Chapter 24

4.8K 166 4
                                    

Chapter 24

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 24

Agad na isinugod ang dalawang dalaga nang pareho itong nawalan ng malay dahil sa nangyari, lumapit si Aero kay Amber at bahagyang ginigising sa pamamagitan ng mahinang pagsampal sa mukha, "Amber?"

Bigla na lamang dumating ang mga kawal para tulungan sila, patuloy pa rin sa pagdurugo ng braso ng dalaga, dinala ang dalawang dalaga sa kani-kanilang silid at nagpatawag ng manggagamot.

Ang personal na manggagamot ng pamilya ang sumuri kay Amber, nanatiling naroon sa silid si Aero binabantayan ang dalaga, isa-isang tinanggal ng manggagamot ang balote nitong suot at binagsak sa sahig.

Hinawakan nang manggagamot ang kamay ng dalaga ngunit agad n'ya 'tong binitawan nang may makita s'ya sa nakaraan ng dalaga.

"Bakit, anong nangyayari. malala ba?" Nag-aalalang tanong ng binata.

Humarap naman ang babaeng manggagamot sa kanya, ang makapal, makapal at kulutang buhok nito ay abot hanggang tyan, may maputla itong kulay dahil sa matagal na pamamalagi sa loob ng palasyo at ni minsan ay hindi pa lumalabas, malamlam ang mga mata nitong namimilog sa gulat.

"Wala sa mga guhit ng palad ninyo ang magtagpo ng landas," usal ng manggagamot.

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito si Aero.

"Napakadilim, hindi ko makita ang nakaraan at hinaharap ng dalaga, pero may isa akong nakikita, isang sumpa, isinumpa s'ya."

Sa pagkakataon na 'to si Aero naman ang nagulat sa kanyang nalaman.

"May lunas sa sumpa, hindi ikaw ang lalaking nakatakda sa kanya, hindi ikaw ang lalaking magpapaalis ng sumpa, kong ako sayo lumayo ka sa kanya habang maaga pa, hinding-hindi magbabago ang nakatakda, kong pipilitin ninyo ang hindi dapat, kamatayan ang kapalit nito."

Nagimbal si Aero sa kanyang narinig, kahit na nalilito, ramdam n'ya ang takot sa mga oras na 'yon.

Nagbago ang sinaryo, wala na s'ya sa silid, nakita ni Aero ang sariling pinapanood ang dalaga na naliligo sa sarili nitong dugo habang nakahiga sa mga nabubulok na dahoon sa kagubatan.

Nanginginig s'ya habang papalapit sa dalaga, naghihinagpis at puno ng poot ang puso n'ya sa kanyang nakikita.

"Hi-hindi," nanginginig n'yang usal, "hindi!!!" Bago pa man s'ya makalapit naglaho ang bangkay ng dalaga pati na rin ang paligid n'ya.

~*~

Napasinghap si Aero nang magising s'ya sa kanyang panaginip, pinagpapawisan s'ya at naroon pa rin ang takot na nararamdamn n'ya, napakabilis ng tibok ng puso n'ya.

Iginalaw n'ya ang katawan, nilibot ang tingin sa pamilyar n'yang silid, inaalala kong anong nangyari at bakit s'ya naroon, hanggang sa sumagi sa kanyang alaala ang kasal, tatayo na sana s'ya para bumangon nang maramdaman n'yang may nakahawak sa kanyang mga kamay.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon