Chapter 33

3.1K 113 8
                                    

Chapter 33

Muli silang bumalik sa loob ng palasyo at walang nagsasalita sa kanila. Hindi alam ni Amber kong anong dahilan ang sasabihin n'ya o kong kailangan ba n'yang sabihin ang katotohanan sa prinsipe. Huminto ang binatang si Edward at huminto rin ang tatlo. Humarap si Edward sa kanila at hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

"Pwede bang iwan muna ninyo kami ni Amber," matigas na sabi ni Edward, wala na ang salitang mahal na reyna o anumang paggalang para sa dalaga dahil sa nalaman nito.

Natatakot si Amber para sa kanya at kong anong pwedeng gawin ng binata sa kanya ngunit hindi s'ya nagsisisi na hindi s'ya pumasok ng lagusan para kay Aero. Gusto pa rin n'yang makita ang binata kahit na ikakapahamak pa n'ya.

Nagkatinginan ang dalawang kawal at parang ayaw sundin ang dalaga.

"Ano ba ang ipinag-uutos ko sa inyong dalawa? Sabi ko iwan na muna ninyo kami." Pag-uulit nito.

Humarap si Amber sa dalawang kawal, "sige na, maiwan na muna ninyo kami," wika ni Amber.

"Aalis kami mahal na prinsipe ngunit 'pag nalaman naming may ginawa ka sa kanya hindi maganda, kami ang makakalaban mo kahit wala ang mahal na hari," hindi natatakot si Santino na magbigay ng banta sa binatang prinsipe. Dahil ipinag-utos ni Aero na bantayan ng maayos ang dalaga.

Saka umaatras at tumalikod ang binata kasama ang kakambal nitong kapatid.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ni Amber nang sila na lang ang naiwan sa pasilyong 'yon. Nakakabinging katahimikan ang namayani bago tuluyang nagsalita si Edward.

"Maari bang sabihin mo sa 'kin ang lahat at kong ano ang katotohanan sa tunay mong katauhan." Matatalim ang mga titig ng binata sa dalaga at matitigas na mga salita na animoy nagpipigil ng inis o galit. "Hindi ka maari rito at kailanga maparusahan kong sinong taga-rito ang nagpapasok sa 'yo sa mundo namin."

Lalong kumabog sa kaba ang puso ni Amber, si Aero ang una n'yang na isip, hindi pwedeng mapahamak si Aero, ito ba ang kapalit ng pagpili n'yang pananatili sa mundo nila?

"Patawarin mo ko pero aksidente lang akong nakapasok ditto at walang tumulong sa 'kin," pagsisinungaling ni Amber, alam n'yang sa oras na sabihin n'ya ang totoo, matatangal naman sa posisyon bilang hari si Aero at parehas silang mabibigyan ng parusa.

"Humingi lang ako ng tulong sa kanila kaya wag mo sana silang idadamay, kong gusto mo ako na lang ang bigyan mo ng parusa sa pagpasok ko rito wag na sila," pagsusumamo ng dalaga.

Hindi makapaniwala si Edward at marami pa s'yang gustong itanong sa dalaga. Nakakaramdam din s'ya ng awa, hindi n'ya gustong ipahamak ang dalaga dahil may espesyal itong parte sa kanyang puso kaya gano'n na lang s'ya kong makitungo kay Amber ngunit may batas sila. Hindi na n'ya alam kong anong gagawin n'ya.

Hindi n'ya akalain na magkakagusto s'ya ng palihim sa isang nilalang na taga-kabilang mundo.

"Bakit hindi ka pa bumalik sa inyo? Bukas ang lagusan, bakit hindi ka pa pumasok?"

Umiling ang dalaga, "gusto ko pang makita si Aero bago ako bumalik."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Edward ngunit ito na ata ang mas nangibabaw sa lahat, nasasaktan s'ya.

Naiwang nakatitig s'ya sa dalaga na nakayuko sa harap n'ya at umiiyak. Umiiyak para sa kapatid n'ya.

