Chapter 21
Sa mga sumunod na araw-araw, sunod-sunod ang mga bagay na dapat nilang asikasuhin sa kasal, hindi na rin madalas magkita ang dalawa, kong magkita man sila ay nagtitinginan at magtatanguan, mas maraming ginagawa ang binatang si Aero dahil ipapasa rin sa kanya ang mga trabaho ng ama sa oras na maitalagang mag-asawa sila.
Nasa malawak na silid si Amber nang mapansin n'ya ang mga nakasabit na tela sa bawat sulok ng silid na pagdadausan ng selebrasyon pagkatapos ng kasal.
"Simbolo ng bawat kahariang nakatayo sa Atohollo."
Napasulyap si Amber nang magsalita si Santino sa tabi n'ya at ngayon lamang n'ya napansin ang binatang kawal. Muli n'yang binalik ang tingin sa mga telang nakasabit.
Nasa gitna ang kulay asul, "'yan ang simbolo ng Erosso, Dathelyn ang kulay rosas, ginto naman ang sa Panthalion, pula ang sa Hadusso, pilak ang sa Tharri at kulay lila naman ang sa Eonnus."
"Hindi ko alam na ga'nun karami ang kaharian na nakatayo sa Atohollo."
"Nasa hilaga ang Hadusso, ang Eonnus naman ay nasa silangan, nasa timog ang Tharri at nagsama-sama ang Dathelyn, Erosso at Panthalion sa kanluran. Sa bawat pagtitipon na meron palaging na riyan ang mga simbolo ng kada isa kahit ang isa sa kanila ay hindi ga'nun kagustong pumunta sa kasiyahan."
"Anong mong sabihin?"
"Ang nag-iisang kaharian sa silangan, ang Eonnus ay hindi pumupunta sa kahit na anong pagtitipon, pero pwede kang pumunta sa pagtitipon nila, sabihin natin s'ya ay may pinakamalakas na kaharian sa lahat na narito sa Atohollo, naging malungkutin ang hari at pinagbuti n'yang lakasan at pag-aaralan ang kilos ng nakapalibot sa kanila simula nang mamamatay ang mag-ina ng hari, hanggang ngayon wala pa ring pumapalit sa puwesto n'ya." Dagdag pa ni Santino.
Nakaramdam ng pagkasabay na kuryosidad at pagkalungkot nang biglaan si Amber.
"Pero dahil ito'y kasal at kasabay nang pagtatalaga ng bagong hari, pupunta si haring Martin sa kasiyahan, para siguro ipakita n'yang nakikiisa s'ya."
"Mabuti naman kong ga'nun," ngiti n'yang balik.
ANG ARAW na pinakahihintay ng lahat, ang araw ng kasal, lahat ay masayang nagdiriwang sa kasal nila Amber at Aero, nakahanda ang masasarap na pagkain, prutas, tsokolate at karne, para sa bagong kasal at sa mga bigating bisita dala ang kanilang mga regalo sa ikakasal.
Lahat din ay nagpapabonghan ng kanilang kasuotan at masayang pumasok sa palasyo, sa mismong hardin gaganapin ang kasal.
Samantalang si Amber ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari, hindi n'ya lubos maisip na makikita ang sarili sa isang kasal at s'ya mismo ang ikakasal dagdag pa ro'n na sa kakaibang mundo s'ya.
Hindi n'ya alam kong dapat ba s'yang matuwa sa mangyayari.
Kanina pa s'ya nakasulyap sa salamin, sa kanyang sariling repleksyon, suot n'ya ang isang bistidang pang kasal na pagnatatapat sa liwanag nagkukulay asul ito, tube style na wedding gown, makapal at bahagyang mabigat ang palda nito, sa itaas na bahagi napapalibutan ito ng maliliit na asul na bulaklak, may belo rin s'yang suot sa ibabaw nito ang koronang bulaklak.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...