Chapter 21
Tulalang nakatitig si Aero sa labas ng karwahe habang pinagmamasdan ang pagpasok nito sa loob ng palasyo. Tatlong araw ang nakalipas bago sila dumiretso sa Nurlin para sa pakikilahok sa patimpalak at kasama ang ilang sasali sa palaro. Isa rin sa kasunduan nila ng haring si Cristobal na kailangan nilang sumama bago matuloy ang kasal na napag-usapan nila.
Nang tuluyang nakapasok sa palasyo rinig nila ang ingay ng mga tambol at katuwaan ng mga taong naroon. Kitang-kita rin niya ang mga taong nagsasaway sa saliw ng mga maiingay na tugtugin, suot ang makukulay na kasuotan na siyang humahalo rin sa makukulay na palamuti sa palasyo at patuloy lang siya panonood sa mga tao nang mahagip ng mga mata niya ang pamilyar na dalaga.
Unti-unting namilog ang mga mata niya at talagang sinundan ang paglayo nito sa kanila. Ang bilis ng tibok ng puso niya at bumalik ang mga alaala noong nakaraang tatlong araw.
"Nandito siya...pero paano?" Tanong niya sa kanyang sarili.
Nang tuluyang huminto ang karwahe sa harapan ng palasyo hindi na niya hinintay pa ang pagbukas nito ng kawal at siya na mismo ang gumawa nong makalabas siya. Nagulat si Sebastian sa kanyang paglabas at sa kanyang ekspresyon sa mukha.
"Mahal na hari," tawag nito sa kanya.
Hindi rin niya pinansin ang pagbaba nila Helena at Cristobal. Nagtaka rin sa kanyang ikinilos na para bang may hinahanap siya sa kumpulan ng mga tao. Atomatikong kumilos ang mga paa niya at hinanap kong sino nga ba ang nakita niya.
Nong gabing nakausap niya ang babaeng nasa kulungan at mga sinabi ni Sebastian sa kanya hindi siya agad nakatulog. Muli siyang bumangon sa kama at lumabas ng silid. Hindi siya makakatulong hangga't hindi niya nagagawa kong ano ba ang plano niya.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin ko ng iba kahit pa tuluyang labagin ang batas na siya mismo ang may gawa. Nang makapaglakad siya pasilyo ay agad siyang kumaliwa at dumiretso sa baba ng kulungan. Halos tahimik ang buong silda at nang kaharapin niya ang mangkukulam sa loob ng kulungan.
Nakaupo ito sa gitna ng silda at idinilat ang mga mata nang makita siya. Muling sumilay ang ngiti sa labi ng matandang babae.
"Alam ko kong anong pakay mo kamahalan, 'wag mong sabihin mali, walang baba rito ng ganitong oras na lahat ay nagpapahinga na," komento ng mangkukulam.
"Bakit mo pa rin nagagamit ang kapangyarihan mo kahit na may basbas ang kulungan?" Hindi agad nasabi ni Aero ang pakay niya bagkus tinanong niya ito.
"Sabihin nating may ilang kakayahan akong kaya ko pa rin paganahin kahit nandito ako sa espesyal ninyong kulungan sa mga katulad namin." Dagdag ng matanda at tumayo. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa kanya.
Hindi nagsalita si Aero at nanatiling nakatitig sa matanda. Kalabog ng puso ang nararamdaman niya sa kaba sa kanyang plano.
"Gusto mong ibalik siya rito sa lupa 'di ba," dagdag pa nito.
"Kaya mo ba?" Mapanghamong tanong ng binata.
"Bakit hindi mo ko subukan? Ngunit teka lang, bakit ang isang namumuno sa isang batas ang siyang sisira nito." Pang-aasar ng mangkukulam sa kanya.
"Wala kang alam, mas maganda kong gawin mo lang kong anong gusto ko."
Napahalakhak ang matanda bago ito tumango-tango at pumikit.
Hindi na nagtanong pa ang mangkukulam at hinintay ni Aero kong ano ang sasabihin nito. Hindi niya alam kong anong ginagawa ng matanda, na para bang may binubulong na hindi niya maintindihan at hindi siya sigurado kong talagang magagawa nga nito ang kailangan niya.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...