Napailing s'ya at napakagat labi. Umatras s'ya ng bahagya, "magpahinga ka na at iisipin kong hindi nangyari ang pag-uusap na 'to." Tumalikod si Edward.

Mali rin ang ginawa n'ya, lumabag s'ya ng batas para sa babaeng sinisinta n'ya.

Nagulat naman si Amber sa naging desisyon n'ya.

Sa isang madilim na parte ng pasilyo may nakatayo, nakasilip at nakikinig sa kanilang pag-uusap. Dahan-dahan itong umalis bago pa s'ya madaanan ni Edward.

Kinabukasan ng umaga, parang walang nangyari, pangalawang araw na wala si Aero sa palasyo para sa isang misyon, mabigat ang pakiramdam ni Amber at natatakot na s'ya sa mga susunod na araw.

Sa harap ng hapag-kainan, sabay-sabay silang kumain ng agahan, atomatikong napasulyap si Amber sa tahimik na si Edward at hindi man lang lumilingon sa kanyang gawi. Nag-iisip s'ya kong pagkakatiwalaan ba ang binata. Sa hindi malamang dahilan napasulyap s'ya kay binibining Claire at bahagya s'yang nagulat nang mahuling nakatingin ito sa kanya.

Ngitian s'ya nito na s'yang pinagtaka n'ya at napakuno-noo. Hindi na lamang n'ya pinansin at tinapos na lamang ang pagkain.

Bumaliks s'ya sa kanyang silid pagkatapos ng agahan at dinalaw din s'ya ni Santino.

May pag-aalala sa mukha ng binata, "ayos ka lang ba mahal na reyna?" Tanong nito sa kanya.

Tumango s'ya at ngumiti, "oo naman, bakit?"

"Ang prinsipe, anong nangyari sa pag-uusap ninyo?"

"Sinabi n'yang kalimutan na lamang ang nangyari kagabi, 'yon ang sabi n'ya."

Umiling si Santino na s'yang pinagtaka ni Amber, "wag kang magtitiwala sa mga nagkukunwaring mabait sa 'yo, 'yon lang ang maipapayo ko sa 'yo mahal na reyna, sige na at babalik na ako sa trabaho ko."

Mga sumunod na araw at linggo wala pa ring naririnig na balita si Amber sa labas tungkol kay Aero. Ang palagi lang nilang nababalitan ay nagiging maayos naman ang lahat at unti-unti nang nababawasan ang may sakit. Isang linggo na ang nakakalipas, may tatlong linggo pa bago makauwi si Aero sa palasyo at para bang gusto nang lumabas ni Amber para man lang masilayan ang binata. Isang linggo na ring sarado ang palasyo sa kahit na anong pagtitipon.

Isang pagpupulong na naman ang naganap sa palasyo nang hapon na 'yon at kailangan nilang pumunta dahil importante raw ito. Agad namang inumpisahan ang konseho ang pagpupulong.

"Ang pagpupulong na poi to ay tungkol sa mga manggagamot, may ilan kasing natamaan ng sakit at kailangan pa po ng bagong dagdag. Baka kumuha tayo ng ilang taga-sunod ditto sa palasyo para idagdag at makatulong sa 'tin sa labas." Sabi ng konseho.

"Bakit hindi natin ipasok ang mahal na reyna sa pagtulong?"

Lahat sila ay napasulyap sa inang reyna nang banggitin si Amber.

"Mas maganda kong ipakita n'ya ang tulong n'ya at pagmamahal sa bayan, diba s'ya ang nagbigay ng suwestyon tungkol ditto. Bakit hindi s'ya lumabas at tumulong kasama ang mahal na hari?"

May ilang nagtanguan at para bang pabor sa inang reyna.

"'Yon ay kong gusto ng mahal---"

Hindi na pinatapos pa ni Amber ang sasabihin ng konseho nang magsalita s'ya, "papayag akong tumulong sa labas."

Hindi makapaniwala ang ilan na pumayag s'ya sa suwestyon ng inang reyna. Ngunit gagawin lang naman n'ya ito para makita na si Aero.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon