sa magkabilang gilid ng gusali na aakyatan na ng ugatang mga halaman. May apat na maluwag at mataas na pintuan. Huminto ang tatlong kalansay na kawal at inutusan na pumasok ang mga nakasabayan nila.

"Pumasok na kayo sa loob at magpatala kay master Kairos sa kanyang libro." Sabi nong kalansay na nasa gitna.

"Ano bang mangyayari kong sakaling maitala ang pangalan sa libro nila?" Biglang tanong ni Amber na wala pa rin sa sarili.

"Parang kasulatan 'yon na 'pag nailagay mo ang pangalan mo libro ni Kamatayan kahit kailan hinding-hindi ka makakalabas sa purgatory, parang kasunduan." Sagot ni Alisha.

"Bakit kailangan pa nilang gawin 'yon?" Tanong muli ni Amber habang pinapanood na pumasok ang ilan sa loob ng gusali.

"Dati kasi may ilang mga kaluluwa na nakakalabas pa ng purgatory ngayon kong gagawin nilang maitala ang pangalan kahit na kailan hindi na sila makakaalis, parang kami rito."

Magsasalita pa sana si Amber nang may tumawag sa kanila. Nabigla na lamang siya nang sitahin sila nong mga kawal na kalansay.

"Hoy ikaw, pumasok ka na sa loob at magpatala!"

"Halika na, baka kong ano pang gawin nila sa atin," sabay ni Alisha.

Wala nagawa si Amber kong di ang patangay kay Alisha. Humakbang sila hagdan at nakasunod pa rin ang tingin ng tatlong kawal hanggang sa tuluyan silang nakapasok. Hindi maiwasan ni Amber na mamangha sa paligid. Mataas ang kisame ngunit wala siyang nakikitang bubong kong di natatanaw niya ang madilim na kalangitan. May mga pillars sa magkabilang gilid.

Mahirap punuin ang bulwagan kong na saan sila dahil sa lawak at laki nito. Nang yumuko siya namilog ang mga mata niya nang makitang nakaapak sila sa kalangitan ngunit kabaliktaran ng kalangitan sa taas mas mailiwalas ang naapakan nila.

Biglang kamalabog ang puso niya sa dibdib dahil sa takot na baka malaglag sila ngunit narinig niya ang tawa ni Alisha sa tabi niya at doon lang niya napansin na mahigpit ang pagkakahawak niya kay Alisha.

"Hindi tayo mahuhulog kong 'yon ang iniisip mo," natatawang wika nito.

Nakahinga siya ng maluwag, "yan lang ang salamin ng kalangitan na meron ang purgatory," dagdag pa nito, "halika na."

Muli silang naglakad muli at habang papalapit sila natatanaw niya ang nag-iisang lamesa ro'n sa pinakaunahan sa may gitna ng bulwagan. Pumipila do'n ang mga pumapasok.

"Do'n tayo magpapatala kaya pumila na tayo," sabi ni Alisha, "sasamahan kita baka mawala ka pa eh," biro nito sa kanya.

Pakiramdam ni Amber ina niya si Alisha na pupunta sila sa isang enrolment sa paaralan. May dalawang lalaki sa unahan na nakapuwesto sa lamesa ngunit hindi niya masyadong mapansin. Kong ano-ano ang sinasabi ni Alisha sa kanyang tabi habang nakapila sila ngunit hindi naman niya masyadong pinapakinggan.

"Alam mo sa tingin ko sobrang tagal ko na rito hindi ko nga alam kong ilang araw, linggo, buwan at taon na ako rito. Nong dumating ka rito binabantayan na kita kasi halos lahat naman ata ng bagong dating ditto ako ang unang nakakakilala."

Ilang minuto silang nakapila hanggang sa sila ang nakaharap sa lamesa. Nakita niya ng tuluyan ang binatang sobrang putla na animoy matagal nang hindi na nabibiladan ng araw, nakasuot din ng damit na kulay itim at may suot na laurel na korona sa gray nitong buhok. May bilugang mata at kulay asul. Tinaasan siya nito ng kilay at napasulyap naman siya sa nakatayong nasa likod nito.

Maamo ang mukha nito at ngumiti sa kanya. Mas maliit ang mata nito na halos hindi na nakikita ang mata sa tuwing ngumingiti.

"Hoy dalian mo at maraming nakasunod sa 'yo taga-kabilang mundo."

Nabigla siya nang sulyapan niyang muli ang lalaki at tinuro ang librong sobrang kapal na nakalatag sa lamesa, para itong encyclopaedia sa kapal. May mga ilang pangalan na nakatala ro'n, may panulat at sawsawan na tintang itim sa tabi.

"Wag ka naman ganyan baguyan siya rito Kairos kaya dapat mabait ka rin," wika ni Alisha na para bang ka kilala na ito ng sobrang tagal.

"Tigilan mo ko isa pang taga-kabilang mundo." Matamlay na wika ni Kairos na nakaupo sa silyang gawa sa kahoy.

Napakunot-noo si Amber at napasulyap sa babaeng nakahawak pa rin sa kanya. Ang dami na namang tanong sa kanyang isipan saka siya muling napasulyap sa libro. Kinuha niya ang panulat na balahibo ng ibon saka sinawsaw sa itim na tinta.

Bahagya siyang yumuko at tumulo ang ilang tinta sa pahina. Natigilan siya at napaisip.

"Dalian mo na binibini," reklamo ng lalaking nakapila sa likuran niya ngunit hindi niya pinansin.

Saka niya binitawan ang panulat at nagkalat ang tinta sa pahina. Bahagyang nagulat si Kairos at si Alisha. Tumayo siya ng tuwid at binawi ang kamay kay Alisha. Umiling siya sa mga ito, "hindi ako pipirma."

Namilog ang mga mata ni Kairos at pati na rin ang lalaking nasa likod nito.

"Hindi pwedeng masunod ang kagustuhan mo binibini at kailangan mong pumirma." Napatayo si Kairos at nanlilisik na nakatitig sa kanya.

Nakaramdam siya ng takot ngunit hindi siya nagpadaig.

"Hindi ako pipirma at walang makapilit sa 'kin," pag-uulit ni Amber. Dahil iniisip na kailangan niyang sa tunay niyang mundo kesa ang makulong sa purgatory. Umalis siya sa pila na kinagulat ng lahat. Hindi na siya nagdalawang isip na tumalikod at tumakbo pabalik sa pintuan.

"Habulin ninyo sila!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kairos sa bulwagan.

Biglang lumabas ang tatlong itim na aso mula sa madilim na parte ng bulwagan at hinabol si Amber. Nanlaki ang mata ni Amber nang biglang maramdaman niyang lumutang ang mga paa niya. Pinipilit niyang bumalik ngunit tuluyang siyang lumipad sa eri. Nakatingala ang ilan doon sa kanya at hindi na abot ng mga asong humahabol sa kanya dahil sobrang taas na niya hanggang sa kainin siya ng liwanag.

Napasigaw siya sa dahil sa takot hanggang tumahimik ang buong gusali dahil sa pagkawal ng liwanag nawala rin siya.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon